Kumunot ang noo ng Emperador makita ang dalawang batang magkakamukha at nakikipaglaban sa mga Drakabe. Kinusot ang mga mata at muling pinagmasdang maigi ang video sa tapat niya.
Sa unang tingin palang siguradong-sigurado siyang anak niya at ni Serena ang mga batang ito lalong-lalo pa't parang copy paste lamang ni Serena si Sayuri.
Agad niyang pinapunta ang pinakamagaling niyang mga shadow guard makita ang maraming mga Drakabe.
"Iligtas niyo ang dalawang prinsesa at dalhin sila dito na walang galos."
"Kailan pa nagkaroon ng dalawang prinsesa sa Emeria? Hindi ba't nag-iisa lang si Prinsesa Jina?" Ito ang tanong ng limang shadow guard sa kanilang mga isip ngunit hindi sila nagtanong at hinintay ang susunod pang sasabihin ng kanilang Master.
Pinakita sa kanila ang video kung saan sina Sayuri at Casmin.
"Makakauwi pa ba tayong buhay nito?" Sambit ng isa makita ang grupo ng mga Drakabeng nakapalibot sa tatlong mga bata.
"Gamitin niyo ang teleportation scroll para makabalik agad dito at mailayo sila sa panganib." Utos niya sa limang shadow guard.
Ang gagawin lang nila'y sikapin nilang makalapit sa dalawang batang babae at i-teleport sila palayo sa teritoryo ng mga Drakabe.
Inihanda naman nina Effel at Parmon ang mga sarili para sa pakikipaglaban.
Nagkatinginan sina Casmin at Sayuri makita ang higanteng Drakabe. May katulad sa dinasaur ang katawan at may malalaking mga pakpak na katulad sa dragon. May mga makakapal na kaliskis na katulad sa ahas.
Napalunok ng laway si Sayuri. Minsan na siyang nakipaglaban sa mga Drakabe ngunit hindi sa maliit niyang katawan.
"Nasa bungo niya ang magic cole (core)." Sabi niya na halos kagatin na ang dila dahil nabubulol pa rin ito.
"Noted." Sagot ni Sayuri at tumalon na.
Lumipad na rin si Casmin patungo sa isa pang Drakabe. Nasa tuktok na siya ng Drakabe. Itinaas ang espada and slice it downwards. Nabalot ng kulay puting liwanag ang kanyang espada at humiwa ito sa ulo ng Drakabe.
Napatda sa kinatatayuan ang limang shadow guard na inutusan ng Emperador makita ang ginawa ni Casmin. Sa isang Drakabe palang, kahit lima pa sila, tiyak na mahihirapan silang talunin ito ngunit ang batang paslit pa lang, nakayang patumbahin ang Drakabeng kinatatakutan nila.
Kasunod ng pagkatumba ng isang Drakabe ay ang pagkatumba ng isa pa. Medyo natagalan man ng ilang minuto si Sayuri ngunit napatumba pa rin naman niya ang kanyang kalaban.
Umungol ang iba pang mga Drakabe sa galit at sabay na sinugod sina Casmin at Sayuri.
Napasinghap si Sayuri makita ang higanteng Drakabe na papunta sa gawi niya. Hindi agad siya nakakilos at naramdaman na lamang ang pag-angat ng kanyang katawan sa hangin. Buhat na siya ngayon ni Casmin.
"Mag-iingat ka." Sabi ni Casmin habang nasa himpapawid sila. Tumango naman si Sayuri. Tumalon siya pababa sa likuran ng isa pang Drakabe.
Sina Zeyniu, Seowa at Zandro ang siyang nangdi-distract sa mga Drakabe.
"Snow Blades!" Sigaw ni Zeyniu. Nagsilabasan ang mga matutulis na yelo mula sa kanyang mga kamay at patungo iyon sa isang Drakabe. Ngunit nabasag lamang ang mga snow blades nang tumama sa kaliskis ng Drakabe.
"Blinding snow ang ipatama mo sa kulay pulang Drakabe at Blazing fire ang gamitin mo sa kulay asul na mga Drakabe." Sigaw ni Sayuri.
"Blazing Fire." Sigaw muli ni Zeyniu.
Nagsilabasan ang mga bolang apoy mula sa kanyang mga kamay at itinapon iyon sa kinakalabang kulay asul na Drakabe. Umalingawngaw ang ungol nito at nagasgasan ang kulay asul na mga kaliskis.
YOU ARE READING
Am I in The Wrong Novel?
FantasyIsang ordinaryong dalagang mahilig magbasa ng mga online novels, ang hindi nakuntento sa nagiging wakas ng binabasa niyang nobela, kaya naisipan niyang bombahin ng komento at reklamo ang binabasang kwento. Hindi inaasahang magigising siya isang araw...