(Aisha's POV)
Grabe pinagkakaguluhan na ng mga media ung susunod na CEO.
I wonder kung sino siya. Napakailap kasi nila sa mga media kapag ipapakita ung anak ng mga may-ari. Ngayon lang yata makikita sa buong Pilipinas o baka sa buong mundo (malay niyo, sikat din sila sa ibang bansa. ang dami kaya nilang business) ang mukha niya.
"Boss, grabe no! Ang swerte swerte ng mga Perez. Ang yaman-yaman. Tapos kilalang-kilala sa buong mundo.!" sabi ko kay boss. Grabe kasi talaga ang pagkamangha ko sa pamilyan nila.
"Hindi rin, Aisha. Wala na silang privacy. Kasi lahat ng mga tao nakatutok sa mga gagawin nila, mga transactions nila sa ibang kumpanya, pati nga mga personal events na dapat private nagiging people's event na." sabagay tama din si boss. Daig pa nila mga artista. Siguro kapag namamasyal sila pinagkakaguluhan sila.
"Okay ladies and gentlemen. At this juncture, we will call Mr. Anthony Perez to give us some welcome message." ayan na. Tinawag na ung CEO ng PGC.
"Good day everyone! Welcome to our 25th Anniversary! First, I would like to thank all our business partners for giving us their trust in transacting at our company. Second, I would like to thank my wife, Ms. Lea Perez for her undying support to me in leading our company. And most of all, the Lord God above for the blessings and letting us reach our 25th year. Ngayon, I think you are all wondering kung ipapakilala ko na ba ngayon ang aming unico hijo. Well, me and my wife thinks that this is the right time for him to be the CEO of our beloved company. Magreresign na po ako as CEO and I entrust my only son, and the only heir of PGC, Mr. Sebastian Perez, to be the next CEO of Perez Group of Companies!" at eto nga pinakilala na ni Mr. Anthony Perez ung anak niya.
Ano kaya mukha niya? Gwapo ba siya? Eh mukhang gwapo kasi ang ganda ng pangalan niya. Masungit kaya siya? O mabait? Siguro suplado, mayaman eh.
At ito na, makikilala na ng buong Pilipinas si Mr. Sebastian Perez!
Nung nakita ko siya, napanganga ako. Siya ung....
siya ung...
Sinungitan ko sa Coffee Shop!
![](https://img.wattpad.com/cover/38799006-288-k51507.jpg)
BINABASA MO ANG
The CEO's Secretary
Teen FictionA story that started in a coffee shop. At dahil sa isang simpleng plano, mabubuo ang isang complicated love story. May mabuo kayang pagmamahalan o tanging paghihiganti ang mamumuo sa kanilang storya? This is 'The CEO's Secretary'. (Formerly, It All...