Chapter 14: The Plan

7.2K 147 0
                                    

"Nay! Ano naman ang naisipan niyo at pumayag kayo sa plano ng Sebastian na yan, ha?" sabi ko kay nanay. Bakit naman kasi siya papayag ng pabigla-bigla sa isang walang kwentang plano.


Imbis na ako ang sagutin ni Nanay, si Sebastian ang tinawag niya. "Sir Sebastian, umuwi ka na muna. Magpahinga ka. Kakausapin ko lang tong anak ko. Mag-ingat ka ha."


Lumabas naman si Sebastian sa bahay at nagpaalam na. H


Hindi ko na kaya ito! Kailangan kong malaman kung ano, sino, at bakit may kailangang gumawa ng planong to!


"Nay! Sagutin mo ako! S-sagutin mo a-ako! S-sino may p-pakana nito ha? Sino?!" naiiyak na ko sa mga sinasabi ko. Hindi ko akalaing masisigawan ko ang nanay ko ng ganto.


"Anak! Tumahan ka na muna. Hayaan mo kong magpaliwanag. Pano ko bato sisimulan... Sabihin na nating ako sa may pakana ng mga nangyayari. Ako ang nag-isip ng planong ito. Pero sana maintindihan mo dahil para ito sa kapakanan mo.Alam kong maganda ang takbo sa coffee shop, pero hindi yun sapat para sa pag-aaral mo. Ayaw kong hindi ka nanaman makakapasok sa paaralan ngayong pasukan. Bukod sa pagiging secretary ni Sebastian, bibigyan ka din nila ng scholarship sa paaralang pinapasukan niya.Kungnasasaktan ka ng sobra, sorry. Mapataawd mo sana ako, anak. Andito lang ako sa tabi mo." sabi ni nanay.


Hindi ko parin maabsorb ang sinabi ni nanay. Kahit alam kong maganda ang intensyon niya, hindi nila pwedeng gawin iyon sa gantong paraan.


"Naiintindihan naman kita nay. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit sa gantong paraan niyo ito gagawin. At saka nay, sana sinabi niyo parin sakin. Para hindi ako nasasaktan ng ganto." sabi ko.


"Pasensya na, anak. Kung hindi mo pa talaga kayang tanggapin ang nangyayari, ok lang. Basta kung may kailangan ka, andito lang ako."


Sorry nay, pero hindi kopa talaga kayang tanggapin ang mga nangyayari.


(Sebastian's POV)

Mukhang nabigla si Aisha sa mga nangyayari. Pero sana, maintindihan niya. Kahit ako ay nabigla din sa plano ng nanay niya. Pero, di rin nagtagal ay naintindihan ko rin ito. This plan is for her sake. I know that it will take her time to understand but, time will come that she will understand this. Aisha is a good girl.


Sinusubukan ko siyang tawagan pero hindi niya sinasagot. Siguro hindi pa talaga niya maunawaan ang mga nangyayari.


Tinawagan ko yung kaibigan ko, para yayain uminom. Kailangan ko na din makalimot sa ngayon.


"Hello, bro? This is Sebastian."

"Yes, bro? May problema ba?"

"Free ka ba ngayon?"

"Yes. Why?"

"Inom tayo, oh. Sa dating tagpuan."

"Okay bro. Papunta nako."

"Okay. See you!"


*Bar

"Kumusta na bro?"

"Okay lang. Ikaw? Balita ko prinomote ka na as the CEO of PGC. Yun ba ang problema?"

"Hindi. Drew? Pwede ka bang tanungin?"


"Ok lang. Nagtatanong ka na." sira talaga tong lokong to!

"Anong gagawin mo kung may nasaktan kang babae—" tingnan mo to. Hindi pa nga ako tpos magtanong, sasagot na agad.


"Siyempre, bro humingi ka ng sorry. Yun lang! Yun lang pala problema mo, dumayo pa tayo dito. Nagtexan na lang sana tayo!"


"Hindi pa tapos tanong ko! Anong gagawin mo kung may nasaktan kang babae, na hindi mo naman kasalanan?"


"Huh? Paano mo naman masasaktan ung babae kung hindi mo naman kasalanan. Lasing ka na yata eh."


"Hindi pa ako lasing! Nasaktan ko siya because of a certain kind of plan."


"Edi ung plan ung ipagsorry mo! Kasalanan pala nung plan na un, tapos ikaw magsosorry?" naglolokohan na yata kami dito eh. >.<


"Seryoso nga kasi! Batukan kita dyan eh!"


"Joke lang! Kalma ka lang. Hindi ko kasi masyado nagegets ung pinopoint out mo eh. Pero, kung tama man ung iniisip ko, eh iexplain mo sa kanya kung bakit nagkaroon ng ganung plan. Tapos bumawi ka sa kanya. Sa tingin ko naman mapapatawad ka nun." sabi niya. Well, nagegets ko point niya. Ang galing talaga nito mag-advice!


"Thanks bro! Thanks sa advice. I hope effective ung advice mo para mapatawa—-"


Napatigil ako sa pagsasalita dahil nagulat ako nang bigla na lang siyang nawala sa harap ko. At nakita ko naman siya habang nakikisayaw sa mga babae. Grabe talaga to. Parang walang girlfriend kung makipaglandian.


Pero, bakit ang isang babaerong katulad niya sineseryoso. Eh akong matino, binabalewala! End Of the World na nga talaga.! >.<

The CEO's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon