Casmin 20: Panganib

310 27 0
                                    

Dahan-dahang idinilat ni Casmin ang mga mata. Agad niyang hinila ang kuwelyo ni Arkile para maagaw ang atensyon nito.

Tiningnan siya nito at itinaas ang isang kilay.

"Tumigil kayo." She said anxiously.

Kumunot naman ang noo ni Arkile na nagtataka. Niyugyog naman siya ni Casmin at halata sa mga mata nito ang matinding takot at pag-aalala.

Ngunit patuloy pa rin sila sa paglalakad.

"Tigil!" Sigaw niya na ikinatigil ng lahat at napalingon sa kanya.

"Ano bang nangyayari sa kanya?" Tanong ng isang kawal.

"Naalimpungatan pa siguro kaya ganyan." Sagot naman ng kasama.

Iiling-iling namang nagpatuloy sa paglalakad ang iba.

"May problema ba Siori?" Tanong ni Jillia at hinawakan pa ang kanyang noo baka may lagnat siya.

"Bumalik kayo sa dinaanan ngayon din mismo." Mabilis niyang sabi.

"Arkile, baka may naalalang di maganda ang batang iyan." Sabi naman ni Jihon.

"Sinabi ng bumalik kayo!" Ubod lakas na sigaw ni Casmin. Wala na siyang ibang paraan para makinig sila.

"Pwede ba bata, wag kang manggulo dito? Kita mong papalubog na ang araw tapos papabalikin mo kami? Arkile, mabuti pang pagsabihan mo iyang batang buhat-buhat mo." Sabi naman ni Konrad. Isa sa mga beteranong kawal na matagal ng nagtatrabaho sa palasyo.

"Iyong dalawa. Ang dalawang kawal. Nanganganib ang buhay nila." Sagot ni Casmin. "Makinig naman kayo sa akin o." Sambit niya at lalong nabahala makitang patay-sindi na ang kulay pulang health bar ng dalawang kawal na inutusang magmanman sa paligid.

"Kamahalan." Sambit ni Xunbe na nakatingin sa mga mata ni Raiji.

"Tumigil kayo." Utos ni Raiji sa kanyang mga kawal. Nagsitigil naman sila na nagtatanong ang mga mata.

Wala silang tiwala sa bata ngunit may napansin din siyang kakaiba sa kinaroroonan nilang ito. Inilabas niya ang isang maliit na salamin. Ang salamin na ito ay ang makapangyarihang artifact na ginagamit nila sa pakikipag-usap sa ibang tao na malayo sa kanila.

"Parmon, Effel. Nasaan na kayo?" Tawag ni Raiji sa dalawang kawal.

Nagliwanag ang salaming nasa bulsa nina Parmon at Effel. Dinampot nila ang mga dalang salamin at tiningnan kung sino ang tumawag.

"Kamahalan, may kakaibang bundok kaming nakita." Sagot ni Parmon at ipinakita ang kakaibang bundok na kaharap. Nababalot ng mga halaman ang bundok na ito ngunit walang kahit isang puno. Mayroong nag-iisang bulaklak sa pinakagitna ng bundok na nagbibigay ng kakaibang halimuyak.

Napatingin si Casmin sa screen na nasa tapat niya. Nakikita niya mula roon ang dalawang kawal at napansin ang pagalaw ng bundok.

"It's too late." She mumbled.

"Takbo!" Sigaw niya sa dalawa habang kaharap ang screen na siya lamang ang nakakakita.

"Nababaliw na ba siya?" Napapailing na sambit ni Jihon makitang nakatingin sa kawalan si Casmin sabay sigaw na takbo.

Napatingala sa langit sina Parmon at Effel marinig ang boses sa kalangitan.

"Narinig mo iyon? Kaboses ng bata." Sambit ni Parmon.

"Takbo na sabi e. Gusto niyong mamatay? Halimaw iyang kaharap niyo." Ang narinig nilang muli sa kalangitan.

Nagkatinginan ang dalawa hanggang sa napansing tila gumalaw ang lupang kanilang kinatatayuan.

Am I in The Wrong Novel?Where stories live. Discover now