chapter 34

783 33 4
                                    

cont....

nag daan pa ang ilang araw at patuloy padin si mommy sa pangungulit sa akin sa pag hingi ng pera. habang tumatagal ay lalo lamang syang nababaon sa utang at mas lumalaki pa ito.

pareho kami ni mylo na subsob na sa pag tatrabaho kahit pa pinipigilan na ako nito na mag trabaho dahil sa may kalakihan na ang akin tyan.

"love. pwede bang tumugil ka na sa pag momodel mo. nakikita ko kasing nahihirapan ka na love. ako ng bahala sa lahat at pati nadin sa mommy mo. kakausapin ko sya na kung pwede ay babawasan ko muna ang allowance nya. kailnagn na nating mag ipon dahil 2 buwan nalang ay manganganak ka na." sabi ni mylo sa akin.

"love ayaw ko naman na saluhin mo ang lahat. baka nakakalimutan mo? ikaw mismo ay hindi rin pwedeng mapagod, ayaw ko namang maulit yung nangyari sa iyo noon na mahospital ka nanaman. hindi ko kakayanin." sabi ko dito ng naka yuko.

araw araw ay nakikita ko ang pag hihirap ni mylo matustusan lang ang aming pangangailngan at ang dapat na obligasyon ko kay mommy ay sya na rin ang sumasalo.

"ako ng bahala love. nag iingat naman ako eh. please love. malapit na kasi ang kabuwanan mo ayaw ko namang mapahamak kayo ng magiging anak natin." ika ni mylo.

hindi naman ako makasagot sa kanya. nag lalaban ang aking isip at pag nanais na makatulong sa kanya.

isang malalim na buntong hinigna ang akin pinakawalan..

"sige. pag bibigyan kita pero oras na makita kong mapagod ka at mahirapan ka ay tutulong pafin ako sayo." sabi ko dito

isang tango na lamang ang naisagot nito sa akin at nahiga na kami.

kinabukasan pag mulat ko ng aking mata ay hindi ko natanaw si mylo sa aming higaan. may naririnig akong nag uusap sa baba kung kaya pagkatapos kong ayusin ang akin sarili ay bumaba na ako.

nakita kong kausap ni mylo si mommy at napapakamot nalang sa batok ang asawa ko.

"mommy, napadalaw ka?" bati ko dito

"heira anak, pasensya na kung maaga palang ay napasugod na ako dito ng walang pasabi. si alfred kasi-"

pagka bangit nito sa pangalang alfred ay para akong binuhusan ng malamig na tubig.

"bakit anong problema?" tanong ko dito.

"ah love may hinanda akong lamusal sa lamesa kumain ka muna duon ha? susunod ako" pinigl sa akin ni mylo.

"heira. kailngan ko kasi ng 200 thousand. sinisingil ako ni alfred at hanggang ngayon na lamang daw ang palugit na ibibigay nya at kung hindi ay kukuhanin nya ang bahay natin" sabi ni mommy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

love song love story strangers againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon