(Sophia's POV)
"Tanga ka ba o nagtatanga-tangahan lang? Hindi mo ba alam na ang dress na nasunog mo ay mas mahal pa sa buhay mo?! Ano nalang ba ang silbi mo sa mundong ito? Kung alam lang siguro ng nanay mo na magiging ganto ka lang katanga pagtanda mo, siguro, hindi ka nalang niya ipinanganak! Pero baka pareho kayo ng ugali ng nanay mo. Siguro pamilya kayo ng mga tanga! Dap--- TANG*NA! ANO SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO?!"
Sampalin ba naman ako ng matandang huklubang hampaslupa?! Sinong di maiinis nun?!
"Kaya ko pa naman sanang tiisin ang ginagawa mo sa akin eh. Yung mga masasakit mong pananalita, yung pambabastos mo sa akin, pero ang pagsalitaan ng ganyan ang pamilya ko? Nako, iyan ang hindi ko kaya tiisin. Labas dito ang pamilya ko kaya wag na wag mo silang pagsasalitaan ng ganyan? Sabihan mo na akong tanga. Pero ang sabihan ang nanay kong tanga? P*t@ng !n@! Ikaw yata ang tanga! Tanga ka kasi hindi ka marunong pakisamahan ang kapwa mo. Tanga ka kasi hindi mo napapansin ang ginagawa sayo ng mga magulang mo kaya pati magulang ng iba pinapakialaman mo. Kung ang nanay ko tanga, ang nanay mo naman ang pinakatanga! Napakatanga niya parang magpalaki ng isang bata na kakambal ata ng demonyo. Napakatanga niya dahil hindi siya marunong magpalaki ng wasto ng isang bata! Tanungin nga kita, ano ba ang problema mo sa akin at ganyan nalang kainit ang dugo mo pagdating sa akin?"
Nasaktan ako sa sinabi niya. Biglang nangilid ang luha ko. At bigla nalang ito nagsibagsakan.
"Wala akong problema sayo! Pero sa anak mo meron!" bulyaw ko sa kanya.
"Alam mo? Alam ko na kung sino talaga ang tanga. Ikaw yun. Ang tanga mo dahil gumagamit ka ng ibang tao na pagbubuntungan mo ng galit. At napakaduwag mo rin. Dahil hindi mo kayang harapin ang anak ko. Ano ba talagang ginawa ng anak ko sayo at ganyan ka nalang kagalit sa kanya, ha?"
"Yung anak mo lang naman ay pilit inaagaw si Sebastian. Hindi ba niya maintindihan na ikakasal na ako sa ex niya?"
"Sabihin natin na pilit inaagaw ni Aisha si Sir Sebastian, pero naagaw ba niya? Diba hindi?! Ilang araw na nga lang eh ikakasal na kayo. Sophia, hindi ang anak ko ang pinroproblema mo. Kundi ang galit diyan sa puso mo. Alisin mo na iyang galit na iyan diyan sa puso mo. Walang magandang maidudulot ang galit na iyan. Sigurado akong pag naalis na iyang galit na iyan, lahat tayo magiging masaya. Wala kang matatapakan na tao. Ngayon bang unti-unti ka nang naghihiganti, nagiging masaya ka ba? Sigurado akong hindi diba? Masaya ka bang nakikita ang sarili mo na naghahabol? Ang sarili mo na gumagawa ng masasamang bagay? Ang sarili mo na gagawin ang lahat para lang makuha ang sarili monh gusto? Sophia, alam kong mabait ka. Ina ako at alam ko kung mabait o hindi ang isang bata. Napakaganda mo at 'wag na 'wag mong gagamitin ang kagandahan mo upang makapaghiganti—makapanlamang ng kapwa."
Sunud-sunod na nagsibagsakan ang mga luha ko. Literal akong umiiyak ng ilog. Parang bigla na lang may kumirot sa puso ko. Para bang nagsasabing, tama na. At ngayon, parang naghahanap ako ng kalinga ng isang ina. At mukhang nahanap ko ito sa ina ni Aisha.
"Bakit mo ba sinasabi sa akin ang lahat ng ito?"
Lumapit siya sa kin at hinagod ang kanyang kamay sa likod ko.
"Sinasabi ko ito sa'yo dahil alam kong ito ang tama. Alam kong ito ang hinahanap ng puso mo, at ng sarili mo. Kaya Sophia, tama na. Pagod na ang puso mong kimkimin ang galit na nakabaon dito. Panahon na para sumaya ka. Panahon na para humingi ng tawad sa mga nasaktan mo."
Hindi ko alam pero bigla nalang nagkaroon ng sariling buhay ang katawan ko at niyakap ko siya. Lalo akong naiyak dahil matagal na bago ako nakaramdam ng ganito— ang mayakap ng isang ina.
Kumalas ako sa pagkakayap sa kanya at may isa pa akong nakalimutan sabihin sa kanya.
"Sisimulan ko na po sainyo ang paghingi ng tawad. Pero gusto ko lang pong malaman kung ano po ang... pangalan niyo?"
BINABASA MO ANG
The CEO's Secretary
Ficção AdolescenteA story that started in a coffee shop. At dahil sa isang simpleng plano, mabubuo ang isang complicated love story. May mabuo kayang pagmamahalan o tanging paghihiganti ang mamumuo sa kanilang storya? This is 'The CEO's Secretary'. (Formerly, It All...