Kaharap ngayon ni Emperador Raiji ang dalawang batang magkamukha. Magkaiba nga lang ang ekspresyon at mga tingin. Ang isa katulad na katulad niya ang mga tingin at ang isa naman, katulad ng dating Emperatris. Cold and disappointment with a hint of anger.
Ang mga tinging ibinigay ni Sayuri ay katulad sa tinging ibinigay ni Serena kay Raiji noong nagpasya si Raiji na ialay ang magiging anak niya mula kay Serena sa Holy church.
Samantalang matalim na tingin at nakatagpo naman ang kilay ni Casmin. Kulang na lang umusok ang ilong nito.
"Tinago nila kayo sa akin. Nararapat lamang silang parusahan." Cold na sambit ni Raiji. Sabay sulyap kina Zandro, Seowa at Zeyniu na nasa likuran na nina Sayuri at Casmin.
Pagdating nila sa palasyo kanina, pinapunta agad sila sa tanggapan ng Emperador. Tinanong kung bakit itinago ng mag-asawa ang dalawang prinsesa at sinabing paparusahan ang mga ito na ikinagalit nina Casmin at Sayuri. Hinarang agad ang maliliit na mga katawan kina Zeyniu at matapang na tumingala sa Emperador.
"Sa halip na gantimpalaan mo sila dahil sa pagpapalaki sa anak mo at pagligtas sa kanila, magpapalusa (magpaparusa) ka?" Naiinis ng sagot ni Casmin. Wala na siyang pake kung nabubulol pa siya o hindi.
"Bibigyan ko sila ng gantimpala ayon sa kanilang pag-aalalaga at pagligtas sa inyo ngunit naiiba rin ang parusa nila sa pagtatago sa mga anak ng Emperador." Sagot ni Raiji.
Lalo lamang tumalim ang tingin ni Casmin lalo na nang marinig ang system notification sa kanyang utak na sinasabing "the saintess father felt amuse by your cute reactions."
"The saintess felt so mad and disappointed."
Natatawa namang lalo ang Emperador makita ang mukha ni Casmin na tila ba sinasabing "nanggigigil na ako. Nanggigigil na talaga ako." Lalo pa't namumula na ang cute niyang mukha sa galit.
"Hindi ko inaasahan na may dalawang tigress pala akong mga anak." Natatawa niyang sambit sa isip ngunit cold pa rin ang mga tingin at poker face pa rin ang mukha.
"Nakikiusap po ako Kamahalan. Patawarin niyo na po sana ang aking ama at ina, alang-alang na lamang sa pagligtas sa akin at pagkupkop sa amin." Pakiusap ni Sayuri at naikuyom ng mariin ang dalawang kamao.
Padabog namang umupo sa sahig si Casmin. "Nangangalay na ang mga binti ko sa kakatayo. Alam mo bang galing pa kami sa pakikipaglaban di ba? Tapos kanina pa kami nakatayo dito. Wala man lang upuan." Sagot niya at ngumuso.
"Mukhang hindi ka talaga natatakot sa akin. Nararapat ko nga yata silang parusahan dahil hindi ka nila tinuruan ng tamang pag-aasal?" Malamig na sabi ng Emperador makitang nakaupo na sa sahig si Casmin na walang pakialam sa kanyang postura.
Napalunok laway naman sina Seowa ngunit walang salitang lumabas sa kanilang bibig.
Pinagpapawisan na rin sa kaba at pag-aalala si Zandro.
"Kasalanan ko po ang lahat kamahalan. Ako nalang po ang parusahan niyo, wala po silang kasalanan." Mabilis na sagot ni Zandro.
"Kasalanan ko ang lahat. Hindi ko naturuan ng tamang pagkilos ang aking nakababatang kapatid." Sagot naman ni Sayuri.
"Ako po ang may kasalanan." Lakas loob na sagot ni Zeyniu na nag-angat na ngayon ng tingin. "Hindi ko sila naturuan ng mabuti kaya kasalanan ko ang lahat."
"Bakit niyo ba sinasabi na kasalanan niyo ang lahat e kasalanan naman talaga ng Manong iyan." Sabay turo sa Emperador na ikinausok ng ilong nito marinig na tinawag diyang manong.
"Manong? I'm your father." Mariing sagot ng Emperador halatang kumulo na ang dugo sa galit. Tumalim na rin ang tingin.
"Lumaki akong walang ama. Kasama ko si Ina at ang ginagawa namin, tumakas, at palipat-lipat ng tilahan (tirahan). Sa palagay niyo ba, may panahon pa siyang tuluan (turuan) ako ng sinasabi niyong tamang pagkilos? Mas gusto kong maging malaya kaya salamat na din at hindi ako sa palasyong ito lumaki. Ayaw ko ring makipag-kompetensya sa pinakamamahal niyong plinsesa (prinsesa)."
YOU ARE READING
Am I in The Wrong Novel?
FantasyIsang ordinaryong dalagang mahilig magbasa ng mga online novels, ang hindi nakuntento sa nagiging wakas ng binabasa niyang nobela, kaya naisipan niyang bombahin ng komento at reklamo ang binabasang kwento. Hindi inaasahang magigising siya isang araw...