Napalunok ng laway si Seo Yan makita ang mga pagkain sa kanyang maliit na mesa.
Natuon ang kanyang atensyon sa fried chicken na ngayon lang niya nakikita.
"Kumain ka na. Matutulungan ka niyan para maging mas malakas."
Agad namang dinampot ni Seo Yan ang isang piraso ng fried chicken at kinagatan. Namilog ang kanyang mga mata dahil ngayon lang siya nakatikim ng ganito kasarap na pagkain. Crispy sa labas at malambot sa loob. Nararamdaman din niya ang kakaibang enerhiya na dumadaloy sa kanyang buong katawan.
"Tikman mo din tong iba. Ito, tinatawag namin itong beef stew. Ito namang isa air fryer beef with brocoli. Ito naman, beef steak." Isa isang tinuro ang mga inorder niyang may beef na ni search lang din naman niya sa online web bago orderin.
"Ito namang isa chicken curry. May marinated barbecue chicken din. Pag kulang mo pa magdadadag pa ako."
"Tama na to. Hindi ko na ito mauubos." Sagot ni Seo Yan at nagmamadali ng kumain na tila ba takot maagawan.
Tuwang-tuwa naman si Casmin na pagmasdan ang batang ganadong-ganado sa pagkain. Nai-imagine na ang malulusog na pisngi ng bata kapag tumaba ito.
Natigilan siya makitang hindi kumikibo si Seo Yan.
"Bakit ka tumigil?"
"Wala." Garalgal ang boses na sagot nito. Suminghot at muli ng nagpatuloy sa pagkain.
"Uubusin ko ito. Baka ito na ang una at huli kong makakakain ng ganito kasarap na pagkain." Ito naman ang naglalaro sa isip ni Seo Yan.
Makalipas ang ilang sandali, nag burped si Seo Yan. Saka napansing nasimot pala niya ang lahat ng lamang sa mga plato. Napaiwas siya ng tingin dahil hindi man lang niya napansin na hindi nakakakain ang kasama niya dahil nakapokus lamang siya sa pagkain.
Ililigpit na sana ang pinagkainan nang pigilan siya ni Casmin.
"Ako na ang bahala diyan. Ipapasok ko lang naman yan sa loob ng storage ko." Isusuli pa kasi niya sa system store ang mga plato.
"Labas muna ako." Sabi ni Seo Yan.
"Saan ka naman pupunta? Hapon na kaya."
"Sabi ni Lolo na kapag pagkatapos kumain dapat maglakad-lakad para matunawan." Sagot ni Seo Yan at tuluyan ng lumabas sa tent.
Naiwan naman si Casmin na nakahalumbaba sa mesa.
Pagbalik ni Seo Yan sa kanyang tent, nakita niyang napalitan na ng malambot na kama ang kanyang kama. May malambot at makapal na ring kumot.
"May nakahanda ng tubig na liliguin mo." Sabay turo ni Casmin sa gilid na may nakatakip na kurtina.
Hinawi ni Seo Yan ang kurtina at nakita ang makintab na bath tub na may malinis na tubig.
"Pumunta ka sa ilog?"
Umiling si Casmin. "Marami akong tubig sa storage space ko. Hindi ko na kailangan pang pumunta sa ilog." Sagot niya. Ngunit ang totoo, binili lamang niya sa system store ang mga tubig na ito.
"Hindi ka pa maliligo? Gusto mo paliguan kita?"
"Hindi no. Kaya ko ng maligo mag-isa." Agad isinara ang kurtina. Rinig niya ang hagikhik ni Casmin sa likod ng kurtina.
Napapailing naman si Casmin na natatawa. Palagi nalang kasing namumula ang alaga niya. Hinanap agad niya sa system web kung paano magpalaki ng bata.
"Guide to raise a kid." Basa niya sa libro sa system store. "Bilhin ko kaya to?"
"How to make a kid fall asleep easily?" Tanong niya sa system web browser.
"A. Sing a lullaby. B. Read a story." Napakagat siya sa kuko. "Kapag kinantahan ko, baka bangungutin pa sa boses ko. Ang sagwa pa naman."
YOU ARE READING
Am I in The Wrong Novel?
FantasyIsang ordinaryong dalagang mahilig magbasa ng mga online novels, ang hindi nakuntento sa nagiging wakas ng binabasa niyang nobela, kaya naisipan niyang bombahin ng komento at reklamo ang binabasang kwento. Hindi inaasahang magigising siya isang araw...