chapter 24

2.4K 72 3
                                    

continuation.....
____________________________________________

"babe bakit ang tagal mo? kanina pa ako nag hihintay dito. akala ko tutubuan na ako ng ugat sa kakahintay sayo." inis na bungad sa akin ni heira.

na late ako ng sundo sa kanya dahil sa traffic idagdag mo pang ayaw ako payagan ni kieff umalis dahil sa practice namin ngayon kasi mamaya ay may gig kami.

"babe sorry. natraffic kasi ako. tapos ayaw pa ako paalisin ni kieff kanina hanggat hindi namin na popolish yung mga tutugtugin namin." sabi ko dito habang nag kakamot ng batok.

"asaan na ba yang kieff na yan at nang mabatukan nga. alam naman nyang hinihintay kita tapos di ka papaalisin. yaan talagang kaibigan mo na yan napaka perfectionist pagdating sa banda." nakakatakot talaga tong girlfriend ko pag galit lalo na ngayong naka salubong ang kilay nito. lumalabas ang pagiging dragona nya promise.

"hayaan mo na babe. so.. paano? tara na? ihahatid na kita for sure pagod ka na. para maka abot ako agad sa venue." sabi ko dito habang binubuhay ang makina ng auto ko.

"no. sasama ako sa iyo ngayon at gustong gusto ko talaga batukan ngayon yang si kieff." sabi pa nito kayat napakamot na lamang ako sa batok ko.

"babe baka mas lalo ka lang mapagod at hayaan mo na yang si kieff. wala kasing gurlfriend kaya hindi alam ang nararamdaman ng hinihintay ng taong mahal nya." pag aalo ko dito dahil siryosong siryoso na talaga ang mukha nya.

ayaw na ayaw nya kasi talaga na pinag hihintay sya kaya naman palagi akong maaga. inaadjust ko talaga ang oras ko pag alam kong may lakad kami o susunduin ko na sya galing sa trabaho nya.

"hindi sasama ako ngayon. tara na.. teka nga.. bakit ba pinipigilan mo ako sumama sayo ngayon? dari rati naman gustong gusto mo ang sumama ako sayo pag may gig ka tapos ngayon ayaw mo. siguro may babae ka dun no? nang bababae ka ba mylo? naku sabihin mo na ng maaga kung nag loloko ka." sabi nito na masama na ang tingin sa akin.

"babe ano ba yang pinag iiisip mo. wala akong babae. ikaw lang." sabi ko at iniliko ko na ang sasakyan malapit na kasi kami sa venue.

"ie bakit ayaw mo ako pasamahin? siguraduhin mo lang mylo kundi may kalalagyan ka sakin. at iyan." sabay turo nito sa alaga ko kaya naman ay bigla akong napa igtad dahil sa talim ng tingin nito dito at sa tono ng boses nya na may pag babanta.

"siguraduhin mo lang na ako lang ang pinapasok nyan at sa akin lang dapat mag laway yan kung hindi. putol ang kinabukasan mo pati narin ang lahi mo." sabi pa nito sa akin.

napalunok ako dahil sa tinuran nya. grabr naman talaga tong mahal ko. samantalang sa kanya ko lang naman gusto magkaroon ng lahi. ibang klase mag isip.

napa iling na lamang ako at pinag patuloy hanapin ang bar na sinasabing pag aari daw ng bagong kakilala ni kieff.

"ano hindi ka sasagot?!?!?" napatalon ako dahil sa pag tataas ng boses nito.

"grabe naman babe. wag mo nang pag diskitahan yan. wala akong babae. at sayo ko lang gustong mag lahi wala ng iba." sabi ko dito at hinalikan ito sa kanyang pisngi.

kita ko ang pamumula ng pisngi nito. marahil dahil sa sinabi kong sa kanya ko lang gustomg magka lahi.

"where here." pukaw ko sa atensyon nya matapos kong maiparada ng maayos ang auto.

agad akong bumaba at nag tungo sa kabilang side ng kotse upang ipag bukas siya ng pinto at alalayang maka baba.

magka hawak kamay kaming pumasok sa isang resto bar. pag pasok namin dito ay napa tingin ako sa paligid upang hanapin ang aking mga kaibigan. mukhang mayayaman lang ang nag pupunta dito dahil sa ayos ng ng lugar ay mukhang mamahalin ang mga inihahain dito kahit pa alak.

love song love story strangers againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon