Casmin 3: Ayaw sa tragic ending

1K 54 0
                                    

Naratnan niya ang kanyang Ate na nanonood ng romance fantasy drama na the last princess. Umupo siya sa tabi ng Ate at kinuha ang kanyang cellphone. Hinanap ang bagong season ng you're my miracle. Ilang sandali pa'y napaiyak na naman.

Ang bida sa season 1 ay si Sayuri at nakapokus sa kanya ang kwento. Sa season 2 naman, nakapokus ang kwento kina Sayuri at sa ikatlong prinsipe na si Prince Seo Yiu. Sa season 3 na ito, nagsisimula ang kwento sa villain ng season 1. Ang kwento ng ikalimang prinsipe. Ipinakita ang kanyang nakaraan na hindi nababasa sa season 1. At kung sino ang tunay na bida dito ay hindi pa nila alam. Dahil ang alam nila, ang ikalimang prinsipe ay isang kalaban sa season 1 at may tragic ending sa huli. Hindi nila maintindihan kung bakit lumabas na naman ito sa season 3 at kung siya ba ang magiging bida sa season na ito.

"Ate, ate. May kwento ang baby ko." Sumipa-sipa pa siya sa tuwa. "Siguro may pangalan na ang baby ko dito."

"Tapos kapag namatay pa rin siya diyan, iyak-iyak ka na naman. Magbasa ka nalang kaya ng nakakatuwang nobela hindi 'yong nakakaiyak. Ako nga e, tumigil na sa pagbabasa niyan matapos mamatay ni Raiden." Sagot ni Sufi.

Isa si Raiden sa mga extra na mamamatay sa kwento. At ang mas gusto sana ni Sufi na makatuluyan ng bidang babae.

"Bakit kasi ang no name prince lang ang binigyan ng side story? Di ba pwedeng lagyan din ng kwento si Raiden?" Dagdag pa ni Sufi.

"Wala kasing balak ang author na buhayin siya." Sagot ni Casmin at nilabasan ng dila ang Ate na nandidilat ngayon ng mata.

"Kapag di talaga niya bubuhayin muli si Raiden, iba-bash ko talaga ang author na iyan." Sambit niya. Maya-maya pa'y biglang tumawa dahil sa pinapanood.

"Mga walangyang gumawa ng palabas na ito. May ahas ba namang nakakalipad? Wala naman silang mga pakpak tapos makakalipad?" Sabay turo sa TV.

"E fiction nga iyan kaya wag mong ikumpara sa totoong buhay okay? Saka kung ayaw mong manood, palitan mo nalang iyang pinapanood mo." Sagot ni Casmin at inirapan ang Ate.

"Maganda ang plot ng kwento e. Makapagsalita ka ng gan'yan e ikaw nga panay reklamo mo sa takbo ng kwento ng you're my miracle pero paulit-ulit mo namang binabasa. Kulang nalang, i-memorize mo ang lahat ng mga salitang nababasa mo diyan."

Makikita ngayon sa screen ang isang dalagita na tumatakbo habang hinahabol ng isang dambuhalang dragon.

"Bakit kasi sisigaw siya? Dapat hindi siya mag-iingay para di mahuli. Sinabi pa nilang matalino daw ang bida e tatanga-tanga kaya at lalampa-lampa pa. Tapos mayroon siyang pinakamalakas na kapangyarihan sa lahat ng mga gumaganap sa palabas na iyan tapos takbo lang ang kaya niyang gawin at palagi pang inililigtas ng iba? Ano ba iyang kapangyarihan niya pang dekorasyon lang?" Maya-maya'y reklamo ni Sufi habang patuloy pa rin sa panonood.

"Ikaw nalang kaya ang magiging direktor? Panay reklamo ka e. Sinadya nilang gawin iyan para naman masunod ang plot na gusto nila. Manood ka nalang, wag ng reklamo ng reklamo." Sagot din ni Casmin.

Maya-maya pa'y napatili si Sufi. "Kyaah! Tingnan mo Casmin. Ang gwapo ng bida. Oemgee! Mapapanaginipan ko na naman siya mamayang gabi nito. Ang gwapo talaga niya." Agad na umalis sa kinauupuan niya si Casmin dahil nakita niyang dumampot ng unan ang kanyang Ate na halatang ibabato na naman sa kanya na madalas nitong ginagawa kapag kinikilig.

Sobrang iniidolo ng kanyang Ate ang bidang lalaki sa pinapanood nitong palabas kaya nga kahit hindi niya gusto ang ilan sa mga eksena nanonood pa rin siya.

"Tingnan mo, sinalo niya si Faira. At nagkatitigan sila." Sambit ni Sufi habang nakahawak ng mahigpit sa unan ang isang kamay at ang isa naman kinakapa ang nalaglag na chichirya na naitapon niya kanina sa kilig.

Am I in The Wrong Novel?Where stories live. Discover now