Chapter 4: Bestfriend, Worst Friend !

12.3K 241 4
                                    

(Aisha's POV)

"Hoy Sarah! Anong ginagawa mo dito?" Ano ba naman to, Sarah? Bakit bigla bigla ka na lang sumusulpot.


"Uhm. Ganyan ba kayo magwelcome ng customer? Hindi ko type ang pagwelcome mo sa'kin." Pa-VIP naman tong Sarah na to!


"Excuse me Miss Sarah Ramirez, unang-una di ka customer dito. Pangalawa, di bagay sayo ang VIP treatment. Pangatlo, anong ginagawa mo dito?" sabi ko sa kanya.


"Excuse me din Miss Aisha Talaez, unang-una customer ako dito kasi bibili ako. Pangalawa, sinong nagsabing itreat mo ko as VIP? Pangatlo, andito ako kasi, nagugutom ako at bibili ako ng coffee. At nagkataon naman na nakita kitang nakikipag-usap sa isang hot guy at narinig kong hinihingi niya number mo. At ikaw naman tong pa-VIP na kunwari ayaw pang ibigay ang number mo pero gustung-gusto mo naman. Okay ka na Miss Aisha Talaez?" nag-speech naman tong si Sarah. Isa lang naman tanong ko. Ung pangatlo lang. Tapos ito naman si Sarah akala mo nag rerecitation sa klase. Ang haba mag-explain!


"Actually Miss Sarah Ramirez, hindi pa. May isa pa akong tanong sayo. Sino nagbigay sayo ng karapatan na ibigay ang number ko sa ibang tao. Narinig mo rin naman yata na for catering service ang dahilan kung bakit hinihingi niya number ko at hindi customer service. " Sige Sarah. Ready akong makipagtalastasan sayo.


"At actually din Miss Aisha Talaez, alam kong alam mo na hindi lang for catering services ang dahilan. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang sincerity na makilala ka. Ang sincerity na maging friends kayo. At ang sincerity na sana maging kayo. In short, na-love at first sight siya sayo. Kaya, walang mali sa ginawa ko." Ano ba naman to si Sarah. May pa sincerity-sincerity pang nalalaman. 


"Hoy Sarah! Umayos na nga tayo. dyan ka lang. May trabaho pa ko. Anong order mo?"


"Frappe lang. Sige. Marami pa tayong pag-uusapan!"


Dumiretso na ko sa counter para iprepare ung order ni Sarah, at ung order ng ibang customer. Tumingin naman ako kung anong oras na. 12:05 na. Lunch na pala. 


Pagkatapos ko iprepare lahat ng order nila, pumunta ako sa Boss ko. Half day lang ako pag weekends. Kailangan kong makahingi ng paunang bayad.


"Excuse me, Boss. May sasabihin po sana ako sayo." Please lang Lord! Sana pagbigyan ako ni Boss.


"Aisha, meron din sana akong sasabihin sayo. And I think mas important to. So please, ako muna magsasabi ng sasabihin ko sayo." Ano kaya ito? Siguro, ireresign na ko ni Boss. 'di niya yata nagustuhan performance ko sa trabaho. Dahil curious din ako, pumayag na ko.


"Aisha. Tomorrow, anniversary ng Perez Group of Companies (PGC). And I am very pleased to tell you na tayo ang napili nila na mag-cater sa event. Kaya, since masaya akong tayo ang napili nila. At sinabi rin nila, na may nakapagsabi na masarap ang mga pagkain dito, at maganda daw ang treatment ng employee natin sa customer, which is ikaw. Ikaw daw ang may pinakamagandang treatment sa kanila. Kaya, magbibigay ako ng paunang bayad sayo. At alam ko namang magiging maganda ang event bukas dahil tayo ang magcacater." Ano? Kami ang napili na magcater sa pinakamalaking kumpanya sa Pilipinas? Wow! Sino naman kaya ung customer namin na kumain dito ang galing sa PGC? Ang swerte ko! Tapos, naunahan nako ni boss sa paghingi ng paunang bayad? Wow ang saya lng tlaga!


"Thank you boss! Asahan niyo pong magiging maganda ang event bukas and matutuwa sila sa hinanda natin sa kanila."


"And Aisha, ito pala ung bayad, 8,000 pesos yan. Bilangin mo na rin para sure." inabot sakin ni Boss ang envelope na naglalaman ng *inhale, exhale* 8,000 pesos! Ang galante talaga ni sir.


"Di ko na po bibilangin sir! May tiwala ako sayo eh!"

"Iyan ang gusto ko sayo, Aisha! Okay you may go now. Ingat ka ha!"

"Thanks Boss!"


Ang saya talaga ng araw ko. Kahit medyo nainis ako kay Sarah, nabawi naman ni boss. Excited na ko bukas!

The CEO's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon