Casmin 22: Xhinarka Yiuri

338 26 0
                                    

Pagbukas nila ng pintuan, wala na sa kwarto ang bata. Bukas na rin ang bintana.

Napamura si Raiji at napahawak sa ulo.

"Nakalimutan kong hindi nga pala siya ordinaryong bata."

"Hahabulin ko siya." Sabi ni Siyun at tatalon na sana palabas ng bintana nang hawakan ni Raiji ang kanyang braso.

"Hindi mo na siya maaabutan." Sabi nito.

"Pero kapatid ko siya. Isa siyang prinsesa. Dapat isasama natin siya sa palasyo." Sagot ni Siyun.

"Don't waste your time. May bilis siyang hindi natin mahihigitan. At hindi natin alam kung saan siya dapat hahanapin." Sagot ni Raiji. Napabuga na lamang ito ng hangin.

"Let's rest first." Utos niya.

Nang makaalis na ang iba, kinuha niya ang salaming ginagamit nila sa pakikipag-usap sa ibang nasa kahit nasa malayong lugar.

"Report to me what you found out about the Holy church." Sabi niya sa taong nasa salamin.

Ikinuwento naman ng taong iyon ang mga nalalaman bago muling magpaalam.

"So that's what happened." Sambit niya.

"That kid, who help her? Kung totoong may misteryosong nilalang ang bigla na lamang nagpakita at nagligtas  sa kanila, ibig ba nitong sabihin na ang nilalang na iyon ang gumabay sa kanya papunta sa Aleria? Ngunit bakit niya kami iniligtas?"

"They said na mag-isang pinatakas ni Serena ang bata at hindi ito gaanong malakas. Kung ganoon sino ang batang kasama namin kundi ang anak ni Serena? Or did she give birth to another child aside from that child?"

"Faces can be altered then who's the real and who's the fake?" Malalim ang kanyang iniisip nang biglang may nagsalita.

"Ama." Tawag sa kanya ni Siyun.

"Ano ang kailangan mo?" Tanong niya rito.

"Ang batang iyon, anak ba talaga siya ni Serena? Or isa siyang mage na magaling kumuha ng anyo ng iba? Kung anak siya ni Serena bakit siya tumakas?" Tanong ni Siyun.

"Kung hindi siya tumakas, posibleng magdududa akong anak ba siya ni Serena. Ngunit tumakas siya. Ibig sabihin anak nga siya nito."

"Ha? Hindi ko kayo maiintindihan ama."

"Serena never wanted to be with us. At ganoon din ang batang iyon."

"But why?"

"Dahil takot silang ibibigay ko sila sa Holy Church. The palace and the church is like a thorny cage for someone like them who wants freedom."

Sa himpapawid naman, hindi alam ni Casmin kung saan pupunta. Nakalimutan niyang wala nga pala siyang kakilala sa lugar na ito.

"Anong gagawin ko ngayon? Isa lamang akong stranger sa lugar na ito." Bumaba siya sa tuktok ng isang bubong at nagpahinga roon.

Hindi niya namalayang nakatulog siya kanina at habang natutulog napanaginipan niya ang ama ni Siori. Sa panaginip na iyon, pinagalitan siya ni Raiji dahil sinaktan niya si princess Jina ngunit ang totoo, wala siyang ginawa at siya pa nga ang sinaktan nito.

Masikip ang dibdib nito habang tinatawag ang ina't ama. At sa isang panaginip naman, napili si Jina bilang alay ngunit nakauwi itong ligtas at siya na naman ang ginawang alay. Nakatali siya sa nakatayong poste at sinunog. That hatred she felt, parang totoo at parang siya nga si Siori. Kaya nang magising siya, nagmamadali siyang umalis sa takot na maabutan nina Raiji at mangyayari ang kanyang napanaginipan.

"Nakakakilabot ang mga napapanaginipan ko. Para siyang parte sa memorya ni Siori o ba ka naman dahil nabasa ko na ang pangyayaring iyon kaya ko napanaginipan? Kaya lang mukhang wala naman akong nabasang part ng kwento tungkol sa nararamdaman ni Siori noong inalay siya?"

Am I in The Wrong Novel?Where stories live. Discover now