"I'm sorry po talaga ma'am nagkaroon po kasi ng problema yung flight niyo." hindi maiwasang mainis si Nicole lalo na't halos tatlong oras na silang pinaghihintay dito sa airport.
"Ano ba naman 'yan miss. Tatlong oras na kasi pero ganyan ng ganyan ang sinabi niyo. Naiintindihan naman namin na may problema pero sana naman bilisan ninyo ang pag-aayos. Napapagod din naman kami sa kakahintay." ani Nicole pero tulad kanina ay tanging paumanhin ang binigay sa kaniyang tugon.
"Huwag ka na maistress ate. Halika nga dito at umupo ka." sabi ni Lance at ginaya ang kapatid paupo sa tabi niya.
"Nakakainis na kasi eh. Tatlong oras na La—"
"Nicole!" agad napalingon ang dalaga nang marinig ang isang pamilyar na boses. Gulat itong nakatingin sa lalaking halos maligo na ng pawis sa katatakbo mahabol man lang siya.
"J-Josh?" takang tanong ni Nicole nang makalapit ito sa kanila. "Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na nandito ako? Alam ba ni Ken—" hindi na natapos ni Nicole ang sasabihin niya nang makitang naghahabol pa ng hininga ang binata. Marahil dahil sa pagod nito. Agad namang binigyan ni Lance ng tubig si Josh na siyang agad na kinuha ng binata.
"Grabe naman kuya Josh ang bilis mo din ah." ani Lance na siyang kinakunot ng noo ni Nicole.
"Ikaw ang nagsabi kung nasaan ako?" tipid na tawa ang ginanti ni Lance sa tanong ng ate sabay peace sign na rito.
"Huwag mo pagalitan si Lance. Ako ang may kasalanan. Kinulit ko siyang sabihin kung nasaan kayo." pagtatanggol ni Josh.
"Bakit ka ba kasi nandito? Lumayo na ako di'ba." daretsong tanong ni Nicole sa kanya.
"Sino bang may gustong lumayo ka? Nandito ang mga tanong nagmamahal sa'yo Nicole. Nandito ako." daretsong tugon naman ng binata. Hindi maiwasang mailang si Nicole sa sinabi ng binata. But Josh just smiled at her.
"I know. I know." inabot ni Josh ang kamay ng dalaga at tumingin daretso sa mata nito. "Alam ko namang kaibigan lang talaga ang tingin mo sa akin at tanggap ko yun. At kung ang paglayo ang tanging paraan na nakikita mo para magheal ka, susuportahan kita." hindi maiwasang mamangha ni Nicole sa naging tugon ni Josh. Alam niyang hindi madali ang magparaya dahil tulad niya'y nasasaktan ito sa tuwing nakikita niya si Jhaq at Ken na magkasama. Sobrang natutuwa lang siya na alam niyang may mga taong katulad pa pala ni Josh.
"Salamat Josh. Salamat dahil minahal mo ako. Salamat dahil lagi kang nandyan para sa akin. I hope makahanap ka ng taong mamahalin ka at mamahalin mo din." sabi ni Nicole at niyakap ang binata.
"Sana nga. Pero sa ngayon kuntento akong merong ikaw sa puso ko. Mag-iingat ka." matapos yakapin ng dalaga si Josh at panay ang lingon nito sa likod. "May hinahanap ka ba?" agad namang umayos si Nicole at umiling.
"W-Wala." pagdadahilan ng dalaga pero umaasa itong biglang sumulpot ang nobyo tulad ng ginawa nito nang nasa Enchanted Kingdom sila ni Josh.
"Wala si Ken." daretsong ani Josh animo'y nababasa niya ang nasa isip ng dalaga.
"A-Ano bang sinasabi mo d'yan? H-Hindi ko naman hinahanap si Ken." kinakabahang tugon ni Nicole at umiwas ng tingin.
"Ay sus. Si ate obvious na nga magdedeny pa." buwelta naman ni Lance sa nakatatandang kapatid.
"Tigil-tigilan mo ako Christian Lance ha!" asar na asar na ani Nicole. Naagaw naman ang atensyon nila nang bigla nang inanunsyo na maari nang tumuloy sa eroplano ang mga pasaherong kabilang sa flight nila Nicole.
BINABASA MO ANG
Breaking the Golden Rule
FanficSlow Update due to busyness of the Author. use #LSDeVeraStories in all social media platforms.