ang ingay! yan ang naririnig ko mula sa himbing nang pag tulog ko. sinubukan mong imulat ang mga mata ko upang makita kung sino ang mga salarin sa ingay na naririnig ko.
pag mulat ng mata ko ay puro puti na lamang ang nakikita ko. bakit puro puti to? ano vang nangyari?
"nasan ako?" sabi ko ng maaninag ko na ng husto ang kabuuan ng silid. isa pala itong ospital pero bakit ako nandito? diba nasa bahay ako?
inalala ko ang lahat ng huling nangyari sa akin bago alo mapunta dito.
"dude buti naman gising ka na. buei tumawag ka ng doctor dali." utos ni kieff kay buwi. teka kumpleto ang barkada ah? ano bang nangayri? sa pagkaka alam ko nawalan lang ako ng malay.
"buti naman gumising ka na ang tagal mong matulog ah? pina kaba mo ako ng husto buti dumating ako kung hindi baka may pinag lalamayan na kami ngayon" sabi ng gungong na si kieff.
"ano bang nangyari? nqtatandaan ko nalang nanikip ang dibsib ko tapos wala na?" tanong ko dito.
" sabi ng doctor nagkaroon ka daw ng cardiac arrest. buti nalang at naagapan kita kung hindi wala ka na sana sa mundong ito. hindi mo na sana makikita ang magiging anak mo?" sabi ni kieff.
naalala ko na ang lahat. napa iyak nalang ako habang sila ay may pag tataka sa kanilang mukha.
"bakit? di kaba masaya na mag kaka anak ka na? o dahil yan sa sobrang saya? aba mylo hinay hinay lang sa nararamdaman mo dahil simula ngayon bawal ka ng makaramdam ng sobrang saya o lungkot kasi di na kakayanin ng puso mo sa susunod na mangyari pa ulit ito." sabi ni aeros na parang matanda sa aming lahat.
"wala akong magiging anak at wala na din akong asawa. nakipag hiwalay na siya sa akin" sabi ko habang naiyak.
nakita kong may pag tataka sa kanilang mukha habang naka tingin sa akin.
"paanong wala ka ng asawa at wala ka nang magiging anak? pinag sasabi mo dyaan?" sabi ni buwi.
"nakipag hiwalay na nga sya sa akin. pina pirma nya ako ng annulment paper at ng le-legal abortion dahil ayaw nya daw mabuntis at magka anak." sabi ko sa kanila.
gulat ang makikita mo ngayon sa mga mukha nila.
"wag mo nga kaming pinag lololoko. paqnong wala ie kanina lang an-" natigil sa pag sasalita si buwi ng biglang bumukas ang pinto at pumasok sa kwarto ang taong halos ayaw na akong makita.
anong gingawa nya dito? diba dapat wala na syang pakialam sa akin kahit hi-hiwalay na kami. nakipag hiwalay na sya sa akin.
"hi love. buti gising ka na? kamusta ang pakiramdam mo ngayon? may masakit ba sayo?" sunod sunod na tanong ng babaeng hindi ko inaasahan na nandito ngayon.
nanatili akong tahimik at walang kibo. tinitingnan ko lang ang mga kaibigan ko ma may pag tataka.
"ahmm dude siguro dapat muna kayong mag usap na dalawa aalis muna kami bibili lang kami ng makakain natin. may gusto ka ba?" tanong ni kieff sa akin. bakas sa mukha niya ang pag aalala.
umiling lang ako bilang tugon sa kanya at nanatili paring tahimik.
"ahmmm babe... about dun sa nangyari nung isang araw-"...
"isang araw?" gulat at pag tataka lang ang maririnig mula sa akin.
"yes babe. nung isang araw.. 3 araw ka ng tulog dito. akala ko nga mawawala ka na sa akin ie. kasi ilang araw ka ng hindi gumigising." sabi nito at makikitaan mo ito ng nangingilid na luha mula sa kanyang mata. napatingin ako dito ng haplusin nito ang aking mukha.
BINABASA MO ANG
love song love story strangers again
Romanceheiranette acierto isang babaeng walang ibang ginusto kundi ang maabot ang mga pangarap at higit pa doon. successful businesswoman. tanyag sa larangan na kanyang napili. mylo corpuz isang musikero, mabait, masipag at higit sa lahat may mahabang pang...