MYLO's POV
kakatapos lang ng graduation namin at nandito kami ngayon sa bahay ko. nakarating din naman sila mommy pero yung taong gusto ko sanang makita para masabi kong nakaya ko kahit wala ang suporta nya ay hindi talaga dumating.
"mom, kamusta kayo duon? pasensya na po kayo at hindi na ako nakaka dalaw sa inyo. masyado po kasing busy dito sa school at sa trabaho pero ngayong naka graduate na ako at makaka pasok na ako sa trabaho. magiging maluwag na ang pamumuhay ninyo duon." sabi ko dito habang akap siya.
"naku anak, wag mo kaming intindihin duon. maayos ang pamumuhay namin kumikita naman ang negosyo natin duon kaya hindi mo kailangang mag paka kuba sa kakatrabaho. alagaan mo din naman ang sarili mo. tingnan mo napaka payat mo na." hinawakan nito ang aking mukha at sinisipat. napakamot naman ako sa batok ko dahil sa sermon ni mommy."hindi ko naman po pinapabayaan ang sarili ko mom. sadyang payatot lang po talaga ako." sabi ko dito habang natatawa.
nag paalam ako dito na lalapitan muna ang aking mga kaibigan na nag iinuman at tumango lamang ito.
lumapit ako kanila kieff at tinapik ito sa balikat. kinuha ko ang isang bote ng beer na inabot sa akin ni buwi.
"graduate ka na, anong plano mo ngayon? may trabaho na ding nag aabang sayo." sabi ni aeros sa akin.
"ganun pa din naman, papasok ako sa kumpanya nila kieff at itutuloy padin ang pag babanda."
"kaya mo ba? baka mahirapan ka?" sabi ni kieff.
"kaya ko yan. nakaya ko nga yung ilang taong sobrang hirap lalo na nung nag sisimula palang ako." sabi ko dito sabay lagok ng beer.
"kieff dude. sobrang salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin at sa pamilya ko. kung hindi dahil sayo baka hindi ako natapos at hanggang ngayon ay wala pading maayos na buhay. ikaw yung naging sandalan ko nung mga panahong nilalamon na ako ng kumunoy. ikaw yung sangga ng puno na kinapitan ko para maka ahon ako. ikaw yung tumulong sa akin. kaya ngayong nakatapos na ako. ibabalik ko naman sayo lahat ng nagawa mo sa akin. dude, susuportahan kita sa lahat ng bagay. hindi lang ikaw kundi pati ang dalawang kolokoy na ito." tukoy ko kay buwi at aeros na ngayon ay kakamot sa kanilang ulo.
tanging iling na lamang ang naisagot ni kieff tungkol sa dalawa.
"wala yun, at kahit sino pa man sa inyo ang mangailngan ay nandito lang ako handang tumulong sa inyo sa abot ng makakaya ko. pero ikaw aeros." sabay baling nito kay aeros na nilalantakan yung pulutan.
"pagkatapos ng event ay sasama ka sa mommy ni mylo, duon ka muna sa probinsya nila. ako nang bahala mag paliwanag kay daniel at sa pamilya niya." sabi nito. si kieff ang tumatayong magulang sa aming apat. dahil sa pinag daanan nito ay mas naging matured ito.
nagpatuloy na lamang kami sa aming inuman at masayang kwentuhan.
ilang araw pa ang lumipas at idadaos na ang event ni miss heira. nag papractice kami ng mga huling gagawin para mas maging maganda ang performance namin.
and finally, the time has come. nag start na ang event at may mga pakulong ginawa si kieff, it was a sizzling hot performance with miss khailine.
at first ay nagulat kami ng biglang sayawan ni miss khai si kieff pero mas nakakagulat ang kolokoy dahil pinatulan nya ang kapilyahan ni miss khai.
sinayawan din nya ito na naging dahilan para mag init ang stage at talaga namang inangkin nila ito.
after nila sa performance nila ay final walk na ni miss heira. indeed, she is the most beautiful woman walking on that ramp. the way how her hips sway when ever she walks. her shinny hair. her complexion. i almost drool over her.
BINABASA MO ANG
love song love story strangers again
Romanceheiranette acierto isang babaeng walang ibang ginusto kundi ang maabot ang mga pangarap at higit pa doon. successful businesswoman. tanyag sa larangan na kanyang napili. mylo corpuz isang musikero, mabait, masipag at higit sa lahat may mahabang pang...