MYLO's POV
nasa library ako ngayon para ayusin at tapusin ang mga requirements na kailangan ko para sa graduation. napansin kong papunta sa akin si jessie.
"oh kamusta jes. tapos mo na ba ang mag requirements mo?" tanong ko dito.
"oo tapus ko na. ikaw bakit ngayon mo lang tinatapos yang requirements mo? don't tell me napupuyat ka nanaman sa kakabanda mo kaya di mo natapos agad yan?" napakamot ako sa hindi makati. paano ba naman kasi palagi nalang kaming umuuwi na lasing dahil may mga costumers na nag bibigay ng alak. nakakahiya naman kasi kung tatanggihan baka hindi na nila kami suportahan.
"hay naku. sinasabi ko na nga ba ie. alika nga tulungan na kita para matapos ka na." sabi nito. agad naman niyang kinuha ang mga papel na dapat icompile at inayos.
"ayan okay na. tara na para maipasa ko na iyan." sabi ko dito. binuhat ko na ang mga dapat kong dalhin nang may maalala ako.
"sya nga pala jes. nakausap ko na si kieff at sinabi nitong meron nga daw bakante sa opisina nila. baka gusto mo para duon ka na din mag trabaho." sabi ko dito. nakita ko naman ang pag aliwalas ng kanyang mukha.
"talaga? sige sige. magandang balita yan. ibabalita ko kanila mommy na makakapag apply na ako sa lazerna empire. sugurado akong matutuwa sila." halos mapatalon ito dahil sa tuwa.
nag lakad na kami patungo sa faculty para ipasa sa mga prof ko yung mga requirements na inayos ko. pagkatapos namin duon ay inaya ko si jessie sa caf. ililibre ko sya dahil tinulungan nya ako mapabilis yung gawain ko.
"jes. baka gusto mo manood mamaya may gig kasi kami. wala naman tayo pasok bukas ie." aya ko dito. biyernes na ngayon kaya din napa madali ako sa mga requirements ko.
"ahhh. kasi ano, mylo may lakad kasi ako mamayang gabi ie. may girls night out kami mamaya. next time nalang siguro." sabi naman nito kaya tumango nalang ako. nakain pa kaya ako.
matapos namin kumain ay nag hiwalay na kami at uwi sa kanya kanya naming bahay. may practice pa kami mamaya.
****
matapos tumugtog ay nagka ayaan ulit kaming magka inuman ng may babaeng lumapit sa amin. god ang ganda.
"holly gods of olympus...." bulalas ni buwi. napatingin din ako sa kasunod na babae at bigla akong parang na statwa sa aking kina uupuan. tiningnan ko agad si kieff pero parang wala itong nakikita.
nag batian lang. silang dalawa at parang nakalimutan nilang may kasama sila dito. walang hiyang kieff kinalimutan na kami.
"hi miss? you look familiar? have we met before?" napukaw ang atensyon ko ng marinig ko si buwi na may kinakausap.
" i'm sorry, but I don't think so." tapatingin ako kay buwi nang magsalita ang babae.
"ow.. sorry. by the way, i'm buwi and you are?" cool na pakilala ni buwi sa sarili at inilahad ang kamay.
"heira, heiranette acierto. heira nalang." pakilala ng babae at agad inabot ang kamay nI buwi.
"kieff, kamusta? it's been a while. napanood ko performance nyo kanina. and by the way heira here is a friend of mine. also, she wants to invite you all guys na mag perform sa isang event para sa company nya. so are you guys cool with it?" tiningnan kami ni kieff isa isa na nag tatanong kung sasang ayon ba kami. tumango naman kami bilang sagot. para na akong napipi dito na hindi makapag salita.
"well, I guess we have a deal. mylo would you mind if ikaw nalang makipag usap kay heira about sa details nung event?" at ang loko nginisian ako. naku kieff kung di lang kita bestfriend mapapatay kita ngayon din.
BINABASA MO ANG
love song love story strangers again
Romanceheiranette acierto isang babaeng walang ibang ginusto kundi ang maabot ang mga pangarap at higit pa doon. successful businesswoman. tanyag sa larangan na kanyang napili. mylo corpuz isang musikero, mabait, masipag at higit sa lahat may mahabang pang...