MYLO's POV
"mag bihis ka na. ihahatid na kita pauwi. " matapos ang mainit na pag iisa namin ni heira at matapos kong lumabas ay agad ko din itong binalikan sa loob.
mali ang mga sinabi ko sa kanya at alam kong nasaktan ko sya pero nasaktan din ako at hindi lang ako ang nasaktan nya sa ginawa nya. may isang tao pang hanggang ngayon ay umaasa. okay lang sana kung ako lang kasi kaya ko pero hindi ang isa pa.
walang kibo itong nag bihis at agad na lumabas nang kwarto. sinundan ko ito hanggang parking lot.
napansin kong sa ibang dereksyon ang tungo nito kayat agad kong hinawakan ang kamay nito para pigilan ito.
"saan ka pupunta? diba sabi ko ihahatid kita? delekado na sa daan. " sabi ko dito at hinatak ito patu go sa auto ko pero nag taka ako ng hindi ito gumalaw mula sa kanyang kinatatayuan.
tiningnan ko ito ng may nagtatanong na tingin.
"i have my car. i can handle my self. " sabi nito. nakita ko ang pag daan ng sakit sa mata nito pero agad ding nawala at napalitan ng galit at sakit.
iwinaksi nito ang aking kamay mula sa pagkaka hawak sa kanya at mabilis na naglakad patungo sa kanyang sasakyan.
na giguilty ako sa mga nasabi ko sa kanya pero dapat parin niyang malaman na hindi porket may nangyayari sa amin ay nakalimutan ko na ang mga kasalanan nya sa amin.
hinatid ko na lamang ito ng tingin at nang hindi ko na matanaw ang sasakyan nito ay kaagad din akong nag tungo sa auto ko.
inilapag ko sa passenger seat ang paper bag na dala nya kanina. kinuha ko ito at iuuwi na lamang. sayang din ang kaldereta paborito ko pamandin ito.
nang masiguro kong okay na ang lahat ay kaagad ko na itong pinaandar at umuwi.
****
inihatag ko sa lamesa ang dalang pagkain ni heira matapos ko itong initin.
wala pading pag babago ang lasa ng kaldereta na luto niya.
pumatak ang luha ko ng maalala ko ang mga bagay na masaya pa namin noong ginagawa ramdam ko sa puso ko ang sakit at pangungulila.
*****
"love.. sorry na please? " hindi ko padin pinapansin ang babaeng katabi ko ngayon.naiinis ako sa kanya kadi ayaw nyang sumunod sa sinabi ko. hindi daw nya kasi pwedeng patigilin ang nanliligaw sa kanya kasi hindi alam ng mommy nya na may karelasyon syang babae.
"love. intidihin mo naman ako ayaw ko namang malagay tayo sa alanganin kaya hindi ko pwedeng patigilin si james pero don't worry love wala akong planong sagutin sya. ikaw lang ang mahal ko love.. please sorry na.. kain na tayo? sige ka hindi ako kakain hanggat di mo ako pinapansin. paborito mo pa naman itong niluto ko para sayo. " mahabng sabi nito sabay pout sa harap ko.
hay bakit ba hindi ko matiis ang babaeng ito. kahit na nasasaktan ako sa mga ginagawa nya pinapatawad ko padin siya.
"love please? gutom na ako pero hindi padin ako kakain hanggat nag tatampo ka padin sa akin. " hindi ko padin sya pinansin."hay" napa buntong hininga ito na para bang sumusuko na.
ilang segundo pa ang lumipas nang marinig ko itong kumanta.
alam mo bang hindi bagay sayo kapag ika'y nag tatampo
nka tingin lamang ito sa akin habang hawak ang kamay ko.
wag ka nang sumimangot babe lika dito sa tabi ko
hinawakan nito ang pisngi ko at pinisil
BINABASA MO ANG
love song love story strangers again
Romanceheiranette acierto isang babaeng walang ibang ginusto kundi ang maabot ang mga pangarap at higit pa doon. successful businesswoman. tanyag sa larangan na kanyang napili. mylo corpuz isang musikero, mabait, masipag at higit sa lahat may mahabang pang...