Chapter 1:Meeting Her

33.6K 394 7
                                    

(Sebastian's POV)

"You're such a disappointment! Maraming oras para gawin ang isang napakalaking kalokohan! But why? Bakit mo ipinahiya ang kumpanya natin sa harap ng investors at ginawa mo pa iyon sa araw ng pagpapakilala ko sayo as the new face of Perez Group of Companies? Come on, Sebastian Perez! You're such a fool!"


Eto ako ngayon, sinesermonan ni Dad dahil sa ginawa kong 'kalokohan' daw. Masyado kasi nilang pinipilit na kailangan kong magpanggap sa harap ng maraming tao na deserving akong pumalit sa Dad ko bilang CEO. Magpanggap na kahit kulang ang kaalaman ko sa pagpapatakbo ng kumpanya, kailangan kong maipakita na ang nag-iisang anak ni Anthony at Lea Perez ay deserving sa titulong CEO.


Dahil sa sama ng loob, parang gusto kong mapag-isa. Kaya nagkulong ako sa kwarto. Wala akong magawa kundi matulog, kumain, matulog, kumain. Iyan na lang ang routine ko sa buhay. Hindi naman ako makapag-communicate sa mga kaibigan ko dahil grounded ako. Walang cellphone, TV, gaming consoles, PSP.


Ilang araw din akong nakakulong sa kwarto. Isang araw, parang nakaramdam akong gusto kong lumabas. I felt that I need to breathe. I need space. Dahil dun, lumabas ako ng kwarto at hindi na nagpaalam sa parents ko kasi alam ko namang hindi naman nila ineexpect na magpaalam ako.


Nasa labas na ko ng bahay namin at naglalakad ng hindi alam kung saan pupunta. Habang naglalakad, nakakita ako ng isang maliit na parang bahay. Parang ang tahimik lang ng atmosphere dun. Parang maganda ang ambiance sa mga taong gusto ng peace. Pumasok ako. Tama nga! Ang tahimik sa loob. Kahit marami-rami ring tao ang nasa loob, ang ganda pa rin ng ambiance.


Pumunta ako sa counter para maka-order ako ng kahit brewed coffee lang. Coffee shop pala ito. Bihira lang akong pumunta sa coffee shop, dahil parang hindi ko trip. Pero maganda pala dito.


"Excuse me, Miss?" pagtawag ko dun sa babae sa cashier. Paglingon niya,

Shete!



ANG GANDA NIYA!

---<A/N>---

Pasensya na sa corning Chapter 1. First time kong magsulat dito. Thanks for reading! :)

The CEO's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon