Agad namang pumagitna si Jillia.
"Nagbibiro lang po ang bata kamahalan." Sagot niya sa takot na maparusahan si Casmin.
"Nagbibiro ka lang hindi ba?" Sabay kindat nito kay Casmin telling her to say yes.
"Lial (liar). Siya." Sabay turo kay Raiji.
"Lagot na. Mamatay na yata ang batang ito hindi dahil sa mga halimaw sa gubat kundi dahil sa ginalit niya ang kamahalan." Sambit naman ni Jihon.
"Ito nalang, gusto mo ito?" Sabay pakita ni Siyun sa pouch na dala niya, para mabaling sa iba ang atensyon ni Casmin.
Ang pouch na ito ay galing kay Princess Jina.
"Ugly." Sagot ni Casmin.
"This girl knows the Royal language. Posibleng mula siya sa maharlikang angkan." Sambit ni Xunbe.
Napangiwi naman si Casmin maalalang may apat na lengwahe sa Sumeria. Ang Ancient language, Beast language, Royal language at Sumerian language na ginagamit ng lahat.
Hindi niya alam kung ano ang Ancient language at Beast language ngunit English ang sinasabi nilang royal language at tagalog naman ang Sumerian language na siyang pinaka-common na lengwahe sa Sumeria.
Nagpasalamat siya na hindi gaanong magaling sa English ang author kaya kaunti lang din ang ginagamit na salitang English sa kwento at piling mga karakter lamang ang binigyan nito ng kakayahang magsalita ng English. Kundi pa, tiyak na mahihirapan siyang intindihin ang mga pananalita ng mga tao sa lugar na ito.
Napatingin naman si Siyun sa kanyang pouch. Marami ang nagsasabing maganda ang pagkakaburda sa peony flower sa pouch kaya nga naturingang talentado ang nagbigay nito sa kanya. Hindi inaasahan na lalaitin ito ng batang kaedad lang ng kapatid niya.
Inilabas niya ang nilalaman nito sa loob. One hundred pieces Emerian silver coins. Ang isang silver coins ay maaari ng panggastos ng mga mahihirap sa loob ng isang taon.
Hinawakan ni Casmin ang isang silver coins at inamoy. "Amoy orange siya. Ang astig ng kendi nila, kulay silver."
Namilog ang mga mata ng lahat makitang isinubo ni Casmin ang silver coins sa pag-aakalang candy ito.
Agad hinawakan ni Siyun ang kamay ni Casmin at inagaw ang silver coin na hawak niya.
Napahawak ang lalaki sa kanyang ulo at napapailing. "Nakalimutan kong bata ka nga pala."
"Hindi pala pagkain? Di ba kadalasan kendi ang ibinibigay nila sa bata?" Makitang naguguluhan si Casmin ay lalo namang nalungkot na natatawa si Siyun para sa kanya.
"Don't worry, bibilhan kita ng kendi sa susunod. Kaya wag mo ng kainin ang perang ito."
"Pela?" "Ano bang dilang ito."
"Oo. Pera. Pera ito na ginagamit sa pagbili ng kendi at iba pang bagay. Kapag mayroon ka nito, mabibili mo ang anumang gusto mong bilhin." Paliwanag ni Siyun.
Kinuha ni Casmin ang pouch at lumapit kay Raiji.
"Gusto kong bilhin." Sabay turo sa kwintas na suot nito.
Nakahinga na sana sila ng maluwag dahil inaakala nilang magiging ayos na ang lahat dahil pumagitna si Siyun tapos tinuro na naman ng bata ang kwintas ng Emperador.
"You can buy anything but not that." Paliwanag ni Siyun.
"Ayaw talaga nilang ibigay. I need to use my cuteness weapon." Sambit ni Casmin.
YOU ARE READING
Am I in The Wrong Novel?
FantasyIsang ordinaryong dalagang mahilig magbasa ng mga online novels, ang hindi nakuntento sa nagiging wakas ng binabasa niyang nobela, kaya naisipan niyang bombahin ng komento at reklamo ang binabasang kwento. Hindi inaasahang magigising siya isang araw...