chapter 23

2.6K 81 7
                                    

continuation....
_______________________________________

nag daan ang ilang araw at linggo ay nag patuloy ang pang liligaw ko kay heira.

isa pala syang model kaya naman pala sabi ni kieff ay busy siyang tao.

hindi pa gaanong kasikat ang pangalan niya dahil nag sisimula palang siya sa industriya.

"mylo wag mo na akong sunduin mamaya ah may lakad kasi kami ng mga kasama ko after ng shoot namin. baka umaga na din kami umuwi kaya mapapagod ka lang." sabi nito bago ito bumaba sa kotse ko.

"ganun ba? saan ba kayo pupunta?" tanong ko lamang dito. gusto kong ibigay din ang space dito dahil baka mag sawa ito sa akin kung palagi na lamang akong nasa tabi nito at hindi pa ako sagutin.

"sa isang bar lang. wag kang mag alala itetext ko naman sa iyo kung nasaan ako." isa din ito sa mga nagustuhan ko sa kanya kaya naman kahit hindi ako sumama ay okay lang dahil sinasabi naman nito kung nasaan talaga siya at kung sino ang mga kasama nya.

kahit hindi pa kami ay pakiramdam ko kasintahan ko na siya dahil sa tratuhan naming dalawa.

kulang na nga lang talaga sa amin ay ang sagot nyang oo para maging official na kami na.

"sige basta kung may problema ay sabihan mo lang ako darating ako agad." sabi ko dito.

isang ngiti lamang ang sagot nito sa akin kung kayat gumaan na din naman ang pakiramdam ko.

"sige kita na lamang tayo bukas." sabi nito sa akin at agad na humalik sa pisngi ko.

bumaba na ito ng kotse at dumirecho sa isang building. paalis na sana ako ng makita ko sa pasengger seat ang phone niya kaya agad akong bumaba at hinabol siya.

nasa elevator na ako patungo sa floor kung saan gagawin ang photo shoot nila nang may makasabay akong mga lalaki sa elevator. sa tindig ng mga ito ay alam kong mga modelo din ito.

"pare nakita mo ba si heira? mukha syang inosente diba parang hindi pa na bibinyagan. mukhang virgin pa." sabi ng isang lalaki sa kausap nya.

"oo nga hayaan mo mamaya pagkatpos ng party mawawala ang pagka inosente niya. hahahahaha." sabi ng dalawa at tumawa ng may masamang balak.

naikuyom ko ang kamao ko pero hindi ako nag kibo. may plano ang dalawang ito kaya kailangan ko mamayang bantayan si heira kahit pa magalit siya sa akin.

tumunong ang elevator hudyat na nasa floor na ako kung nasaan si heira.

agad hinanap ng mata ko kung nasaan siya at nang matanaw ko siya ay dali dali akong lumapit sa kanya.

"heira ang phone mo naiwan mo sa kotse." sabi ko dito.

nagulat naman ito ng biglang pag sulpot ko sa tabi niya.

"ginulat mo naman ako mylo. pero salamat. kanina ko pa nga ito hinahanap ie." ngumiti ito ng makilala ako.

"paano text mo sa akin mamaya kung saan ang pupuntahan nyo ah?" sabi ko dito.

agad naman itong tumango at sinabing mag tetext na lamang siya kung kayat umalis na ako sa building.

----

nandito kami nila kieff ngayon sa isang bar at nag iinuman. kasama namin si aeros at buwi ang mga kabanda namin.

"mylo nakita mo na ba siya?" tanong sa akin ni aeros habang napa tigil naman ang pag inom ko ng beer.

"hindi pa nga ie mukhang hindi pa sila dumarating ng mga kaibigan nya." sabi ko at pinag patuloy ang pag inom.

sinabi ko kay kieff ang narinig ko kanina sa elevator at hindi na ako umalis sa tapat ng building kanina.

love song love story strangers againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon