Casmin 36: Evil Sumerian

192 15 2
                                    

Papasikat na ang araw mula sa silangan. May iilan ng nag-eensayo at ang iba nagpapawis na. Samantalang abala naman ang iba sa pagluluto.

Maririnig ang sigaw mula sa iba't-ibang panig ng kota na hudyat na magsiposisyon na ang ibang mga sundalo para sa kanilang panibagong pagsasanay.

Nagising naman si Casmin sa ingay. Wala na si Seo Yan sa higaan nito. Bumangon siya at lumabas ng tent habang kinukusot pa rin ang mga mata.

Isa sa mga mandirigma ang humihigop ng sabaw nang mahagip ng paningin niya ang pigura ng bata. Kaya napasulyap siya rito. Kasunod nito ang tunog ng bumagsak na platito.

"Anong problema mo? Sayang yung sabaw, ano ka ba?" Singhal ng kasama ngunit napatigil din nang sundan ng tingin ang tinitingnan ng kasama.

Sabay nilang kinusot ang mga mata. Iniisip na nasilaw lang sila sa liwanag ng araw kaya kung ano-ano na lang ang kanilang nakikita.

"Napakagandang bata. May lahi ba siyang imortal?" Tanong naman ng isa pa.

Isa sa mga mandirigma ang lumapit kay Casmin. "Bata, naliligaw ka ba?"

Napatingin si Casmin sa lalaking may peklat sa kilay. May mahabang balbas at magulong buhok na halatang hindi na inaayos ang sarili.

Nang ibaba niya ang tingin, nakita niyang may bali ang buto nito sa braso ngunit kung igalaw ang braso parang wala lang.

Sunod-sunod na system notifications ang nagliliparan sa paligid ni Casmin.

"Heal one of the soldiers new and old injuries and you'll gain 1 point each."

"Get one of the soldiers trust and approval and you'll earn 1 point each."

"Protect the soldiers lives and you'll earn more points."

"Save as many as you can and you will be rewarded."

Ang iba hindi na niya mabasa dahil natatakpan na ng ibang naglulutangang mga mensahe mula sa system.

Ikinaway ng mandirigma ang isang palad sa tapat ng mukha ni Casmin mapansing nakatulala ito.

"Huy, takot kasi iyan sa pagmumukha mo kaya hindi nakaimik." Sabi naman ng isa pang mandirigma.

Naikurap naman ni Casmin ang mga mata. In-off ang system notification para wala ng ingay at hindi na maharangan ang kanyang paningin.

"Siori, ano'ng ginagawa mo dito sa labas?" Tawag ni Seo Yan na kararating lang. May buhat-buhat itong dalawang timba na may lamang tubig. Ibinaba ang dala at agad na lumapit kay Casmin.

"Kilala mo ang batang ito?" Tanong ng mandirigmang may peklat sa kilay.

"Apo siya ng kaibigan ni Lolo. Dito muna siya pansamantala." Sagot ni Seo Yan.

"Ngunit mapanganib ang lugar na ito lalo na sa batang katulad niya. Lalo pa't nandito pa sila sa kampo ng mga mandirigmang malalapit ng magretiro at mga sugatan pa. Paano kung may biglang lumusob at itong kota natin ang aatakehin?" Sabi ng mandirigma.

Ang kampo kung nasaan si Seo Yan ay ang kampo na tirahan ng mga inabandonang mga mandirigma. At mga mandirigmang naatasang magluto at iba pang mga gawaing walang kinalaman sa digmaan.

Binubuo sila ng mga sakitin, o mga sundalong nasugatan noong nakaraang labanan, mga matatanda at mahihina na at mga batang bagong trainee pa lamang. Maituturing na ang kampo nila ang pinakamahinang kampo sa buong barracks. Sila din ang walang magandang tulugan at pagkain. Mga luma na rin ang mga sandatang gamit nila at ang kanilang mga balute ay mga pinaglumaan lamang ng iba.

Ilang sandali pa'y may nakitang danger sign si Casmin. Nasa tuktok ito ng ulo ng isang mandirigmang kalalabas lang ng kanyang tent.

"Handa na ba kayo? Kailangan nating mangaso sa gubat, dahil kung hindi, tiyak na hindi tayo mamamatay sa giyera kundi sa gutom." Sabi nito.

Am I in The Wrong Novel?Where stories live. Discover now