"Ang sarap naman nito!" papuri ni ate Cassy na siyang kinangiti ni Stell. I don't know pero mainship ko talaga sila ni ate Cassy. Hindi naman nalalayo ang edad nilang dalawa eh. Ang pagkakaalam ko ay months lang ang tinanda ni Stell kay ate Cassy kaya sobrang natutuwa talaga ako kapag magkausap sila.
You know, may chemistry ba.
"Meron pa akong alam na mas masarap d'yan." banat niya na siyang kinasamid ko. Nagulat ako nang may dalawang baso ang tumapat sa akin. Paglingon ko ay pareho akong inabutan ng tubig ni Ken at Josh. Since may tubig naman akong sarili ay yun nalang ang ininom ko para wala nalang usapan.
"Forda abutan mo din ako ng tubig kuya Josh now na." ani Seana na siyang iiling-iling na tinawanan ni Josh. Inabot naman niya abg tubig kay Seana at tahimik nang kumain.
Until now ay hindi pa rin ako makapaniwala na mah gusto sa akin itong si Josh. Kasi naman bakit niya ako nagustuhan?
"Anong iniisip mo Tangi?" napalingon ako kay Ken at hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong lang sa lamesa. Otomatiko ko itong binawi lalo na't nahihiya ako sa mga kasama namin.
"Nothing. Kain ka na masarap nga ang luto ni Tey." sabi ko at kunwaring kumain na din.
"How qas the training girls?" tanong ni Pinuno.
"Naku, sobrang hirap pala Pau. Pero worth it naman kasi madami kaming natutunan." sabi ni ate Cassy na siyang tinanguan ni Pinuno.
"Lalo na yung dance routine namin. Grabe ang sakit sa paa." ani Seana na siyang kinatawa namin. Buong training kasi namin ay panay reklamo niya. Pero wala naman siyang magawa dahil ginusto namin ito at pangarap namin ito.
"Masasanay din yang mga paa mo. Pambata kasi eh." ani Josh na siyang kinanguso ni Seana.
"Ken." napalingon kami ni Ken kay Jah na ngayon sy hawak ang cellphone niya. I think he is looking at social media habang nakain kami. Minsan kasi ay siya yung nagmo-monitor sa official accounts ng SB19 lalo na kapag may comeback sila.
"Bakit?" tipid na tanong ni Ken at sumubo pa ng pagkain.
"Trending ka na naman." sabi ni Jah na siyang kinakunot ng noo ni Ken.
"Kailan ba ako hindi naging trending." may halong pagmamayabang na sabi ni Ken kaya bahagya ko siyang tinapik sa braso. "Joke lang."
"I mean, may issue na naman." ani Jah. Agad kong kinuha yung phone ko at pumunta sa Twitter. At tama nga si Jah. Trending nga si Ken.
Isa-isa kong tinignan yung mga post. Screenshot ito nung bagong vlog nila kung saan kita ang phone ni Ken na may lockscreen na babae. Which is alam kong ako yun dahil hanggang ngayon ay yun pa rin ang lockscreen niya.
"Sino tong nasa lockscreen mo dito Ken?" tanong ni Seana habang pilit na inaaninag yung screenshot nung isang post.
Kunot noo naman siyang nilingon ni Ken at itinaas yung cellphone niya.
"Alin ito ba?" tanong niya at pinakita yung lockscreen niya. Halos masamid ako dahil pinakita niya talaga yung picture ko. Gulat na gulat naman yung mga kasama namin samantalang ako naman ay napaiwas ng tingin dahil sa hiya. Bakit ba napaka straight forward ng lalaking to?
"Hoy gagi, bakit mo wallpaper si Nicole?" tanong ni ate Cassy pero nagkibit balikat lang si Ken.
"Dahil gusto ko." daretsong sagot niya na siyang kinamaang ng bibig ni ate Cassy. "And one more thing, I was the one who take this photo."
"Ken." pasaway na tawag ni Pinuno sa kanya. "Let's just finished eating then pag-usapan natin yan." ani Pinuno kaya naman nagsilapagan kami ng cellphone at inubos ang pagkain.
Buong oras ng pagkain namin ay halata mong nagkakapaan kami. Bakas kasi sa mukha ni Pablo na hindi siya natutuwa sa inasta ni Ken. Samantalang si Ken naman ay parang wala lang sa kaniya kung may issue man siya o hindi.
Ganoon na ba siya kamanhid sa issue? Ako nga nabinabasa yung mga comments and post nila doon, kahit na hindi naman nila alam na ako yung nasa lockscreen ay nasasaktan na. Minsan kasi ay may mga below the belt na kasing magcomments. Yung akala mo laruan yung isang Idol na pupwede nilang kontrolin ang buhay.
-
Tulad nga ng sinabi ni Pinuno ay nagtipon kaming lahat sa sala at tahimik na nakaupo doon. Hinintay namin kung ano man ang sasabihin ni Pinuno bago pa man kami umuwing mga girls.
"First of all, I will speak here as a leader not as your friend." panimula ni Pinuno na siyang kinakaba ko. Napakalaki kasi ng pagkakaiba ni Pablo kapag leader siya at kapag kausap mo siya bilang kaibigan. More on serious topic kasi kapag nagsalita siya bilang leader at kung kailangan mong mapagalitan ay gagalitan ka talaga niya.
"Are we all aware sa golden rule right?" tanong niya na siyang tinanguan naming lahat. Dumako yung tingin niya kay Ken dahil sa aming lahat ay siya lang ang hindi tumango. Bahagya kong tinapik sa hita si Ken dahil parang wala lang talaga sa kanya yung tingin ni Pinuno.
"Yeah right." walang ganang ani Ken at sumandal sa sofa na animo'y tamad na tamad na sa usapan.
"Nagkulang ba ako sa paalala bilang leader niyo about the golden rule?" mababakas mo sa boses ni Pinuno na seryoso na siya. Agad kaming umiling at umiwas na ako ng tingin sa kanya.
"So bakit may ganito Ken?" daretsong tanong ni Pinuno. Otomatiko kaming napalingon kay Ken pero ganun pa rin ang reaksyon niya. Parang wala lang talaga sa kanya kahit na pinapagalitan na kami.
"Sorry." tipid na sabi niya na siyang kinailing ko.
"Sorry din po." sabat ko na siyang kinakunot ng noo ni Ken. Hindi ko naman siya pinansin at daretso lang na nakatingin kay Pinuno.
Bumuntong hininga naman si Pau at umupo. "I'm pretty sure na kakausapin tayo bukas ni sir Charles so be ready Ken. At ikaw naman Nicole, since hindi naman nila alam na ikaw yun. Mag-ingat ka nalang. Hindi sa tinatakot kita pero alam mo yung kapalit kapag nalaman ito ng management." napalunok ako at tumango.
"Termination of contract." mahinang bulong ko.
BINABASA MO ANG
Breaking the Golden Rule
FanfictionSlow Update due to busyness of the Author. use #LSDeVeraStories in all social media platforms.