Casmin 33: Master's first disciple

211 15 0
                                    

"Tinker, paano na to?" Tanong ni Casmin habang tinitingnan ang mga kamay na visible na ngayon.

"Bakit nagiging Siori ang katawan ko? Hindi ba naiwan sa space ang katawan ni Siori?"

Napabuntong -hininga naman si Tinker.

"Iyan lang ang paraan para hindi mapano ang katawan ni Siori. Hindi kasi maaaring walang kaluluwang maiiwan sa katawan ng matagal na panahon. Baka mapahamak pa kayong dalawa."

Kumunot ang noo ni Casmin sa narinig. "Kung ganon, wala na si Siori sa katawan niya? Kung hindi maaaring walang kaluluwa ang isang katawan, paano naman ang katawan ko?" Nakita niyang napaiwas ng tingin si Tinker. Nagduda naman agad si Casmin.

"May ginawa ka ba na hindi ko alam?"

Agad namang itinaas ni Tinker ang mga kamay. "Wala akong ginawa pero may nangyari na hindi mo alam."

"Ano yun? Sabihin mo." Binigyan ng matalim na tingin si Tinker na ikinalunok ng laway nito.

"Ano kasi, nagising ang katawan mo sa mundo niyo. E nandito ka naman. Kaya posibleng si Siori ang nandoon."

"Ano?" Halos pasigaw ng tanong ni Casmin. Napatayo siyang bigla na ikinauntog ng kanyang ulo sa gilid ng kama. "Awts!" Napapikit siya habang nakahawak sa ulo.

"Paano yun? Nasa 6 years old pa naman siya. Paano kung ano ang gagawin niya at aakalain nina mama na nababaliw ako o ba kaya nagiging bata ulit ang isip ko?"

"Wag kang mag-alala, reborn Siori ang nandoon. Ang batang Siori na napasukan ng kaluluwa mo ay isang reborn Siori na. Kaya mas matandan na iyong mag-isip kumpara sayo."

"Paano ako? Paano kung hindi na ako makakabalik sa mundo ko?"

"Makakabalik ka kapag gustuhin mo. Ngunit sa pagkakangayon hindi pa pwede dahil sa ginawa mong paghawak sa target. Makakabalik ka lang kapag tapos na ang iyong misyon. "

"Mas mabuti nga iyon dahil hindi na mag-alala ang iyong ina at kaibigan dahil bigla ka nalang hindi nagigising. Nawala na ang kuya mo, ang ate mo, ang papa mo hindi pa nagigising tapos pati ikaw hindi rin magigising? Ano na lamang ang mangyayari sa iyong ina?"

Naikuyom naman ni Casmin ang kamao.

"Nakakausap mo ba si Siori?"

"Kakausapin ko siya mamaya. Tila naguguluhan pa rin kasi siya. Bigla nalang kasi siyang nagising sa katawan mo. Hindi ko alam na ang paghawak mo sa target ang siyang magiging daan para magising si Siori sa katawan mo na natutulog ngayon sa mundo niyo."

"Kausapin mo agad siya. Baka kung ano pa ang gagawin gamit ang katawan ko." Nag-aalalang sambit niya.

Sa pagkakaalam niya, ang reborn Siori ay may matinding poot at baka ang mga tao pa sa mundo niya ang paghihigantihan nito gamit ang kanyang katawan.

"Sige puntahan ko muna. Kapag hinfi agad ako makakabalik ibig sabihin abala ako sa pag-aasikaso sa kanya." Paalam ni Tinker. Tumango naman si Casmin.

Nang maglaho na si Tinker napasandal si Casmin sa gilid ng kama. Kapag papasok siya sa space, maiiwan ang katawan ni Siori sa lugar na ito. Kapag gusto naman niyang bumalik sa Emeria kailangan niyang mag-commute at hindi na niya maaari pang gamitin ang portal sa space.

Napasabunot na lamang siya ng buhok. "Bakit kasi ang tanga-tanga ko?" Naiiyak niyang sambit.

"Master?" Narinig niyang boses mula sa likuran.

Nanigas siya sa kinauupuan. Napalunok ng laway.

"Ano'ng gagawin ko nito?"

Matapos kausapin ang lolo, mabilis na bumalik si Seo Yan sa kanyang tent upang makausap muli ang kanyang invisible master. Kaya lang may ibang nilalang ang nasa kanyang tent.

Am I in The Wrong Novel?Where stories live. Discover now