Casmin 17: Ginamot

319 31 0
                                    

Silver hair and red eyes. Pisikal na katangian ng isa sa mga kapatid ni Siori sa ama.

"Kundi ako nagkakamali, ang first prince ito ng Emeria." Napakagat siya ng kuko habang iniisip kung ano nga ba ang first prince sa buhay ni Sayuri.

Sa lahat ng mga kapatid ni Sayuri, si Prince Siyun lamang ang kumakampi sa kanya kapag inaapi siya ng fake princess sa palasyo. Ngunit hindi alam ni Casmin kung isang mabuting kapatid ba ang first prince na ito kay Siori.

Bahagyang makikitaan ng pagkailang ang ngiti ni Siyun makitang hindi pinansin ni Casmin ang iniabot niyang karne.

"Wag kang mag-alala, hindi ako masamang Emerian."

Kung kanina hindi pinansin ni Casmin ang amoy dugo sa paligid ngayon naman ay amoy na amoy na niya.

Tiningnan niya ang health bar sa itaas ng ulo ni Siyun. Wala siyang nakikitang health bar doon ngunit bigla na lamang itong sumulpot sa itaas ng ulo ng prinsipe nang isipin niya.

Makikita niya ang health bar status ayon sa kung kailan niya gustuhin. At isang padamdam ang nakikita niya sa dulo ng health bar ng prinsipe. Kulay red din ang linya na nagsasabi sa health percentage niya na ibig sabihin ay nasa panganib ang buhay nito.

"70%, 69%, 68%, pababa ng pababa ang porsyento ng health niya ngunit hindi naman halatang nanghihina siya? O baka naman magaling siyang magtago ng nararamdaman?"

Kumunot ang noo ni Siyun makitang nakatingala ang bata sa itaas ng kanyang ulo kaya naman tumingala siya para tingnan kung anong meron ngunit wala siyang nakitang kakaiba.

Nakita ni Casmin na bumaba sa 65 ang health percentage ni Siyun. Kaya napalingon siya sa tuktok ng ulo ng iba. Kadalasan sa kanila may mga 40% below na health status ngunit hindi kulay red at walang exclamation mark sa dulo na katulad sa prinsipe.

"Ayoko siyang mamatay. Sino na lamang ang tutulong kay Sayuri kapag namatay siya ng maaga?" Kinuha niya ang pagkain at kinain agad.

"You unlock the random quest. Saving the Saintess eldest brother and saving the injured Emerian. Random points will be rewarded after completing the random quest."

"Points na naman." Nagmamadali siyang lumunok at naglaho agad sa tapat ni Siyun.

"Ang bilis niya." Ang nasambit na lamang nito.

Hinanap naman agad ni Casmin kung saan banda matatagpuan ang halamang kayang gumamot ng anumang uri ng sugat. Hindi niya pansin na para siyang hangin sa bilis.

"Hindi nila dapat malaman na may healing magic ako at may Holy energy. Kaya kailangan kong makahanap ng gamot para sa mga sugatan. Tapos tatakas na lang ako kapag nakuha ko na ang mga points sa pagtulong sa kanila."

Kakain na sana ang buong grupo nang may dumaang hangin sa tapat nila. Nalagyan ng mga alikabok at mga dahon ang kanilang pagkain.

"Kamahalan, kukuha nalang ako ng bago." Sabi ni Xunbe at tinapon ang sinabawang karneng nasa mangkok ni Raiji. Pagbukas niya sa kaldero nang bigla na namang humangin muli.

Napuno ng mga dahon ang kalderong pinaglutuan nila. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili at nanlilisik ang mga matang tiningnan ang batang salarin.

Napatigil si Casmin mapansing ang sama ng tingin ng mga tao sa kanya. Napatingin siya kay Arkile na may matalim na tingin at niluwa ang tuyong dahon na nakain niya kanina.

Ibinuhos naman ni Jihon sa lupa ang sabaw na napuno ng mga alikabok at mga dahon. Pinapagpagan naman ni Jillia ang inihaw na nadidikitan ng mga dahon at naiiyak naman si Ahro dahil natapon ang kanyang pagkain.

Am I in The Wrong Novel?Where stories live. Discover now