Casmin 16: Meeting Siori's Father and brother

323 29 0
                                    

Napayakap si Casmin sa isang puno. Isa sa kaaya-ayang kakayahan ng mga Saintess ay ang kaya nitong kausapin ang mga halaman at mga hayop. At mararamdaman nila kung ang isang hayop o halaman ay ayaw sa kanila o ipapahamak sila.

"Maaari mo ba akong itago sa mga mata ng iba? Magpapahinga lang ako sa lilim mo." Sambit niya at isinandal ang katawan sa puno.

Ilang sandali pa'y tuluyan na siyang nakatulog.

Nang mahimbing na ang kanyang pagtulog, gumapang ang mga ugat ng puno sa paligid niya at binalot siya nito. Hindi na siya makikita ng iba kahit hindi siya naka-invisible.

"Mukhang naligaw yata tayo." Sambit ng isang kawal.

"Wag kayong pakampante. Kailangan niyong maging alerto palage." Sabi ni Raiji habang inililibot ang paningin sa buong paligid.

Napatingin sila sa weird na puno na nababalot ng mga ugat ang kalahating katawan.

Sa gubat na ito, may mga punong naglalakad at mayroon namang mga punong kumikitil ng buhay ng mga tao o hayop. Tinatawag nila ang mga ito na halimaw na puno. Kaya naman sinusuri nilang mabuti kung hindi ba mga halimaw ang mga punong kanilang madadaanan.

Mapansing wala namang kakaibang kinikilos ang kakaibang puno, naisipan nilang tumigil na muna sandali at magpahinga.

"Wala ba kayong ibang napansin? Sobrang tahimik ng buong paligid." Sabi ni Jihon.

"Kamahalan, mukhang hindi na kakayanin ng iba na magpatuloy sa biyahe." Sabi ni Xunbe na siyang bodyguard as well as butler ni Raiji.

Napatingin si Raiji sa mga sugatang mga kawal. Sa dalawampung kawal na kasama nila, at apat na mercenary, siya lamang, si Xunbe, at ang anak na prinsipe at ang kawal nitong si Jihon ang hindi gaanong malala ang sugat. At tanging ang apat na mercenary lamang ang walang sugat.

Sa mga nangyaring labanang naranasan nila, ang mga mercenary na ito ang palaging nagliligtas sa kanila. Dito nila napagtanto kung gaano kalakas ang apat na mercenary.

Ilang sandali pa'y napagpasyahan nilang magluto ng makakain.

Bahagyang kumunot ang noo ni Casmin sa naaamoy na mabangong pagkain. Idinilat niya ang mga mata. At napatingin sa madilim na paligid. Napapaligiran siya ng mga ugat na puno at nakahiga siya sa mga tuyong dahon nito.

"Kaya pala di masakit sa likod." Inalis niya ang mga dahon na tumakip sa katawan niya na nagsilbi niyang kumot.

Napatigil sa ginagawa ang isa sa miyembro ng M mercenary.

Kumunot ang kanyang noo at tiningnan ang mga kasama na tila walang napansin.

"Didn't you feel that?" Tanong ni Arkile.

"Anong felat?" Tanong naman ng hindi nakakaintinding si Ahro.

"Wala ba daw tayong nararamdaman. At saka di yon felat. Feel that yon." Pagtatama ni Jillia.

"Aba malay ko ba diyan." Sagot nito at pinaypayan ang apoy sa tapat niya. "Pero may nararamdaman talaga akong kakaiba." Maya-maya pa'y dagdag niya.

"Ano yon?" Agad na tanong ni Kaisen. At pinakiramdaman ang buong paligid.

"Nararamdaman ko na..." Pabitin na sagot ni ahro. Naghintay naman sa idudugtong niya ang kanyang mga kasama.

"Na naiihi ako." Sagot ni Ahro na na may pilit na ngiti sa labi. Akma siyang batukan ni Jillia kaya nagmamadali siyang tumayo at naglakad palayo.

"Wala talagang kwentang kausap ang isang 'to." Naiinis na sambit ni Jillia.

Napahawak na rin sa kanyang espada si Raiji dahil sa presensyang nararamdaman niya. Napatingin siya sa puno na tila gumalaw ang mga ugat nito. Nakita niyang lumapit doon si Ahro para umihi.

Am I in The Wrong Novel?Where stories live. Discover now