Casmin 14: Siori

378 26 0
                                    

Nakita niya ang isang batang babae na pinoprotektahan ng kanyang ina. Inaatake sila ng mga nakaitim na cloak at may mga hawak na mga magic wand.

Inaatake nila ang isang babae gamit ang kapangyarihan na nagmumula sa kanilang mga magic wand at hinaharang naman ito ng babae gamit ang kanyang hawak na makapangyarihang setro.

"Ang ina nina Siori iyan di ba?" Ano ba iyang hawak niya? Mukhang kakaiba sa mga hawak ng mga mages?"

"Isang magic sceptre na tanging ang Emperatris ng Emeria lamang ang nakakahawak at ang hawak ng mga mages naman ay ang mga magic wand na kadalasang ginagamit ng mga salamangkero sa Mage tower." Sagot ni Tinker.

"Siori, tumakas ka na." Sigaw ng ina sa kanyang anak habang hinaharang ang kapangyarihan ng kanyang mga kalaban.

"Ngunit ina." Nanginginig ang mga tuhod na sambit ng bata.

"Ang batang Saintess ay nararapat ibigay sa Holy church. Kaya hindi mo dapat itinatago ang bata." Sabi ng Head Vatican ng Holy Church.

"Holy church? Ang simbahan ng Sumeria na pinakakinaiinisan ko?" Sambit ni Casmin.

"Tinker, maaari mo bang ipaliwanag sa akin ang mga nangyayari sa side ni Siori?"

Agad namang ipinaliwanag ni Tinker ang lahat.

Si Siori ay bunsong anak ng Emperatris at Emperador ng Emeria. Dahil isinilang siyang may Holy light, kinalala siya bilang batang Saintess ng Emeria. Ngunit hindi isang blessing ang pagiging Saintess ng nasabing Emperyo dahil kapag may mga sakuna, ang mga Saintess ang ginagawang alay ng mga Emerian para mapigilan ang anumang sakuna.

Para sa kanila, nararapat lamang na magsakripisyo ang mga taong may holy light o holy power para sa ikabubuti ng lahat. Ang sinumang batang may holy light ay kukunin ng mga nasa Holy church at doon palakihin bilang Saintess. Titingalahin at hahangaan ng lahat ngunit kapag darating na ang araw na dapat siyang magsakripisyo para sa ikabubuti ng lahat, gugustuhin man ng isang Saintess o hindi, kailangan niyang ialay ang buhay para sa lahat.

Isang bagay na ayaw mangyari ng Emperatris sa kanyang anak. Bago pa man niya isilang ang dalawang anak, naramdaman na niya na malakas ang holy energy sa kanyang sinapupunan kaya nabatid niyang posibleng may Holy light ang anak na isisilang niya.

Sigurado siyang magiging sakripisyo lamang ang kanyang magiging anak kapag may ibang makakaalam na may holy light ito. Kaya naman bago manganak, umalis siya ng palasyo at sinabing magbabakasyon na muna.

Ngunit sa lugar kung saan siya nagbakasyon, inatake siya ng mga kalaban. Habang isinisilang ang kanyang panganay na anak, abala naman ang kanyang mga kawal sa pakikipaglaban sa mga kalaban. Sinabi niya sa maid na itakas ang kanyang panganay na anak ngunit iniwan ng maid ang bata sa isang walang taong lugar.

Habang tumatakas, nalaman niyang hinahanap ng Emperador ang kanyang asawa at anak. Naglaho na ang Emperatris at wala ng nakakaalam kung nasaan ito. Nag-alala siya na baka malaman ng Emperador ang kanyang ginawa kaya naman hinanap niyang muli ang bata ngunit hindi na niya nakita pa.

Kaya pumunta siya sa kapatid niya na nagsilang din ng batang babae at nagkataong may pagkakahawig ang buhok nito sa buhok ng mga Royal family ng Emeria. Naisip ng maid na tinulungan siya ng Bathala kaya kinausap niya ang kapatid at asawa nito sa kanyang plano na agad naman nilang sinang-ayunan.

"Kaya naging prinsesa ang pamangkin ng maid at ang tunay na prinsesa ay nasa pangangalaga ng kawal ng Emperatris?" Sagot ni Casmin.

"Habang nakikipaglaban, nasugatan ang kawal na ito. Hinahanap niya ang Emperatris ngunit isang batang sanggol ang kanyang natagpuan. Kinuha niya ang bata at dinala sa kanyang pamilya. Umalis rin siya sa posisyon ng pagiging Royal knight at nagtatago bilang isang ordinaryong kawal sa border ng Emeria."

Am I in The Wrong Novel?Where stories live. Discover now