"Ba't ang saya mo yata Aisha?" tanong ni Sarah. Napansin niya yatang lumabas akong nakangiti sa office ni sir.
"Wala lang. Bakit bawal maging masaya?" mataray kong sagot kay Sarah. Akala niya tapos na kami? HA.HA.HA. Hindi pa. Sinimulan niya, tatapusin ko. >=)
"Ang taray naman. Uy. Sorry na best. Sorry kung naibigay ko ung number mo dun kay Mr. Hottie. Pasensya na. Para naman sa kapakanan mo to eh." Anong kapakanan sinasabi nito? Kung makapagsalita to akala mo nanay ko. Ang lakas maka-kapakanan.
"Kung kapakanan ko ang iniisip mo, dapat di mo ibinibigay ang number ko sa iba. Para naman kasing binubugaw mo ko nito sa prostitute."
"Sorry na nga best. Ganto na lang. Libre kita sa mall. Pasyal pasyal naman tayo. Tsaka di ba, half day ka lang ngayon? Sige na! Para makabawi ako." Libre ba kamo? O sige, basta libre. Tawagin niyo na kong kaladkarin, poor lang kami. Ang libre sa'min parang tour na around the world. Ganon kaimportante samin ang libre.
"Ano? Libre? Sige ba! Magpapaalam muna ako kay nanay." at tinext ko na si mama na baka gabihin ako ng uwi. Baka mag-alala kasi yun. Ganyan ako kabait na bata.
"Ano, nakapagpaalam ka na? Kung oo na, halika na!"
*Mall
"Oh ano na Aisha? Kwento kwento na." sabi ni Sarah. Eto kami naglalakad-lakad sa isang department store.
"Ano namang ikukwento ko?"tanong ko kay Sarah. Ano naman kasing ikukwento ko?
"Kung bakit ang saya mo kanina."
"Ah. Kasi bukas may event sa Perez Group of Companies. Anniversary yata. Tapos, ung coffee shop ang napiling caterer. Tapos binigyan pa ko ni boss ng paunang bayad, 8 000 pesos!" Nanlaki naman mata ni Sarah sa sinabi ko. Di ko rin siya masisi kasi ganyan din reaksiyon ko nung sinabi iyan ni Boss.
"Ano bang sabi mo? Perez Group of Companies? ung PGC? ung pinakamalaking kumpanya sa buong Pilipinas? Tapos ilan binigay sayo? 8 000 pesos? Walong libong piso?" Hahaha. Halatang gulat na gulat si Sarah.
"Oo Sarah! Ung PGC. Ung pinakamalaking kumpanya sa buong Pilipinas. Tsaka oo Sarah! 8 000 pesos. Walong libong piso!" masaya kong sabi sa kanya.
"Grabe Aisha! Ikaw na maswerte! Ikaw na talaga! Biro mo, isang simpleng Aisha Talaez, makakapasok sa pinakamalaking kumpanya sa Pilipinas. Tapos binigyan ka pa ng boss mo ng 8,000 pesos. Grabe ka talaga Aisha! Ikaw na!" gulat na sabi ni Sarah.
"Hahahaha. Dapat kasi magsipag ka lang. Gaya nga ng sabi nila, Pag may tiyaga may nilaga."
"Mali ka naman best! Pag may tiyaga, may 8000 pesos!"
Kornii ni Sarah! >.<
"Haay nako Sarah! Halika na nga nagiging corny ka na!" sabi ko kay Sarah. Totoo naman eh.
"Yes Ma'am! Uhm. Kain muna tayo. Saan mo gusto?"
"Kahit saan. Ikaw na pumili, ikaw manlilibre eh."
"Eh Aisha, diba may 8,000 ka?" Nako! Alam ko na yan mga ganyan ganyan ni Sarah.
"Eh Sarah, diba ikaw manlilibre?" sabi ko sa kanya habang ginagaya ung way niya ng pagsabi niya nun.
"Sige na nga!"
"Good girl Sarah! Yan ang gusto ko sayo!"
"Lagi namang libre ang gusto mo sakin eh! Pasalamat ka bestfriend kita!"
BINABASA MO ANG
The CEO's Secretary
Подростковая литератураA story that started in a coffee shop. At dahil sa isang simpleng plano, mabubuo ang isang complicated love story. May mabuo kayang pagmamahalan o tanging paghihiganti ang mamumuo sa kanilang storya? This is 'The CEO's Secretary'. (Formerly, It All...