Nanghihina na sina Ahro at ang iba pa. Ang tanging nasa isip nila ay ito na ang kanilang katapusan.
Kahit si Raiji ay di nakatakas sa malakas na pwersang kumukuha sa kanyang kapangyarihan at lakas. Balak niyang iligtas si Xunbe ngunit hindi niya inaasahang hindi rin niya kakayanin ang awrang inilabas ng mawntino.
Hinawakan niya si Xunbe at mag-teleport na sana paalis nang bigla na lamang umungol ng malakas ang higanteng halimaw.
Dahan-dahan ding humina ang awra nito hanggang sa tuluyang naglaho. Napaluhod ang mawntino at bumagsak ang katawan na lumikha ng malakas na hangin at usok sa paligid. Nadaganan nito ang ilang mga halimaw na nanghihina rin nang tamaan ng awra nito kanina.
Tatlo naman sa mga kawal ang hindi nakaligtas at nadaganan din ng isa sa mga malalaking galamay nito.
Unti-unting naglaho ang mga usok sa paligid at muli na ring luminaw ang paligid. Mula sa malabundok na likuran ng mawntino, nakatayo ang isang maliit na bata na may hawak na bulaklak. Nababalot ang bulaklak ng enerhiyang katulad sa awrang inilalabas ng mawntino.
Ipinasok ni Casmin ang mawntino flower sa kanyang storage space bago naglakad sa likuran ng halimaw.
"Who's that?" Tanong ni Arkile.
"Ligtas ako. Buhay pa rin ako." Natatawa na naiiyak na sambit ni Ahro.
"Hindi ko akalaing mabubuhay pa ako." Sambit naman ni Kaisen na nakahiga ngayon sa lupa. Nag-iipon pa siya ng lakas para makatayong muli.
Nabitiwan naman ni Raiji si Xunbe makita ang batang nakalutang ngayon sa hangin at dahan-dahang lumapag sa lupa.
All of them thought na may isang anghel na bumaba mula sa lupa dahil sa tila pakpak na puting awra sa likuran nito at sa kulay gintong buhok at kulay blue na mga mata. Kundi sa punit-punit na damit na kapareho sa suot ng batang nakasama nila ay aakalain nilang ibang tao ito na kahawig lamang ng batang Siori.
Agad tinulungan ni Casmin ang tatlong mga kawal na nadaganan nito at pasimpleng ginamot gamit ang kanyang healing magic.
Nakaawang naman ang bibig ng iba makitang hindi man lang nahirapan si Casmin sa pag-alis sa mga galamay ng halimaw na nakadagan sa tatlong mga kawal. Na tila ba nag-aalis lang ng dahon sa paligid. At nagtataka kung bakit maliban sa mga napunit na mga kasuotan ng tatlong kawal, wala na ang natamo nilang mga sugat.
"Kamahalan, that kid. She looks like you and the former Empress." Mahinang sambit ni Xunbe sa namamaos na boses.
Tinulungan naman ng iba pang mga kawal ang mga kasamang nasugatan bago lumapit kay Casmin at nagpasalamat.
Naglakad naman si Casmin kay Arkile na nahihirapan pa ring tumayo hanggang ngayon. Hinawakan ang kamay nito at nagpasa ng holy energy sa katawan ng lalaki.
Nakatulala naman si Arkile makita ang batang hindi na madungis ang mukha at hindi na rin kulay itim ang mga mata at buhok. Kung cute na siya dati ay mas kaaya-aya na ang mukha nito ngayon. Ito ang unang pagkakataon niyang makakita ng ganito kagandang batang babae sa buong buhay niya.
Sa pagkakaalam niya, ang prinsesa ng Emeria na si Princess Jina ang pinakamagandang bata sa buong Emeria ngunit nang makita ang batang ito ngayon, napagtanto niyang napakaordinaryo lamang ang ganda ng prinsesa kumpara sa batang ito.
Nabalik siya sa kanyang ulirat nang maramdaman ang panunumbalik ng nawawala niyang lakas at tila may enerhiyang pumasok sa kanyang katawan. Enerhiyang tanging mga Saintess at high saint lamang ang nakakapagbigay. Ang holy energy na nagbibigay lakas sa mga Sumerian at sinasabing isang enerhiya na binigay ng Bathala sa iilang piniling Sumerian.
YOU ARE READING
Am I in The Wrong Novel?
FantasyIsang ordinaryong dalagang mahilig magbasa ng mga online novels, ang hindi nakuntento sa nagiging wakas ng binabasa niyang nobela, kaya naisipan niyang bombahin ng komento at reklamo ang binabasang kwento. Hindi inaasahang magigising siya isang araw...