chapter 32

2.5K 56 7
                                    

HEIRA's POV

"babe.. kain muna tayo gutom na kami ni baby ie." sabi ko kay mylo ng may matanaw akong isang restaurant na madadaanan namin.

pauwi na kami ngayon galing sa check up at namasyal lang saglit sa mall at bumili ng mga kulang pa sa gamit ng baby namin.

napaka mabusisi niya sa pag pili ng mga gamit ni baby. hindi maipag kakailang mahal na mahal talaga niya ang mga anak niya.

"sure love.. saan mo ba gusto?" sabi nito ng naka ngiti sa akin. itinuro ko na lamang ang restaurant na madadaanan namin dahil talaga namang gutom na ako. kung bakit ba naman kasi hindi pa kami kumain kaninangbinaaya ako nito inabutan pa tuloy ako ng gutom.

ayaw ko pa namang mapabayaan ang sarili ko dahil ayaw ko ng maulit pa ang mga nangyari noon.

hindi ko maiwasang maalala ang mga pag pili niya kanina sa mall ng mga gamit. ganito din kaya siya noon kasaya at ka busisi nung kay heimy? nahirapan din ba sya noon? excited na akong makita kung paanong aalgaan ni mylo ang magiging baby namin dahil hindi ko naman talaga nakita noon kung paano nya alagaan ang anak namin.

"love.. ang lalim ng iniisip mo? kanina pa kita tinatanong. tell me ano ba yang iniisip mo?" tanong nito sa akin na nakapag pa balik sa ulirat ko.

"wala naman babe.. iniimagine ko lang kung ano bang itsura mo pag umiyak si baby sa madaling araw?" sabi ko dito.

agad naman itong napa ngiti na parang may naalala, siguro ay nung inaalagaan nya ang panganay naming anak.

"don't worry love.. makikita mo din yun once na naka pnganak ka na." sabi nito at hinalikan ako sa labi.

umorder na ito ng paglain namin at as usual healthy food ang naka hain sa akin. mahirap na daw at baka maging masasakitin pa si baby. sabi nito.

paywi na kami at nadatnan naming tulog si heimy sa kwarto nito kung kayat hindi na muna namin siya ginambala pa.

"babe diba sabi ko sayo kagabi ngayon ko sasabihin sa akin kung anong nangyari sa akin noong nawala ako?" sabi ko dito kayat napa tingin ito sa akin.

"yes love. ready ka na bang sabihin sa akin yun?" tanong nito sa akin at sinog ko lamang ito ng tango.

tumabi ito sa akin mula sa aking pagkaka higa at sinuklay nito ang aking buhok gamit ang kanyang mga daliri.

"kung ganun sige, makikinig ako sa mga sasabihin mo." at hinalikan ako nito sa labi.

nag simula akong ikwento sa kanya nung araw na malaman ni mommy na nabuntis nya ako.

------

HEIR'S other side of story (flasback)

nanginginig ang aking mga kamay habang hawak ang isang maliit na aparato nang bigla akong magulat mula sa malakas na katok sa pintuaan.

"heira buksan mo itong pinto." sabi ni mommy mula sa kabilang panig ng pintuan nitong banyo.

"ahmm.. saglit lang po mom.." ifinlush ko ang tubig sa toilet at dali daling inayos ang aking sarili. nag hilamos ako atsinipat muli ang sarili sa salamin kung halata ba ang aking pag iyak.

" ano po yun mommy?"magalang na tanong ko sa aking ina.

"may pera ka ba diyan? pahingi naman aalis lang ako saglit?" sabi nito sa akin.

napa buntong hininga na lamang ako at saka nag lakad patungo sa aking bag. kinuha ko ang aking wallet at binigyan ito ng pera pero sa kasamaang palad ay inagaw nito ang wallet ko at kinuha lahat ang laman niyon.

matapos makuha ang pera ay ibinato na lamang nito pa balik sa akin ang wallet ko " baka bukas na ako maka uwi kaya ikaw na ang bahala dito sa bahay." sabi nito at dali daling umalis.

love song love story strangers againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon