MYLO's POV
kinabukasan ay dumating si kieff at nang malaman ang nangyari ay ginulpi niya si aeros. kung ako puro salita si kieff ay hindi. kahit pa mahaba ang pasensya nito, pagdating sa mga ganitong bagay ay hindi niya kinukunsinte.
"mag bihis kayo ngayon din, pupunta tayo kanila daniel at mamamanhikan. " sabi nito.
agad kaming nagsi kilos, baka lalong mag wala iyon kapag nag tagal pa kami.
walang 30 minutos ay naka gayang na kami. patungo na kami ngayon kanila daniel. kaming tatlo ay kinakabahan samantalang si kieff ay kalmado lang. ako ang nag didrive dahil binabantayan ni kieff si aeros baka daw kasi biglang tumakas.
medyo may kalayuan ang bahay nila daniel. pagka rating namin duon ay napahanga ako sa aking bakita. mansyon ang bahay nila at kitang mayaman ang pamilyang kina bibilangan ni daniel.
pero mas mayaman si aeros at kieff kumpara dito. agad kong pinindot ang doorbell at bumukas ito. lumabas ang guard at sinabing kami ang kasama ni aeros at gusto naming makausap ang pamilya andrews.
agad naman kaming pinapasok ng guard ng masiguro nito mula sa intercom ang pag payag ng mga amo.
pag pasok palang sa loob ng bahay ay kita na ang nag susumigaw na karangyaan ng pamilya.
"walang hiya ka. binuntis mo ang anak ko. " isang sapak ang sumalubong kay aeros. mabuti na lamang ay naalalayan ito ni buwi. agad naman kaming humarang ni kieff para pigilan ang lalaking nangangalit. ito marahil ang ama ni daniel.
"hin tama na, kakausapin naman nila tayo. hayaan natin magusap usap tayo para malaman natin kung ano ang dapat gawin. " sabi ng isang babaeng medyo may katandaan na pero kita padin dito ang taglay nitong kagandahan. dito marahil na mana ni daniel ang kagandahan. magka mukhang magka mukha silang dalawa tangin mata lamang ang naiba dahil sa ama nito na mana ang kanyang mata.
kilala ko si daniel dahil madalas itong isama noon ni aeros kapag may practice kami.
"dad tama na po please. " si daniel na kabababa lamang mula sa itaas. halata na dito ang baby bump niya.
agad namang huminahon ang ama nito ay kita dito ang pag lambot ng mukha nito na yakapin siya ng anak.
"sir nandito po kami para mamanhikan. " matatag na sabi ni kieff sa aman nito.
"kung ganon ay duon tayo sa study room duon tayo mag usap. " bakas sa boses nito ang galit at kita mula sa pag kuyom ng kanyang kamao.
hawak padin ito ng kanyang asawa at anak. nag tungo kami sa study room nito at pinaupo kami sa sala. naka harap sa aming apat ang mga ito.
agad tinapik ni kieff si aeros sa balikat hudyat na mag simula nang mag salita.
"tito, humihingi po ako ng paumanhin sa aking nagawa sa inyo at sa inyong anak. alam ko pong walang kapatawaran ang nagawa lo sa kanya dahil madami pa kayong pangarap para sa kanya. " sabay tingin nito kay daniel na naka yuko at umiiyak lamang.
"nandito po ako para hingin ang pahintulot ninyo upang pakasalan ang inyong anak." sabag baling nito kay daniel. "dandan, sorry kung nangyari ito. alam kong hindi mo gusto ito at ganun din naman ako. alam ko ding kinasusuklaman mo ako ngayon. dandan aaminin ko sayo, bata pa lamang tayo ay mahal na kita, hindi ko pinlano ang lahat, pilit ko ding iniiwasan at winawaglit sa akin ang nararamdaman ko. kaso hindi ko kayang pigilan. ang hirap. mahal na mahal kita mula pa noon hanggang ngayon." umiiyak na ito ngayon. hinawakan naman ni buwi ito sa balikat.
"pananagutan ko ang magiging anak natin. pananagutan kita. hindi kita pababayaan. alam kong hindi mo matatanggap ang tulad ko at alam kong sinira ko ang tiwala mo. pero pinapangako ko na aalagaan at mamahalin ko kayong dalawa ng anak natin. paninindigan kita" lumapit ito kay daniel at lumuhod sa harap nito. hawak nito ngayon ang kamay ng dalaga.
