Chapter 27: Surprises

4.7K 106 0
                                    

(Aisha's POV)

"MAMA?!" gulat na gulat kong sabi. 

Nabigla ako kung bakit naandito sila. Matagal din bago ko sila nakasama ulit.

"Bakit? Ayaw mo bang nandito kami?"

"MAMA!!!!!" sabi ko sabay takbo at yakap sa kanila. Kasama nila mama ung dalawa kong kapatid.

"Hep hep hep. Aisha, mamaya na yan. Remember, prize yan. You can never get them unless you'll work hard for them."  

Ano ba naman siya... Matagal ko nang miss sila mama. Pero sige, I'll work hard for them. Sisiw lang 'to no.

"Okay."

"We'll start na!" 

At umupo na ko sa harap nung table at ginawa na ang dapat gawin.

--

After 123983421786 years, natapos ko!! Yesssss! 

Pagkatapos nung nakakastress na practical quiz, eh kumain na kami ng lunch. Hindi ko naman naiwasan ang pagkwento sa kanila. Open ako sa nanay ko eversince. 

Pati ung nangyari sa silver wed anniversary ay naikwento ko...

"Ate! Asan na ung Sebastian na yun?! Resbakan natin, oh." sabi nung kapatid ko sabay kuyom ng kamay niya at nag-aaktong manununtok.

"Hoy. Tumigil ka nga diyan Marvin! Si Toto nga hindi mo nakaya ung Sebastian Perez pa kaya ng ate mo na napakalaki ng katawan!"

"Kaya ko un! Kayang-kaya. Gaano ba kalaki ang katawan nun?!" aba. Ang tapang nito ah.

"Marvin! Nakikita mo si Kuya Van mo?! Ganon kalaki ang katawan nun."

"Ah. Ganun ba kalaki? Edi kaming dalawa ni Kuya Van ang kakalaban dun!" sabi niya sabay apir kay Van.

"Hoy Marvin! Ayaw kong nakikpag-away ka ha. Pag ikaw nakipag-away, nako..."

 "Ano nay?"

 "Pag ikaw nakipag-away, edi .... NAKIPAG-AWAY KA!"

Tawa kami ng tawa sa sinabi ni mama. Kailan pa siya natuto nang ganon?!

Pagkatapos kumain ay inexplain ni Van kung ano ang Dating 101. At laking gulat ko nang hindi pa pala tapos tong training ko! Meron pa daw training kung paano magdamit nang maayos.

Kaya pala niya pinapunta dito sila mama para daw mainspire daw ako at hindi ma-bore sa Dating 101.

-----

"Sir Van, aalis na po kami. Gabi na po."

"No need Mrs. Talaez. Dito na po kayo sa condo matulog."

"Wag na po. Nakakahiya naman."

"I insist!"

"Sige na nay. Papayag ba kayong matulog ako sa bahay ng isang lalaki?"

"Sige na nga. Salamat po."

"No problem Mrs. Talaez. Doon nalang po kayo sa isang kwarto. Malaki naman po ang kama dun and kasya naman po kayong lahat dun."

"Thank you po Sir Van."

Pumasok na kami sa kwarto na tinuro ni Van at nag-ayos ng gamit na dala nila mama.

"Ma, paano pala kayo nakapunta dito? Alam niyo ba ang daan dito?" nacurious kasi ako kung paano nakapunta sila mama dito.

"May naghatid saamin papunta dito. Driver yata ni Sir Van."

The CEO's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon