Chapter 36: Can I court you?

4.2K 94 2
                                    

(Aisha's POV)
"I like you." Huh? H-he likes me?

"What do you mean sir?" tanong ko. Mahirap na. Ayokong mag-assume.

"I like you. I like you for my business. You bring so much luck here. Madaming customers ang dumagsa simula nang dumating ka dito." Aah. So that's what he's talking to. He likes me for his business.

"Hindi lang naman po ako ang dahilan. It's also because of your offers. Masarap ang coffee and pastries niyo dito." I answered honestly. Totoo namang masarap ang mga inooffer nilang pagkain dito. I like the macchiato so much.

Naalala ko ung sa dating coffee shop na pinagtatrabahuhan ko. Macchiato ang best-seller nun.

"I see. You may go now Aisha. It's getting late na. Mahirap na sa daan. Ingat."

"Yes sir. My friend will fetch me up. Bye."

Lumabas na ako sa shop at tinex na si Van. After mga 5 minutes siguro, dumating na rin siya. Sumakay na ako sa kotse niya at dumiretso na sa unit niya.

"Haaay. Grabe! Nakakapagod magserve ng coffee. Pero namiss ko na rin ung paggawa ko ng mga frappe, macchiato. Mga ganun." sabi ko kay Van.

"Halata ngang pagod ka. Upo ka lang diyan, magluluto lang ako. Ano, may friend ka na rin ba diyan sa work mo?" tanong niya. Sakto gutom na rin ako at for sure, masarap tong lulutuin ni Van.

"Ayun. Ayos naman. Nakilala ko si Winde. Pinoy din siya. Pati nga si boss pinoy din." sabi ko.

"Siyempre. Kaya diba ang pangalan nung coffee shop, 3Stars and a Sun. Lahat ng nagtatrabaho dun, pinoy."

Ah. I see. Ngayon ko lang din un napansin. Grabe. Ang galing talaga ng mga pinoy pagdating sa business.

Pumunta na ako sa dining area kasi tapos na magluto si Van. Nagpwesto na ako ng utensils na gagamitin namin.

"Ang sarap mo talagang magluto Van. Magtayo ka nga ng resto. For sure, sisikat un." sabi ko. Sobrang sarap naman kasi nung niluto niya.

"Thanks Aisha. By the way, can I ask you a question?"

"Sige lang..."

"Uhm. Diba alam mo naman na I have fallen in love with you?"

OMG! Anong sasabihin niya? Bakit nagiging cheesy nanaman siya?

"Y-yes... And?"

"Can I court you?"

"Aack! Tubig! Tubig!" Nabilaukan ako dahil sa sinabi niya. Ako? liligawan niya? grabe! lapitin talaga ako ng mga Perez. Hahaha.

"What do you mean?"

"Uhm. Pwede ka bang ligawan? Can I be your boyfriend?"

"Are you sure about this, Van? Baka naman nadadala ka lang ng infatuation mo towards sa akin."

"This is not infatuation. This is Love! I badly want to be your boyfriend. I want to be a shoulder to cry on. I want to be an entertainer to make you happy. I want to be your everything! So please, can I court you?"

Grabe. Humihingi lang ng permiso kung pwedeng manligaw, pero pang-engagement na yata tong speech niya.

"Wala namang problema pe--"

"Yes!Thanks Aisha. I promise, I will never hurt you! Thank you!"

"Hindi pa ako tapos diba? Walang problema kung manligaw ka saakin pero, ayokong umasa ka. Medyo sariwa pa sa akin ung sakit ng past ko and hndi ako agad-agad magmamahal."

"It's okay Aisha. I will wait until forever."

"Walang forever."

"I will always have my forever with you."

"Humuhugot ka na diyan. Kain na nga lang tayo."

Am I ready to love again? Hindi naman mahirap mahalin si Van eh. Kaya lang baka masaktan lang ulit kasi ako. Ayoko ng mangyari yun. Ayoko na.

****
(A/N: Merry Christmas Guys! Sorry sa super ikling update na naman. I appreciate the votes and comments! Ingat!)

The CEO's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon