Nang dumating si Zandro sa tahanan ng mahistrado, nasaksihan niyang kinakaladkad ang mahistrado ng mga kawal.
"Anong nangyari?" Tanong niya sa mga nanonood.
"Dumating na ang kanyang karma. May nakakuha ng mga ebidensya laban sa kanya. Mula sa pagnanakaw ng pondo, at pang-aapi ng mga mahihina, pang-aabuso sa kanyang tungkulin at pagtanggap ng mga suhol maging ang pananakit sa Royal family, kaya ayan, hinuli sila ng mga kawal. Makukulong siya at ang kanyang anak na lalaki. Habang ang kanyang buong angkan ay magiging alipin maliban nalang sa piling kalahi niya na sinasabing walang kinalaman sa krimen ng pamilya." Salaysay ng lalaki.
Hindi naman makapaniwala si Zandro sa narinig. Ang alam niya, kapag may nagkasala sa iisang pamilya, napaparusahan ang buong kadugo nito. Ito palang ang unang pagkakataon na may naiwang pamilya ng kriminal na hindi nakasama sa parusa kahit na kadugo sila ng kriminal.
Kung nagulat siya mas nangingibabaw ang tuwa. Hindi lang kasi ang pamilya ni Lorkan ang naparusahan kundi pati ang iba pang mga opisyal sa bayang ito, kasama na roon ang pamilya sa apat pang mga kasamahan ni Lorkan.
"Tinulungan kami ng kalangitan. Inaakala kong katapusan ko na ay naging katapusan pala ng kanilang pamilya." Masaya siyang bumalik sa kanilang tahanan para ibalita sa mga anak ang nangyari.
***
Ilang araw ng naghihintay sa kanyang silid si Jina. Kapag nagtatampo siya sa ama, pupunta ito sa kanyang silid upang suyuin siya ngunit lumipas nalang ang ilang araw, hindi pa rin nakikita ni anino ng kanyang ama. Hindi na siya nakatiis at siya na mismo ang nagtungo sa opisina nito.
Papasok na sana siya sa loob ngunit humarang si Xunbe.
"Hindi kayo maaaring pumasok kamahalan."
"Bakit hindi? Buksan mo ang pinto. Inuutusan kita." Matigas na utos ni Jina.
Kumunot ang noo ni Xunbe. Iniutos sa kanila ng Emperador na walang kahit sino ang papasukin kahit si Jina pa dahil natutulog na naman sa kandungan nito si Siori. Kapag nakita iyon ni Jina, tiyak na magwawala na naman.
Tinulak ni Jina si Xunbe at inutusan si Jona na buksan ang pinto.
"Bapa!" Tawag ng bata kay Raiji.
Kumunot ang noo ni Raiji at naramdaman ang pagalaw ni Siori na halatang nagising sa ingay.
Napangiti si Jina makuha ang atensyon ni Raiji. Tumakbo ito para magpabuhat gaya ng ginagawa niya dati ngunit bumangga siya sa di nakikitang harang na ikinaupo niya.
"Mukhang naging maluwag ako sayo. Hindi ba't sinabi ko sa inyong hindi ako maaaring madisturbo?" Naramdaman niyang bumaba si Casmin at naglakad palayo.
Inaakala niyang lalapitan nito si Jina ngunit bigla na lamang naglaho ang kanyang presensya. Tiningnan niya ang magic compass at natuklasang papalayo na ito ng papalayo sa palasyo.
Kapag umaalis si Siori, magbabalik ito dala ang mga ebidensya ng mga Emeriang palihim na gumagawa ng kasamaan gamit ang pangalan ng Emperador. Maging ang mga aristokratang may binabalak ng masama sa kanya. Ang mga pinoproblema nilang mga Emeriang hindi nila mahuli-huli dahil kulang sila ng matibay na ebidensya para hulihin sila, ay nahuhuli na nila ngayon gamit ang mga ebidensiyang dinadala ni Siori sa kanila.
May invisibility ito na nagagamit lalo na sa pag-iimbistiga. Kahit sundan nito ang kahit sino, hindi nila namamalayan. Kaya napakadali para sa kanya ang magnakaw ng mga sekretong dokumento at ang i-rekord ang kilos ng mga hinahabol nilang tao.
Kaya iniisip ni Raiji na babalik ding muli si Siori na hindi na pala mangyayaring muli.
"Xunbe, ibalik mo siya sa kanyang silid." Utos ni Raiji kay Xunbe. "Ang sinumang magpapalabas sa kanyang muli nang wala ang ang aking pahintulot ay mapaparusahan." Sabay tingin kay Jona.
YOU ARE READING
Am I in The Wrong Novel?
FantasyIsang ordinaryong dalagang mahilig magbasa ng mga online novels, ang hindi nakuntento sa nagiging wakas ng binabasa niyang nobela, kaya naisipan niyang bombahin ng komento at reklamo ang binabasang kwento. Hindi inaasahang magigising siya isang araw...