malapit na ang kabuwanan ni heira at hindi na din ito pumapasok sa trabaho nya dahil malaki na ang tyan nito pero ang mommy nito ay patuloy padin sa pag hingi ng pera sa amin. sinasabi nitong babayaran pero hindi naman. nabalitaan ko din na masyado na itong nalululong sa sugal at alak.
"babe. si mommy nahingi nanaman ng pera." sabi nito sa akin.
"babe ano kasi. wala na akong pera pati savings ko nabawasan na. nahibiya naman akong humingi kay mama inilalaan ko nalang kasi yung pera para sa panganganak mo at sa mga kailngan ng anak natin.
"paano yan babe?" sabi nito at may pag aalala sa mukha nito.
"hayaan mo kakausapin ko nalang sya na sa susunod nalang ako mag bibigay sa kanya. may importante kasi talaga akong pinag lalaanan nun babe. isa pa hindi ko pa nasasabi kay papa na magkaka apo na sya. alam mo naman na hindi pa kami nakakapag usap ng maayos." hindi ko pa kasi masabi kay papa na magkaka anak na ako pero alam at kilala nya si heira.
"sige ikaw ang bahala"sabi nito sa akin.
-------
ilang araw lang mag mula ng maibigay ko ang pera sa mommy ni heira ay humihingi nanaman ito.
"babe bakit parang may problema ang mommy mo? may pagkaka utang ba sya at ganun na lang palagi ang pag hingi nya ng pera sa atin?" tanong ko dito.
wala na kasi akong maibibigay nasaid na din pati savings ko dahil sa palagiang pag hingi ng pera ng mommy nya. kung hindi ko naman gagawin ito ay sasaktan nya si heira.
nang minsan kasi ay naabutan ko itong nandito sa bahay at mukhang humihingi nanaman ng pera kay heira. dahil sa hunminto naman si heira sa trabaho nya ay wala na itong income. savings nalang ang meron sya.
nakita kong sinampal nya si heira at itinulak ito buti na lamang ay sa sofa bumagsak si heira kung nagkataon ay patawarin ako ng diyos pero baka kung a ong magawa ko. palagi ko namang binibigay ang gusto nya. nag double job na din ako para kahit papaano ay maka ipong muli. huminto na din ako sa pag aaral ko kahit nasa second third year na ako.
"hindi ko din alam babe pero sa paraan ng gingawa nya at pag hingi ng pera ay mukha nga talagang may pinag kakautangan ito o malakas lang talaga gumastos." sabi nito na hindi rin naman sigurado.
"sige mag pahinga ka na at ako nalang bahalang umalam kakausapin ko sya. wag mo nalang stresen ang sarili mo ah?" sabi ko dito at hinalikan sa noo.
may pasok ako ngayon kaya naman paalis na sana ako ng bigla nalang sumigaw si heira kaya dali dali akong umakyat sa itaas.
"babe anong nangyari sayo?" tanong ko dito pero nakita ko nalang na basa ang binti nito kaya naman walang sabing dinala ko ang gamit ng mga bata at binuhat siya sa auto ko.
sobrang bilis ng patakbo ko dahil na din sa kaba at takot na nararamdaman ko para kay heira.
"uhhhh...ahhhmmm.. babe bilisan mo lalabas na sila..." sabi nito nang namimilipit.
"oo babe.. teka lang... konting tiis nalang malapit na tayo.." sabi ko dito habang pinupunasan ko ang noo nito dahil sa tagaktak ng pawis nito. napakagat na lamang ito sa kanyang labi dahil sa sakit.
ilang minuto pa ay narating namin ang ospital at sa harapan na ako mismo ng ospital pumarada. dali dali akong umikot upang mabuhat siya.
"nurse.. nurse... tulong.. manganganak na ang asawa ko." sabi ko dito at may stretcher na kinuha ito upang mahiga ko si heira.
"babe.. wag kang mag alala.. kaya mo yaan nandito lang ako.." sabi ko dito habang hawak ko ang kamay nito at tinutulak naman ng kabila kong kamay ang stretcher upang mapabilis ang dating namin sa delivery room.
BINABASA MO ANG
love song love story strangers again
Romanceheiranette acierto isang babaeng walang ibang ginusto kundi ang maabot ang mga pangarap at higit pa doon. successful businesswoman. tanyag sa larangan na kanyang napili. mylo corpuz isang musikero, mabait, masipag at higit sa lahat may mahabang pang...