Chapter 21: The Suddenly Cold, Seb

5.2K 89 1
                                    

(Aisha's POV)

Grabe talaga. Hindi ako sanay sa biglaang pagiging cold ni Seb. Namimiss ko ung dating siya. Yung dating sweet, gentleman, at caring na Seb. Hindi ung Seb ngayon! Ang sungit, suplado, mainipin, reklamador, basta lahat ng synonyms ng masungit.


Nagtataka din ako kasi kung kelan na ako aamin ng feelings ko sa kanya, pati ung pagtatapat ko tungkol sa plano, saka siya naging cold! Parang may iba..


Parang may problema. Parang may problema sa aming dalawa...


Well, kung ano man un, bahala siya! Wala naman siyang sinasabi sakin eh. Bakit ko poproblemahin ung problema niya?!


May nabanggit nga pala siya sa akin, magkakaroon daw ng celebration ang pamilya nila para sa, ewan! Di ko maintindihan eh. Silver wedding anniversary daw ng parents niya. Kailan pa naging silver ang kasal? Ganon ba kaimportante ang silver wedding anniversary at kailangan pa icelebrate?!


Pero, kung ano man yang silver silver na yan eh may plano na naman ako. Wag niyo namang isipin na paghihiganti na naman to! Hoy! FYI, hindi ako ganon kasama! Okay, let's cut to the chase, (Owow! Lumelet's cut to the choice si ate. Narinig ko yan kay Sebastian!) ganto since may celebration nga, gagamitin ko ung chance na to para magtapat sa kanya. Parang ito na ung right time. Mas maigi nang masabi ko na sa kanya kesa magtagal pa. Diba? Kaya ayun! Yun na. Yun na ung plano! Hindi siya madugo. Hindi siya pumapatay. Hindi siya nanloloko. Hindi siya ma—— (A/N: Tss. Kelan ka pa ba titigil sa hindi-hindi thingy na yan! Okay na! Alam na namin ung plano!)


Whatebur Author!


Pero, sana ito na talaga. Sana ito na ung right time. Sana..

***

(Sebastian's POV)

"Son? Okay na ba ung tuxedo mo para sa wedding anniversary namin ni Dad mo?" Tss. Ang aga-aga pa para problemahin ko yan.


"Mom, next week pa po fitting ko ng tuxedo. At matagal pa po ang anniversary niyo. Excited na naman kayo!"


"Siyempre. Having a silver wedding anniversary is a rare occasion in a family. Bihira lang ang ganyan. By the way, I invited Sophia. Tell me what is the color of your tuxedo so that you two would fit well." Kilala niyo na ba si Sophia? Siya ung mineet ko nga dibang anak ng business partner ng kumpanya.


Remembering that night makes me feel laugh!


Flashback...


Nauna na ako sa resto. Nakakahiya naman kung sino ung lalaki, siya pa malelate. After ilang minutes din, dumating na siya.


"Hello. I'm Sebastian." at inabot ko na ung kamay ko para makipag-shake hands.

"Hi! I was once the daughter of Leonardo Larameda. I was Sophia Larameda." Hahaha. Mukhang masaya tong dinner na to ah. Epic ang grammar.


"O-kay. Sit here." sabi ko habang nagpipigil ng tawa.


"Does you, I mean, Did you. Did you already take the order?"-Sophia


"Uhm. Honestly, not yet. I've waited for you to come so that you could pick your order."-ako


"Okay." -


"I'll call the waiter.Waiter!" -Ako

Tapos pumunta na sa table namin ung waiter.

"Yes Sir? Can I take your orders?"


"Uhm. I am choose, or I am choicing. I mean I'm choosing iscarguts, for appetizers. Beef Bourgwinon for the main dish and cremey brulee for the dessert." Grabe! Hindi ako makapaniwalang anak to ng isang business partner.

"Pardon, Ma'am?" Hahahah. Hindi din nagets nung waiter ung sinabi ni Sophia. Mas matalino pa nga yata tong waiter kesa kay Sophia.

"Sebastian? Iam go to the comfort room." Hahaha. Napahiya ata.

"Okay." At umalis na siya. Pag alis niya ako na nag-take ng order namin.


"Sorry medyo maliit utak nun eh. She means, escargots for appetizers, Beef Bourguignon as the main dish and crème brûlée for the dessert. For the drinks, any carbonated drinks."

Medyo natawa naman dun ung waiter at umalis na para iprepare ung order namin.


Pagbalik ni Sophia,


"Sebastian? Does you already take the order?" P*tek. Ayaw talaga paawat sa pag-english niya.


"Yes. By the way, how's life?"


"Sebastian? Kasi ano, pwede na ako magtagalog? Nangangawit na kasi tong panga. At konti nalang manonose-bleed na ako. Kaya nga ako nag-cr diba?" Hahahaha. Sa wakas nangawit din.


"Okay lang."

**


Yun na! Okay na ung flashback na yun. Hahaha.


Naramdaman niyo na ba ung pakiramdam na parang may mangyayaring masama? Ako kasi oo na eh. Nararamdaman ko hanggang ngayon.

 

 


The CEO's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon