Napangiwi si Casmin nang madapa na namang muli. Ang layo na rin ng iba at naiiwan na siya. Nakaramdam na rin siya ng pagod sa paglalakad. Ngunit hindi siya nagreklamo.
Palinga-linga naman ang iba at gusto siyang lapitan ngunit ang sino mang akmang lalapit sa kanya ay bibigyan ng nakakamatay na tingin ni Raiji kaya nagpapatuloy na lamang sila sa paglalakad.
"Mas mabuti pang magpaiwan nalang ako. Lilipad nalang ako mamaya kapag mapansin kong wala ng ibang tao bukod sa akin." Ayaw niyang malaman ng iba ang kanyang kakayahan kaya pinipigilan niya ang sariling gamitin ito.
Napaungol siya ng madapa na naman. Nasugatan ang kanyang tuhod at dumugo ito. Gusto niya itong gamutin ngunit pinigilan niya ang sarili.
"Tsk, ang bagal mo na nga, ang lampa pa." Sabi ni Raiji na nasa tapat na pala niya.
Tumingala si Casmin at binigyan ng matalim na tingin ang lalaki.
"The Saintess father felt amuse by your reaction." Ang narinig ni Casmin na boses sa kanyang ulo.
"What? Di ba niya pansin? Galit ako sa kanya. Natutuwa pa siya siya sa reaction ko?" She thought.
"Teka, mechanical voice. Hindi si Tinker kung ganoon sino? Dahil ba nag-upgrade ang buong system kaya sa halip na sulat ang lalabas ngayon naman nagsasalita na?" Wala sa loob na napapakagat na naman siya sa kuko.
"Wait lang, pati nararamdaman nila nasasabi na rin ng system?" Sabay tingin kay Arkile.
"Arkile thought your stubborn yet cute."
"Naririnig ko nga. Nasasabi ng system sa akin kung ano ang iniisip nila."
"Cute daw ako. Ibig sabihin tumalab ang beauty ni Siori kay Arkile. Kaya lang ang laki ng age gap. Di ko sila ma-match make. Nasasabi na ng system ang mga nararamdaman ng mga nakapaligid sa akin. Kung gano'n malalaman ko na kung ano ang nararamdaman nila kahit tulog si Tinker. Ang cool." Ngingiti na sana siya sa natuklasan ngunit napangiwi nang maramdaman ang hapdi sa sugat ng kanyang tuhod.
"Kung wala lang sana sila e di sana nagagamot ko na ang sarili ko." Napatitig siya sa kanyang sugat.
"May sugat ka, bakit di ka umiyak?" Tanong ni Arkile na lumapit din pala at may hawak na maliit na garapa.
Hinawakan nito ang kanyang tuhod at nilagyan ng ointment galing sa garapa.
"Wag kang mag-alala, kaya nitong gamutin ang maliliit na mga sugat tulad nito." Sabi niya bago talian ng puting tela ang tuhod ni Casmin.
Ilalabas na sana ni Raiji ang hawak na maliit na bote ngunit itinago nalang muli at tumalikod na.
"Jillia felt sorry for you."
"She wants to hug you."
"Kakargahin nalang kita." Sabi ni Jillia.
"Ako na." Sagot ni Arkile at binuhat na si Casmin.
Pinaupo siya nito sa parang duyan na nakasabit sa kanyang dibdib na ginawa niya kanina lang. Halatang ginawa niya ito para makarga si Casmin. May karga siya sa likuran kaya di siya nito mapasan. Kaya naman naisipan ni Arkile na gumawa ng duyan mula sa kanyang dalang kasuotan at isinabit sa kanyang dibdib. Sakto lang din na magkasya ang maliit na katawan ni Siori.
"Ngunit ikaw ang best fighter sa atin? Paano kung may makakasalubong tayong mga halimaw?" Tanong ni Jillia.
"Kaya nga ako dapat ang magdadala sa kanya dahil mapoprotektahan ko siya ng maayos."
Nagkibit-balikat na lamang si Jillia.
"Jillia thought she can't argue with the boy."
"Di ba pwedeng tagalog nalang ang notification mo o ba kaya taglish nalang para naman maiintindihan ko ng mabuti." Sagot niya sa naririnig na mechanical voice.
YOU ARE READING
Am I in The Wrong Novel?
FantasíaIsang ordinaryong dalagang mahilig magbasa ng mga online novels, ang hindi nakuntento sa nagiging wakas ng binabasa niyang nobela, kaya naisipan niyang bombahin ng komento at reklamo ang binabasang kwento. Hindi inaasahang magigising siya isang araw...