Abot tainga ang ngiti ni Casmin dahil sa ginawa niyang kalokohan kanina. Nakaipon rin siya ng mahigit 100 fear points at 11 rewards points.
"Kapag nagsisimula na akong tulungan ang batang iyon, parang napupunta akong bigla sa mundo nila. Nahahawakan ko rin ang mga bagay na meron sila. Ang astig talaga." Bumukas ang pintuan at pumasok ang hinihingal na ina.
"Casmin! Di ba sabi ko sa'yo wag mong iwang mag-isa ang Papa mo? Paano kung bigla nalang din siyang nawala ha? Saan natin siya hahanapin?" Naiiyak nitong sigaw sa kanya.
Parang piniga ang puso niya sa sinabi ng ina. Batid niya ang takot ng ina na mawala ring bigla ang kanyang ama katulad sa dalawa niyang mga kapatid. Ngunit nagtataka siya sa sinabi nito.
"Mama, nakaupo lang ako dito." Sagot niya.
"Anong nakaupo? Tatlong oras kitang hinanap. Wala ka sa bahay at wala ka rin kina Belle, hindi rin kita makita dito. Alam mo bang inaakala kong nawala ka na ding bigla? Alam mo bang sobrang natakot ako ha?" Napahawak si Aling Janina sa gilid ng pintuan at napahagulhol na.
Hindi na niya maintindihan ang nangyayari sa kanila. Biglang nawala ang kanyang panganay na anak na lalaki noon tapos sumunod ang panganay na babae. Na-comatose naman ang kanyang asawa kahit maayos naman ang katawan at bigla nalang naglaho ang kanyang bunso pagdating niya sa hospital kanina. Pakiramdam niya gumuho na ang kanyang mundo.
"Ma, ayos lang ako. Hindi kita iiwan. Hindi ako aalis sa tabi mo. Pangako 'yan." Sambit ni Casmin na nag-alalang nakatingin sa kanyang ina.
Kumuha siya ng bottled water at binigay sa kanyang ina. Habang nasa malalim ang kanyang iniisip.
"Hindi ko na napansin ang oras kanina dahil nag-eenjoy akong manggulo sa tahanan ng mga Tsung. Tuwang-tuwa pa naman ako tapos iniwan ko naman palang nag-alala ng labis ang Mama ko."
Sa araw na iyon, hindi na niya nabalikan pang muli si Seo Yan dahil nagiging abala na siyang muli.
Kailangan na rin niyang bumalik sa pag-aaral kinabukasan dahil malapit na ang final exam nila.
Pagkatapos ng tatlong araw na pagkakatulog ni Butterfly, nagising na rin itong muli.
"Master, namimiss mo ba ako?"
Napaangat ng tingin si Casmin at nakita ang paruparong lumilipad sa ere. Lumaki na ito at kasinglaki na ng kanyang mukha ang mga pakpak nito. Hindi lang iyon, may katawang tao na ito.
"Tinker Belle?" Napalingon sa kanya si Belle na abala sana sa pagre-review. Nakitulog siya kina Casmin para sabay silang mag-aral dahil exam na nila bukas.
Tinker Belle ay ang tawag niya kay Belle noong maliliit pa sila.
"Ano?"
Napalingon si Casmin sa kaibigan na tila hindi nakikita ang paruparong lumilipad sa tapat niya. Isang maliit na taong may pakpak na paruparo.
"Maliban sa'yo, wala ng iba pang makakakita sa akin Master."
"Kaya naman pala." Nagkausap sila ni Butterfly gamit ang isip. Kumislap ang kanyang mga mata makitang may mga nagliliparan na namang mga plus 1, plus 2 and so on, sa paligid niya. Nang makatulog kasi si Butterfly, mangilan-ngilan lang ang mga nagliliparang points na nakikita niya.
"Master may nabuksan kang source of points. Ang study points. Magagamit mo ang study points sa pag-aaral. Maari mong i-exchange ang points mo para makakuha ng new skills na may koneksyon sa kaalaman."
Tiningnan agad ni Casmin ang kanyang profile data.
Name: Casmin
Age: 16
Ability: Scaring guard, caring the abandoned kid and good at pissing off someone. Stealing others luck.
New skill: Thief
Rewards: 50 points
Fear points: 1+ 234...
Total points: 1,234
Luck: 1
Item: 197 lucky fish
Storage room: level 1
YOU ARE READING
Am I in The Wrong Novel?
FantasyIsang ordinaryong dalagang mahilig magbasa ng mga online novels, ang hindi nakuntento sa nagiging wakas ng binabasa niyang nobela, kaya naisipan niyang bombahin ng komento at reklamo ang binabasang kwento. Hindi inaasahang magigising siya isang araw...