"i'm pregnant"salitang parang bombang sumabog sa harapan ko.
hindi ako makapag salita ni hindi ako makapalit kay heira. natatakot ako. natatakot ako na magalit sya sa akin. nag sisimula palang ang career nya at yun ang palagi nyang sinsabi sa akin.
"shhhh... tama na yan.. diba dapat nga masaya tayong dalawa kasi magkakaron na tayo ng sarili nating anghel?" pag aalo ko sa kanya.
itinulak ako nito at sinampal."sabi ko naman sayo diba huwag mo muna akong buntisin. mylo may mga pangarap pa ako. mga bagay na gusto ko pang ibigay para kay mommy. gusto ko pang maranasan yung karangyaan ng buhay. yung maging kilala sa buong mundo at titingalain ng bawat sino man. hindi ito ang pangarap ko. hindi ko gustong magkaroon agad ng anak hanggat hindi ko pa natatamasa yung mga bagay na gusto ko. gusto ko pang makapag trabaho sa ibang bansa. maging sikat na model. mylo naman kapag nag sesex tayo palagi kitang pinapaalalahanan na wag mo akong buntisin pero ano to? binuntis mo ako agad na wala pa akong nararating. nag sisimula palang ako sa industria mylo. nag sisimula ng makilala ang pangalan ko. nag sisimula ng matupad yung mga pangarap ko pero ngayon. hindi na mangyayari yun dahil sa lintik na pag bubuntis na to. "
napa upo ito sa lapag at umiyak ng imiyak. hindi ko alam kung lalapitan ko pa ba sya o hindi na dahil aaminin ko na nasaktan ako. nasaktan ako ng sobra sa mga sinabi nya.
yung akala ko ang pangarap nya ay maka buo kami ng pamilya at magiging masaya tulad ng mga sinsabi nya. alam ko naman na mali ko dahil hindi ako nag iingat pero hindi ba dapat masaya sya ngayong magiging buo na ang pamilya namin pero bakit baliktad? imbis na matuwa sya ay mas lalo pa syang nagalit.
sobrang sakit ng mga narinig ko na kahit ako ay hindi maiwasang tumulo ang mga luha ko. parang nawasak ang pagkatao ko sa mga salitang binitawan nya. hindi pala ako at ang pag buo ng pamilya ang pangarap nya. kung sabagay hindi na ako mag tataka. between her mom and her work and I mas priority nya ang mommy nya at ang trabaho nya. mag tataka pa ba ako. eh ni hindi nga nya ako magawang ipakilala sa mommy nya. ako na isang taon na nyang asawa.
dqpat nga masaya ang araw namin ngayon kasi ngayong araw ang anniversary namin. wedding anniversary pero mali pala ako. bangungot pala ito para sa kanya.
"sorry" yan na lamang ang lumabas sa aking bibig at iniwan ko na sya sa kwarto. agad agad kong lumabas at kinuha ang wallet ko at phone. tinawagan ko si kieff at ang barkada.
gusto kong mag labas ng sama ng loob gusto kong umiyak ng umiyak kasi baka sakaling mabawasan yung sakit na nararamdaman ko ngayon. baka sakaling mabuo yung pagkatao ko na nadurog kani kani lamang ng binitawan nya ang mga salitang ni minsa di ko naisip na masasabi nya sa akin.
"dude. saan ka?" sabi ko sa kabilang linya ng sagutin ito ni kieff..
"tara inom tayo sama mo si aeros at buwi.. namiss ko na mag bonding tayo ie." sabi ko dito. pilit kong pinapagaan ang nararamdaman ko kahit na alam kong wasak na wasak na ako.
ilang saglit pa ay nakarating na ako sa pad ni buwi.. pad kasi mayaman din naman tong si buwi di lang halata sa kanya. actually lahat naman kami kaya lang si kieff ngayon ay nag susumikap na mamuhay ng mag isa dahil sa tinakwil nga ito ng ama nya at may binubuhay pa ngang anak.
"dude kamusta?" nag bro hug kaming apat. namiss ko ang mga barkada ko dahil madalang naman na kaming mag kita kita simula ng maging busy si kieff sa kung ano mang trabaho na pinapasok nya ngayon.
"eto buhay pa... mapula parin ang hasang...aray ko naman" sino pa ba ang sasagot nyan kundi si buwi lang naman. sa aming lahat sya ang may pinaka badass. makulit pasaway at higit sa lahat sobrang babaero nya.
BINABASA MO ANG
love song love story strangers again
Romanceheiranette acierto isang babaeng walang ibang ginusto kundi ang maabot ang mga pangarap at higit pa doon. successful businesswoman. tanyag sa larangan na kanyang napili. mylo corpuz isang musikero, mabait, masipag at higit sa lahat may mahabang pang...