chapter 17

3.1K 86 8
                                    

HEIRA's POV

ilang araw na ang nakalipas mag mula ng pagkikita namin ni mylo sa mall kasama ang anak nito.

ngayong araw ko napag desisyunang kausapin ang mama nito para maka hingi na din ako ng tawad sa nagawa ko noon.

tinawagan ko muna si mama (mylo's mom) para malaman kung saan ito ngayon naka tira.

*** ring ring ring***

ikatling ring na nang sumagot ito.  "hello who's this" sagot ng mama ni mylo sa kabilang linya.

"t-mama" sagot ko naman ng mabosesan ko ito.

"heira is that you hija? kamusta? napatawag ka? " sunod sunod na tanong nito.

"yes mama. ahhmm. gusto ko po sana kayong makusap ng personal at mabisita. saan po ba kayo naka tira ngayon? " tanong ko dito at agad naman nitong sinabi kung saan. agad akong nag paalam sa kanya at nag tungo sa lugar na sinabi nito.

ilang sandali pa ay natunton ko ang bahay nila. tamang wala naman duon si mylo at ang anak nito dahil may pasok pa daw ang mga ito. hapon pa ang uwi ni heimy at sa gabi pa daw ang uwi ni mylo.

"so what is it that you wantes to talk about hija? " mababakasan mo ito ng pag seryoso kaya agad namang kinabog ng kaba ang dibdib ko.
"ahmm.  mama--" kinakabahang turan ko. napa luhod na ako dahil sa hindi makayanang emosyon na rumaragasa ngayon sa akin."mama gusto ko lang pong humingi ng tawad sa inyo sa nagawa ko noon. nag padala po kasi ako kay mommy dahil narin sa itinakwil nya ako noon kaya napag desisyunan kong sundin na lamang ang gusto nito. at sa anak ko po na namatay si mynette. anak namin ni mylo. sorry po mama. sorry po dahil sa kapabayaan ko kung bakit namatay ang anak ko. sorry po sa lahat mama" sabi ko dito habang umiiyak.

"heira anak. tumayo ka diyan." pag alo nito sa akin sabay hawak sa mga siko ko at pina tayo ako.

yumakap ito sa akin ng mahigpit habang hinahagod ang likod ko. iyak lang ako ng iyak habang nakayakap sa kanya. hindi ko alam kung paano pa hihingi ng tawad.

"shhh.. anak matagal na kitang pinatawad. naiintindihan ko na bata pa kayo ng mga panahong iyon. naiintindihan ko na gusto mo lang ay mapatawad ka ng mommy mo. at naiintindihan ko na gusto mo ding matupad ang mga pangarap mo. hija. matagal ko ng tinanggal sa dibdib ko ang nararamdaman kong sama ng loob sayo noon." sabi nito kaya naman mas lalo akong napa hagulgol dahil sa kapatawaran nito sa akin.

masaya akong napatawad na ako ng babaeng ngayon ay naka akap sa akin. masaya ako na maramdaman mula sa yakap niya ang yakap ng isang ina na ni minsan ay hindi ko naramdaman sa mommy ko dahil wala naman itong ibang inisip kundi pera.
nag kwentuhan pa kami ng ilang sandali ng maalala ang talagamg pakay ko dito.

"ahhmm.. mama. pwede po bang mag tanong? " sabi ko dito na medyo nag aalangan dahil sa kaba ng mga possibilities na maririnig ko.

"sure hija ano ba yun? " malumanay na sagot nito sa akin.

"ahhmm. tungkol sa mommy ni heimy" napatingin ako dito at nakita kong medyo natigilan ito dahil sa pag banggit ko.

iba ang kutob ko dito sana mali ang hinala ko dahil hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang bagay na ito kung sakaling tama nga ang hinala ko.

"pwede ko po bang malaman kung  ilang taon na po si heimy" sabi ko pa dito.

"5 years old na si heimy hija. at kung itatanong mo kung bakit kayo magka mukha. hindi ko alam kung ako ba ang dapat mag sabi sayo nito dahil alam kong walang balak ang anak kong pag usapan ang tungkol kay heimy. " sabi nito nang may pag aalangan.

love song love story strangers againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon