Pagdating nina Parmon at Effel sa nasabing dungeon naratnan nilang mga dugo na lamang ng mga halimaw ang natitira at ilang mga bakas na tila may nangyaring labanan sa lugar.
"Sa bayan ng Fleming kayo dumiritso." Sabi ni Raiji sa kanila.
Dito nila natagpuan si Casmin kasama ang buong pamilya ni Sayuri.
Nagka-camping ang buong pamilya sa lugar kung saan tirahan dati ng mga mababangis na hayop. Kalmado lamang nakaupo si Casmin sa gilid ng puno habang abala naman sa pakikipaglaban ang isang batang lalaki sa higanteng serpiyenteng may tatlong ulo.
Tila wala ring pakialam ang dalawang matatanda sa grupo.
"Iwasan mo ang kulay itim na usok na ibubuga nito. Kundi, malalason ka talaga." Sabi ni Sayuri.
"Sabihin mo lang kung di mo na kaya." Sigaw pa nito.
"Anong tingin mo sa akin? Sobrang hina?" Sigaw pabalik ni Zeyniu. Ilang sandali pa'y napugutan na ng mga ulo ang serpiyente.
"Napakabata pa niya para matalo ang serpiyenteng iyan." Hindi makapaniwalang sambit ni Effel.
"Ang pamilyang ito, nakakatakot." Bulong naman ni Parmon sa sarili.
Pinagmasdan nilang maigi si Sayuri.
"Hindi mo ba napapansin? Kamukhang-kamukha ng batang iyan ang dating Emperatris." Sambit ni Parmon.
Napatingin sila kay Siori na nakaupo sa itaas ng sanga ng puno.
"Sa susunod siguladuhin (siguraduhin) mo ang mata kapag nakakatagpo ka ulit ng ganyang uyi (uri) ng halimaw. Mata ang isa sa kanilang kahinaan." Sabi ni 'Siori' (Casmin).
Naglahong bigla si Siori sa kinauupuan at lumitaw sa tapat ng higanteng serpiyente.
"Kukunin ko ang mga mata nito, magagamit natin sa pagawa ng elixir." Sabi ni Sayuri.
Tumulong si Zandro sa pagkuha sa mga parte ng katawan ng serpiyente. Kinuha naman ni Casmin ang magic core nito.
Palipat-lipat naman ang tingin nina Parmon at Effel kina Sayuri at Casmin.
"Magkamukha, magkaiba lang ng kulay ng buhok. Magkapatid ba sila?" Tanong ni Parmon.
"Kung ganoon may iba pang anak ang Emperador?" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Effel.
Kumulog ang langit at nagbabadya ng bumuhos ang malakas na ulan. Agad namang pumasilong sa kani-kanilang mga tent sina Casmin.
Napatingala naman sina Effel at Parmon.
"Mukhang mabababad na naman tayo sa ulan nito." Sambit ni Parmon.
Dahan-dahan ng bumuhos ang ulan nang makarinig sila ng boses.
"Pumasok na raw kayo sa isang bakanteng tent. Kanina niyo pa kami minamanmanan." Sabi ni Sayuri sabay turo sa isang tent.
Nagulat pa ang dalawa makita ang kamukha ni Siori na nakatingala sa kanila. Mas mukhang matured lamang kilos ang batang ito at mas maayos magsalita kumpara kay Siori.
Nagkatinginan naman ang dalawang shadow guard. Ito ang unang pagkakataong nahuli sila ng mga sinusundan nila. At pinapapasok pa sa tent.
"Paano niyo naramdaman ang presensya namin?" Naguguluhang tanong ni Parmon ngunit hindi na sumagot si Sayuri at tumakbo na ito patungo sa tent ni Siori.
"Hindi pa ba kayo papasok? Papalakas na ang ulan." Narinig nilang tanong ni Casmin na nakasilip ngayon sa pintuan ng tent nito.
"Hindi na kamahalan-"
"Wag ka ng sumagot diyan." Sabay hila ni Parmon kay Effel papunta sa tent na para sana kay Sayuri.
"Kilala mo ba sila?" Tanong ni Sayuri kay Casmin.
YOU ARE READING
Am I in The Wrong Novel?
FantasyIsang ordinaryong dalagang mahilig magbasa ng mga online novels, ang hindi nakuntento sa nagiging wakas ng binabasa niyang nobela, kaya naisipan niyang bombahin ng komento at reklamo ang binabasang kwento. Hindi inaasahang magigising siya isang araw...