Chapter 12: I'm Fired!

7.6K 173 8
                                    

"Ano Aisha?!" sabi ni Sarah. Pano kasi naikwento ko kasi sa kanya ung nangyari sa date namin. Tapos nasabi ko rin na tinawag niya akong Babe.


"Wag ka ngang sumigaw! Nasa kalsada tayo, mapagkamalan ka nga dyang baliw."eto kasi eh. Sigaw ng sigaw. Akala mo nirerape.


"Kasi naman Aisha, di mo man lang sakin sinabi na ready ka na magboyfriend. Yieee. Dalaga na siya." bigla ko namang pinalo tong si Sarah. Pano kasi 1st boyfriend ko si Seb. NBSB ako eh. Inaasar tuloy ako ni Sarah. Nakakainis.


"Umayos ka nga! Nakakainis ka na!"


"Sorry Aisha! Eto naman di na mabiro! Paano ba kasi nagsimula yang tawagan niyong babe. Ang sweet niyo ha!"


"Si Seb kasi tinawag lang akong bigla ng Babe. Sa harap pa ng nanay ko. Eto namang nanay ko kung kiligin akala mo teenager."


"Wait! Sino si Seb?"


"Aw. Di ko pa ba nasasabi sa yo? Seb na lang daw itawag ko sakanya. Short for Sebastian."


"Ayieee! Ang sweet niyo talaga best!" 


"Sige na best. Eto na sakayan papunta sa coffee shop. Punta ka na sa trabaho mo. Ok na ko dito." pagpapaalam ko kay Sarah.


"Osige best. Ingat! Marami ka pang ikukwento mamaya ha. Puntahan kita sa shop mamaya. Half day lang ako mamaya sa ukay-kay eh."


"Bahala ka. Ingat ka din! Bye."


Sakto namang may jeep na pumara sa harap ko kaya sumakay nako.


"Para po!" sabi ko sa driver. Dito na kasi ako sa coffee shop.


Pagpasok ko sa coffee shop, may nagbabantay na kaagad dun sa counter. Parang hindi naman siya si boss kasi kilala ko kung si boss yun. Wala namang nabanggit si boss na maghihire sya ng bagong mga employee.


Paglingon niya....



SERYOSO?! MAGTATRABAHO SIYA DITO?!


(Sebastian's POV)

Grabe! Hindi ko nagawa ang mga gusto kong gawin sa date namin ni Aisha.


Sige na! Ako na masama. Pero nung gagawin ko na, parang may nag-udyok (a/n:Wow ha! Lalim ng word, udyok) sa akin na wag ituloy ang gagawin ko. Parang nakonsensya ako.


Una, gusto ko sanang mag-order ng napakaanghang na pagkain. Kasi alam kong di siya makakapagpili dahil ang mamahal ng pagkain. Dukha eh. 


Pangalawa, gusto ko sanang iwan siya dun mag-isa para siya magbayad ng bill. Ung para bang magwa-walkout ako. Para siya maiiwan dun. 

The CEO's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon