Paglabas ni Raiji sa banyo, nakita niyang nakapikit na si Casmin habang nakayakap sa isang malaking unan.
"Papa, nandito na ang healing soup."
Kinuha ni Raiji ang bowl na nilagyan ng sabaw at pinalabas na si Siyun.
"Hey wake up." Pukaw ni Raiji kay Casmin.
Dahan-dahan idinilat ni Casmin ang mga mata at matamlay na umupo.
"Drink this." Inilapit nito sa bibig ni Casmin ang kutsarang may sabaw.
Ibinuka ni Casmin ang bibig at nilunok ang sabaw.
"Aaah. Ampait!" Sigaw niya na nakalabas ang dila at nakakunot ang ilong. Sinamaan niya ng tingin si Raiji. "Bakit di mo sinabing mapait?"
"Natural lang na mapait dahil may medicinal herbs ito."
"Di bale na nga. Baka kailangan nga ng katawang ito ang gamot na iyan. Titiisin ko nalang." Kinuha ang bowl, hinipan ng ilang ulit, pinisil ang kanyang ilong saka ito nilagok.
"Uwaah, ayoko na." Tumingala siya para hindi masuka.
Nagsisisi siya kung bakit hindi siya bumili ng healing soup sa system store. Mas masarap ang healing soup doon at walang halong ibang sangkap na dahilan para magiging mapait ito.
Naglabas naman ng candy si Raiji at binigay sa kanya.
"Bakit di mo binigay agad?" Kinuha ang candy at kinain.
Ang candy na ito ay binili niya para sana kay princess Jina. Magtatampo kasi ito kapag hindi niya binilhan ng candy mula sa labas kapag may lakad siya.
Kung si Princess Jina pa ang uminom ng mapait na sabaw na iyon, kanina pa ito nagta-tantrum at itatapon ang bowl o ba kaya iiyak ng malakas dahil ayaw nito sa mapapait. Hindi niya maiwasang ikumpara ang dalawa.
Hindi mag-aatubiling magparusa ang prinsesa at manakit ng mga maid o mga kawal at wala lang dito kung may mamamatay sa tapat niya. Ngunit ang batang ito, gagawin ang lahat mailigtas lamang ang buhay ng iba. Kaya ng gumamit ng kanyang kapangyarihan at alam ang kahinaan ng mga halimaw na kahit sila ay hindi alam.
"Dahil ba lumaki kang kasama ang iyong ina kaya ka naiiba sa ibang mga bata?" Wala sa loob na sambit niya.
"Naiiba ako dahil mahal ako ng Panginoon." Sagot ni Casmin at humiga ng muli sa kama. Gustong-gusto na talagang pumikit ng kanyang mga mata.
Napatingin si Raiji sa batang ang bilis makatulog. Inayos niya ang pagkakahiga nito at kinumutan.
Pinagmasdan niya ang natutulog na bata. Ngayong nakapikit si Siori, (Casmin) kaparehong-kapareho nito si Serena ngunit kapag gising naman ay katulad niya. Ang kulay at hugis ng mga mata, ang hugis ng mga labi, at ang estilo ng pagalaw ng mga labi nito, at ang mga tingin, ay nakukuha mula sa kanya lalo na kapag naiinis ito o nagagalit.
Nang magising muli si Casmin, nasa bisig na naman siya ni Raiji at nakasakay sila ngayon ng isang flying beast na katulad sa isang pegasus. Mula sa kinaroroonan ay kitang-kita niya ang tanawin sa ibaba.
"Woah. Ang ganda." Pilit na isinisilip ang mukha sa ibaba. Masyado kasing malapad ang dibdib ni Raiji para sa maliit niyang mukha kaya natatakpan nito ang kanyang tingin.
Hinanap niya sina Arkile at ang tatlo nitong mga kasama ngunit hindi niya natagpuan. Ang nandito ay ang twenty na mga kawal, si Siyun at ang kawal nito, kasama si Xunbe na siyang nauuna sa kanilang lahat.
"Wag kang malikot. Malalaglag ka."
"Ang laki kasi ng dibdib mo. Di ko makita ang paligid." Sagot ni Casmin at napanguso.
YOU ARE READING
Am I in The Wrong Novel?
FantasyIsang ordinaryong dalagang mahilig magbasa ng mga online novels, ang hindi nakuntento sa nagiging wakas ng binabasa niyang nobela, kaya naisipan niyang bombahin ng komento at reklamo ang binabasang kwento. Hindi inaasahang magigising siya isang araw...