(Aisha's POV)
Nandito na ako sa sakayan ng jeep nang magtext si Van.Aisha, I think the time has come.
Anong time naman kaya ang sinasabi nito? Related kaya to sa pinag-usapan namin kanina?
To:Van
Message: Van? Anong time iyang pinagsasabi mo? Mageend of the world na ba? Hahaha.Wala pang tatlong minuto, nagreply na siya.
From: Van
Message: Sira! Tumawag ung ex ni Sebastian. I mean ex niya bago ka niya naging ex. Narinig niya na nag-uusap sila Sebastian at Sophia na they're about to meet you. Wala pa naman yatang exact date, pero you need to prepare.Seryoso? Shet. Dumating na nga talaga ang oras.
To: Van
Message: Shet! Anong plano?Kinakabahan ako! Shemay. Dapat talaga sineryoso ko ung Dating 101. Well, sineryoso ko naman pero dapat seryosong-seryoso.
From: Van
Message: Well, hintayin lang natin na magyaya sila formally. Then if ever na matuloy nga, we will pretend na we're in a relationship.Sakto namang may tumigil na jeep kaya sumakay na ako.
To: Van
Message: Bakit magpepretend pa tayo na mag-on?Hindi ko kasi alam ang reason kung bakit. Low gets na kung low gets pero, hindi ko talaga kasi magets eh.
From: Van
Message: In that way, maipapakita mo na you are a very strong person. Na kahit sinaktan ka nila, you can move on and hindi sila kawalan sa buhay mo. Though, malaking kawalan sa buhay mo si Sebastian.Napatigil ako sa sinabi ni Van. Natatakot ako. Natatakot kasi akong magpanggap. At baka sa pagpapanggap na iyon ay baka mafall ako kay Van.
Isang araw lang naman kami magpapanggap, tho.
Kaya yan Aisha!
---
(Sebastian's POV)
(This happened before magcall si Gail kay Van.)"Ang swerte naman ng Aisha na yan!" nagulat ako sa nagsalita. Hindi siya si Sophia.
"GAIL?!" anong ginagawa dito ng ex ko? I mean ex ko before Aisha?
"Babe? Sino siya?" gulat na pagtanong ni Sophia.
"Gail! B-bakit ka nandito. Akala ko nagmigrate na kayo sa States?" tanong ko kay Gail. Balita ko kasi eh nagmigrate na sila sa States. At almost 3 years narin yata sila dun.
"Actually, were here for some sort of business. May business trip sila Dad and sumama na ako. Kumusta ka na?"
"Well, I am okay. By the way, this is Sophia. Sophia meet Gail, my ex-- my friend! yes. She is my friend. Gail meet Sophia, my--" naputol ang sinasabi ko kasi biglang sumingit si Sophia. "Fiancé. I am his fiancé." sabay abot ng kamay ni Sophia para makipagshake hands.
"Napadaan lang pala ako dito. Maniniwala ka ba na magkatabi pala ang condo ni Daddy sa condo mo? What a coincidence!" Oh. Ngayon ko lang din nalaman un. Okay. Napatingin ako kay Sophia na namumula sa, inis, I think. Hahaha.
"Oh. Ngayon ko lang din nalaman un."
"And that means, I can visit you here in your unit anytime. Is that okay?"
Natatakot akong sumagot si Sophia. Hindi dahil baka sigawan nito si Gail dahil sa selos, pero dahil baka mag-english to. You know? Hahaha.
"No! it nots okay!" Boom! Dumating na ang oras na pinakahihintay ko. Hahaha. Hindi lang si Sophia ang mapapahiya kundi ako! Does Sophia still remember my pride and ego?
"Excuse me?" Mukhang hindi yata naintindihan ni Gail ang sinabi ni Sophia.
"Hehehe. You know what, let's go and eat breakfast. Hehehe." sumabat na ako dahil nahihiya din ako no!
"Babe, katatapos lang natin magbreakfast diba. Kung gutom ka pa, pwede ka na munang pumunta sa kitchen at kumain. May sasabihin lang ako sa babaeng higad na to!" Grabe! Ang amazona pala ni Sophia.
"What did you just call me?!" umuusok na ang ilong ni Gail sa sinabi ni Sophia. Ikaw ba naman matawag na babaeng higad. Hahaha
"Hindi ka naman yata bingi para hindi marinig ang sinabi ko. Balik tayo sa usapan! Kung sinasabi mong anytime pwede kang bumisita sa condo namin, pwes nagkakamali ka! Hindi ka makakapasok dito simula bukas, hangga't naandito ako sa loob. Ibig sabihin, imposible nang makita ko ang mukha mo sa loob ng unit namin, Babaeng Higad!" inawat ko naman ang dalawa at baka magpatayan pa to dito. Grabe pala magselos tong si Sophia!
"Sophia, tama na.""Hoy babaeng Larva! Kung ako higad ikaw larva! But I'll take that as a compliment. Kasi ang mga higad malapit nang maging butterfly. Ang mga larva, pinapatay! Dahil simula pa lang, naninira na siya ng buhay ng isang tao!"
"Hoy! For your information din, hindi lahat ng higad nagiging butterfly. May ebidensiya ka ba sa sinasabi mo?!"
"Yes! Don't you know the word, metamorphosis? Pero hindi na ako magtataka kung hindi mo yun alam. Ang lakas makipag-away, ang kitid naman ng utak!"
"Hoy babae---"
"TUMIGIL NA NGA KAYO! KUNG MAG-AAWAY KAYO, WAG DITO! AT KUNG MAG-UUSAP KAYO TUNGKOL SA METAMORPHOSIS NA YAN, BUMALIK KAU SA ELEMENTARY! Sophia, magprepare ka na, baka malate ka pa sa English Class mo." Sumigaw na ko dahil hindi ko na matiis ang away nila. Unang kita palang nila, nagka-gera na sila!
"Oh my God! Nagtatake ka ng English Class? Hindi nako nagtata---"
"Tigil na nga diba?!"
Ay nakooo! Hindi na ba sila titigil diyan! Mamatay na akoooo!
BINABASA MO ANG
The CEO's Secretary
Teen FictionA story that started in a coffee shop. At dahil sa isang simpleng plano, mabubuo ang isang complicated love story. May mabuo kayang pagmamahalan o tanging paghihiganti ang mamumuo sa kanilang storya? This is 'The CEO's Secretary'. (Formerly, It All...