(Sophia's POV)
"TANDAAAAAA!"tawag ko dun sa matandang bago naming kasambahay. Actually isa siya sa mga servers sa wedding, pero kinuha ko muna siya at ginawang kasambahay."Yes po Ma'am?" sabi niya habang hinihingal. Mukhang napatakbo nang tawagin ko.
"Ano ba yan? Ba't ang bagal-bagal mo? Alam mo namang ayaw ko ng pinaghihintay hindi ba?! Kabago-bago mo lang dito, pinasasakit mo na kaagad ang ulo ko!" sabi ko.
Malas lang niya kasi nanay siya ni Aisha kaya siya ang madalas kung pinagbubuntungan ng galit. Di lang pala madalas, lagi!
Sinisigurado ko lang kasi na magiging impyerno ang pagtira niya dito sa bahay hangga't di pa kami ikinakasal ni Sebastian.
Kung tutuusin ay maswerte pa siya kasi next week ay ang kasal na namin.
"Sorry po ma'am."
"Hay nako! Sa susunod na mangyari pa'to, nako! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo!"
"Sorry po talaga ma'am."
"Tinatanglay ang mga paa ko kakashopping kanina. Gusto ko ng masahe."
"Sige po ma'am. Ako po bahala."
At sinimulan na nga niyang masahiin ang paa ko. Makalipas ang ilang minuto ay nakaramdam ako ng gutom.
Pagtingin ko sa orasan ay 7:30 na rin pala ng gabi.
"Tanda? Nakapagluto na ba ang head cook?" tanong ko sa matandang hinihimas-himas ang aking paa.
"Nakapagluto na po ma'am. Gusto niyo po bang ipaghain ko na kayo?"
"Tumawag na ba si Sebastian? Makakauwi ba siya ngayon?"
"Ay hindi pa po ma'am."
Bigla namang nagring ang telepono. Mukhang si Sebastian ang tumatawag.
"Tanda? Abutin mo nga yung telepono. Baka si Sebastian na yun."
Agad namang kinuha iyon ni Tanda—na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan.
Inabot niya ito sa akin at bumalik sa pagmamasahe sa paa ko.
"Hello? Sino to?"
"Hello Sophia. This is Sebastian, speaking. Wag mo na akong hintayin. Dun na ako sa condo matutulog. Marami pa akong tatapusin."
"Sige babe. Kumain ka na ba? Wag kang magpapalipas ng gutom ha?"
"Sige na. I'll hang up."
*TOOT TOOT TOOT*
"Sige na tanda ipaghain mo na ako. Bilis!"
At kumaripas naman ng takbo ung matandang hukluban.
Kung nagtataka kayo kung bakit sweet pa ako kay Sebastian, sa kabila ng sinabi ko sa kanya nung bridal shower, ikekwento ko sa inyo kung bakit.
Flashback...
Dahil nga dun sa nabasa kong comment ni Aisha, sa picture ni Sebastian, nagsisi ako sa lahat ng nasabi ko kay Sebastian.
Akala ko kasi kaya ko na siyang bitiwan na. Pero may naramdaman akong dapat hindi ko iyon ginawa dahil parang nagpatalo rin ako sa kalaban ko.
Kaya kinabukasan ay tinawagan ko siya...
"Sebastian, kumusta ka na?" tanong ko. Sana naman hindi niya maalala ung mga pinagsasabi ko nung gabing yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/38799006-288-k51507.jpg)
BINABASA MO ANG
The CEO's Secretary
Подростковая литератураA story that started in a coffee shop. At dahil sa isang simpleng plano, mabubuo ang isang complicated love story. May mabuo kayang pagmamahalan o tanging paghihiganti ang mamumuo sa kanilang storya? This is 'The CEO's Secretary'. (Formerly, It All...