(Aisha's POV)
"Nay! Alis na po ako. Punta na po ako sa coffee shop. Malalate na po ako."
Bakit kasi late na ko nagising. >.< Nakakainis. 'Di na tuloy ako nakapag-almusal. Sabagay pareho lang naman, kung mag-almusal ako. Parang di rin naman ako nakapag-almusal kasi isang piraso lang ng tinapay ang kadalasang pagkain dito samin.
"Oh, sige anak. Sapat ba ang pera mo? Pasensya na anak, kasi di ako nakapag-dilihensiya kay Aling Bebang sa mga pinalaba niya. Mag-ingat ka ha?" Labandera kasi si nanay kila aling Bebang. Nag-aalala nanaman tuloy si nanay sa pamasahe ko.
"Sakto lang nay. May panghapunan na po ba tayo mamaya? Baka makahingi ako ng paunang bayad sa boss ko." Sana nga mabigyan ako ng boss ko. Ayoko kasing gabi-gabi nalang noodles ang inuulam ng mga kapatid ko.
"Huwag mo ng alalahanin anak ang panghapunan natin. Ako na ang bahala. Umalis ka na anak at late ka na masyado."
"Sige nay!" Haay! Late na naman ako sa trabaho...
Ako nga pala si Aisha Talaez. Simpleng babaeng walang hinangad kundi ang magandang kinabukasan para sa mga kapatid ko at sa nanay ko. Wala na akong tatay, namatay siya dahil sa cancer. Wala kasi kaming pambayad para sa mga chemotheraphy. Dahil sa kumplikasyon, namahinga na si tatay. Ok na rin yun kesa nararamdaman niya ung sakit.
Nandito na ako sa loob ng jeep. Malas naman oh. Ang traffic. Anong oras kaya ako makakarating sa coffee shop. Lagot na ko nito kay boss.
Saktong 8:00 am nandito na ko sa coffee shop. 30 minutes din akong nalate kasi 7:30 am nagbubukas tong coffee shop. Pagpasok ko, si boss ang nagbabantay sa counter.
"Sorry po Boss. Grabe po kasi ang traffic. Hayaan niyo na po mag-oovertime nalang po ako. Sorry po talaga." Ok na mag-overtime kesa paalisin ka sa trabaho.
"Ano ka ba, Aisha! Hindi ka kaya late. Sakto nga pagdating mo." Huh? Paano ako sakto sa pagdating eh, 7:30 bukas nito.
"Boss 8:00 am na po. 7:30 nabukas tong coffee shop. 30 minutes din po akong late."
"Aisha! Sabado ngayon. 'pag weekends, 8:00 ang bukas ng shop. Remember? Sige maglinis ka muna dito habang wala pang customer." Ay oo nga ! Sabado pala ngayon. Hindi pala late ung alarm clock ko. Ano Ba Yan Aisha!
Naglinis na nga ako dito sa shop. All around kasi ako dito. Ok na rin un kesa nakatunganga ako naghihintay ng customer. Ilang minuto din ang nakalipas nang may mga dumating ng customer. Halos lahat sila Frappe ang inoorder. Yun kasi bestseller dito , sunod ang brewed coffee.
"Thank You Ma'am! Ise-serve ko na lang po ung order niyo." Haay salamat tapos na ung order ng iba. Ginagawa ko na ung Macchiato.
"Ma'am, eto na po order niyo. 1 Macchiato dine in." At, inabot ko na kay mam order niya. Pagkaorder ko nun, bumalik na ko sa counter at nilinis ung mga ginamit ko. Habang naglilinis, may pumasok, hinayaan ko lng un at nagpatuloy sa paglilinis.
"Excuse me, Miss?" Nagulat naman ako sa nagsalita. Lumingon ako para kunin order niya. Paglingon ko, nakanganga siya.
Pero in fairness,
Ang Gwapo niya!
BINABASA MO ANG
The CEO's Secretary
Teen FictionA story that started in a coffee shop. At dahil sa isang simpleng plano, mabubuo ang isang complicated love story. May mabuo kayang pagmamahalan o tanging paghihiganti ang mamumuo sa kanilang storya? This is 'The CEO's Secretary'. (Formerly, It All...