Aisha's POV
This is it! This is really is it! Today is the day na magiging secretary ako ni Sebastian. Magiging mahirap to sakin pero, kayang kaya!
"Aisha? Nakapag-ayos ka na ba ng gamit?" tinatawag na ko ni Sebastian.
"Nandiyan na! Wait lang." at dali-dali ng lumabas sa kwarto.
"Nay! Mag-iingat po kayo. Lagi po kayong magtext o tumawag sakin. Wag niyo pong pababayaan ang sarili niyo." bilin ko kay nanay.
"Nak, wag kang mag-alala samin. Ok na kami. Lumabas ka na at hinihintay ka na ni Sebastian." sabi ni nanay.
Mamimiss ko tong nanay kong to, pati ung mga kapatid ko.
Teka. Bakit parang ang drama ko?! Daig ko pa mag-oOFW eh.
"Sige nay. Alis na po kami."
Tumango lang si nanay at pumasok na ako sa loob ng kotse. Ilang minuto lang ay nandito na kami sa bahay nila. Hindi pala bahay, mansion! Ang ganda ng bahay nila! Paano na lang kaya pag nasa loob na.
"Good Morning, Sir!" sabi nung isang lalaki. Sabay namang tinapon ni Sebastian ung susi dun sa lalaki.
"Ikaw na bahala sa kotse."
"Yes boss." Ganon ba dito? Ipinagkakatiwala lang ang kotse? Sakin na lang sana ipinagtiwala. Hahaha.
"Halika na Aisha. Pasok na tayo."
—-
"WOW! Ang ganda naman dito sa loob ng bahay niyo. Parang mall. Ang laki laki at ang lawak lawak. " Ang ganda naman talaga dito eh. Parang nasa mall. At kada kwarto o sulok may chandelier! Anong akala nila sa chandelier, bente pesos lang? Ang ganda!
"Aisha, tutulo na ang laway mo sa kaka nganga. Andun ung kwarto mo." At may tinuro siyang kwarto. Ang laki ng kwarto ko!
"Ay hindi. Matutulog na lang ako sa kwarto ng mga katulong niyo." nakakahiya kaya.
"Hahayaan ko bang matulog dun ang girlfriend ko?" kinilig naman ako dun sa sinabi niya.
"Sabi ko nga, diba. No choice ako."
"Sige. Tataas muna ako sa kwarto at magpapahinga. Kung may kailangan ka, sabihin mo lng kila manang. Feel free in this house."
"Okay."
—-
Dahil nga sabi ni Sebastian na, Feel free, Eh nagmasid ako dito sa bahay. Tiningnan ko ung mga pictures. Nag-iisa pala talaga siyang anak. Puro lang kasi siya ang kasama ng parents niya sa mga pictures.
Pumunta naman ako sa kusina at nakita ung isa nilang katulong.
"Hello po, manang."bati ko dun sa katulong.
"Hello din, hija. Ikaw na ba ung napiling secretary ni Sebastian?"
"Opo. Eh, pwede pong magtanong?"
"Sige. Ano un?"
"Only child po ba talaga si Sebastian? Para po kasing wala siya laging kasama. Lagi lang po ung mga kaibigan niya."
"Hindi, hija. Sa katunayan dalawa silang magkapatid at bunso siya." nabigla naman ako sa sinabi ni manang. Marami pa pala talaga akong di alam kay Sebastian.
"Nasaan po ung nakatatanda niyang kapatid? Tsaka bakit siya lang ang dinadala ng mga magulang niya sa mga events ng kumpanya nila? Diba po, panganay ang kadalasang nagmamana sa ari-arian ng pamilya?" ang dami kong tanong no? Curious kasi talaga ako kay Sebastian.
"Ganto kasi yun, namatay sa isang aksidente ang kapatid ni Sebastian. Kaya, siya ang magmamana ng kumpanya."
"Sorry po. Di ko naman po alam na wala na po ung kapatid ni Sebastian."nabigla talaga ako.
"Okay lang. At alam mo ba na ang sinisisi sa pagkamatay ng kapatid niya ay si Sebastian?"
"Huh? Bakit naman po?"
"Nasa isang business trip ang magulang nila Sebastian at tanging ang yaya nila ang kasama ng magkapatid. Sabi ni Sebastian, nagyaya daw si Michael, ang kapatid ni Sebastian, na mamasyal. At gagamitin nito ang kotse ng Daddy nila. Pero tumanggi si Sebastian, dahil alam niyang minor lang si Michael dahil 16 lang siya nung panahong iyon. Pero nagmatigas si Michael, kaya napilitan din si Sebastian. Sa sobrang bilis daw ng pagpapatakbo ng sasakyan ni Michael, nakabangga sila at binaril si Michael nung nakabangga sa kanila."
"Grabe po pala ang nangyari no. Ang saklap. Pero bakit naman po si Sebastian, ang sinisisi sa pagkamatay ni Michael?"
"Si Sebastian kasi ang tinuturo ng magulang nila na nagyaya mamasyal. Kaya ang ginawang parusa ng magulang nila, ay dapat siya ang mamuno ng kumpanya sa murang edad. Ang dami ko na yatang nasabi. Sige na. Alam kong pagod ka, kaya magpahinga ka na muna. Tatawagin na lang kita kung kakain na. Ano ngang pangalan mo, hija?"
"Aisha po. Sige po papasok na po ako sa kwarto."
Tumango na lang si manang at dumiretso na ko sa kwarto ko.
Grabe pala ang nangyari sa buhay ni Sebastian. At kaya pala parang hindi siya interesado sa kumpanya...
****
(A/N: Pasensya na po sa napakabagal na update. Babawi po ako bago magpasukan! Promise! BTW, thanks for reading..)
BINABASA MO ANG
The CEO's Secretary
Teen FictionA story that started in a coffee shop. At dahil sa isang simpleng plano, mabubuo ang isang complicated love story. May mabuo kayang pagmamahalan o tanging paghihiganti ang mamumuo sa kanilang storya? This is 'The CEO's Secretary'. (Formerly, It All...