"kahit ano, kahit gaano kahirap gagawin ko ang lahat para lang maging maayos ang magiging buhay ninyo ng aking anak. ibibigay ko ang lahat maging masaya ka lang. " sabi nito.
PAK!!! PAK!!!
isang mag asawang sampal ang pinakawalan ni daniel sa mukha ni aeros. agad kaming napatayong tatlo para alalayan si aeros.
"kahit kailan ay hindinkita mamahalin. pero sige mag papakasal ako sayo. mamumuhay tayi sa impyernong kinasasadlakan ko ngayon dahil sa kagagawan mo. magkasama tayong susuong dito at ipaparanas ko sayo ang buhay na ni minsan ay hindi ko maisip na mangyayari lalo't ikaw pa ang kasama. KINASUSUKLAMAN KITA!! " sabi nito at agad na umalis sa silid.
iyak lang ng iyak si aeros at inaalo naman siya ni buwi. bilang tumatayong pinaka panganay sa amin kinausap ninkieff ang daddy na daniel at napag kasunduan ikakasal sila sa laling madaling panahon dahil sa ayaw daw nito na madungisan ang pangalan ng kanyang pamilya at kahit pa babae parin si aeros ay madali naman itong maipapaliwanag lalo pat intersex din ito.
matapos ang mahabang pag uusap ay umuwi na kami. sa bahay muna kami ni kieff tutuloy para naman makapag isip ng maayos anf mga utak namin.
"aeros dun ka muna sa probinsya nila mylo, kami na ang bahala sa lahat. mag palamig ka muna. susunduin ka namin kapag okay na ang lahat lahat. " baka sa mukha ni kieff ang pagiging authoritive nito.
"sige pero pwede bang pagkatapos nalang muna ng event ni miss heira? kailngan pa nating tapusin iyon. " sabi nito.
nawala na sa aking isip ang tungkol duon dahil sa sunod sunod na pangyayari.
"sige. " maikling sagot ni kieff.
****
ilang araw na ng simulan namin ang practice para sa mga kantang kakantahin namin sa event ni miss heira. kailngang ma-i ayos na namin ang lahat para wala ng problema.
nasa practice kami ng may babaeng bigla na lamang sumulpot sa harap ni buwi at agad itong sinampal.
"walang hiya ka. sinungaling ka. sabi mo wala kang sabit kasal ka na pala. " patuloy ito sa pag hampas kay buwi. ang isa naman ay iwas lang ng iwas. dahil sa kabiglaan sa tinuran ng babae ay hindi kami agad nakapag salita.
"ano bang sinasabi mo miss. hindi kita kilala at hindi pa ako kasal. " awat ni buwi sa babae.
"sinungaling ka. at ngayon hindi mo pa ako kilala ah. matapos mong makuha ang lahat sa akin yan ang sasabihin mo. matapos mong masarapan at ilabas yang libog mo yan ang sasabihin mo. gago ka. " galit na galit na sabi ng babae .
"teka miss. ano ba yang sinasabi mong kasal na ang kaibigan namin. wala pang pinapakasalan yan. diba buwi? " baling ko dito.
"o-oo. oo. hindi pa ako kasal at wala pa akobg asawa. " nauutal na sagot nito sa akin. may mali talaga sa tao na ito.
agad naman inallayan ninkieff ang babae para kumalma at pinaupo ito. kinausap niya ito at nakita na lamang naming umalis na ang naturang babae.
"now explain" sabi ni kieff.
naka yuko lang si buwi at hindi magawang tumingin sa amin.
"i'm so sorry mga dude. " yumuyugyog na ang balikat nito na halatang umiiyak.
"hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa inyo. " sabi nito. muntik itong hampasin ni kieff ng gitarang hawak niya.
"kasal na ako. last week lang. " sabi nito.
WHAT THE FUCK!!! ANG MGA BABY BROTHERS NAMIN KASAL NA????
BINABASA MO ANG
love song love story strangers again
Romanceheiranette acierto isang babaeng walang ibang ginusto kundi ang maabot ang mga pangarap at higit pa doon. successful businesswoman. tanyag sa larangan na kanyang napili. mylo corpuz isang musikero, mabait, masipag at higit sa lahat may mahabang pang...