Chapter 17: Business Trip

5.8K 111 3
                                    

(Aisha's POV)

Matapos marinig ang kwento ni Sebastian, mas naintindihan ko kung bakit ganun siya ka-suplado at parang di niya sineseryoso ang pagpapatakbo sa kumpanya. Hindi naman kasi siya ang dapat pumalit sa tatay nila, ung kapatid niya.


Pero higit sa lahat, di dapat ako nakikialam sa buhay ng may buhay. Ang dapat kong pinagtutuunan ng pansin ay ang aking plano, at ang aking trabaho!


"Aisha? Andyan ka ba? Pakidalhan naman si Sir Sebastian ng kape."utos ni manang.


"O sige po, manang. Ako na po bahala."


Pumunta na ako sa kusina para ikuha ng kape si Sebastian, at dumiretso ako sa room niya. Kakatok na sana ako nang...


"Yes sir. Makakapunta po kami sa business trip." nabigla ako sa sinabi ni Sebastian. Kami? So, may kasama siya sa kwarto?


"I'll bring my secretary with me." ANO?! Isasama ako sa isang business trip na hindi man lang ako sinabihan?!


Pagrinig ko ng pagbaba ng phone ni Sebastian, pumasok na ko.


"Sir, ung coffee niyo po." sabay abot ng kape sa kanya.


"Oh, there you are. Since andito ka na, sasabihin ko sayo na sasama ka sa business trip ng kumpanya bukas. 3 araw lang naman ito at di naman tayo tatagal."


"Eh, sir. Kailangan po bang kasama secretary sa mga business trip?" parang napaka-obvious naman ng tanong ko.


"Aisha, alam mo ba na ang trabaho mo ay secretary ko?"


"Yes sir."


"Alam mo rin ba kung ano ang ginagawa ng isang secretary?"


"Yes sir."


"Then, you know the answer to your question. You may leave."


Natanga naman ako sa sinabi ni Sebastian. Sabi ko na eh! Dapat di ko na tinanong eh!


Paglabas ko ng kwarto, dumiretso na ako sa kwarto ko. Iniisip kung ano ang mga dadalhin bukas at kung saan kami matutulog, at kung sa iisang kwarto ba kami matutulog, at kung saan ba ung trip na yun!


Siguro sa Korea! Kailangan ko ng maraming jacket baka winter. Pwede rin sa Japan! Magdadala ako ng bag para maka-uwi ako ng mga cherry blossoms. Maganda din sa California. Baka pumunta kami sa logo nung HOLLYWOOD.


Andami kong tanong no? Ang tanga ko din kasi eh, bat di ko pa kasi tinanong kay Sebastian?!


Tomorrow will be our first night alone, or first night TOGETHER?

****

(Sebastian's POV)

Hello! Matagal-tagal din bago ako nagkaroon ulit ng POV. Sisihin niyo author! May bias!


By the way, ngayon ang business trip namin sa Cebu. Yes, sa Cebu lang naman business trip namin and I wonder kung anong oras natulog si Aisha, kakaiisip kung saan ang business trip namin.


"Manang? Manang paki-gising naman po si Aisha. Paki sabi po na maaga po kaming aalis."utos ko kay manang.


"Okay po sir."


After ilang minutes, lumabas na rin si Aisha.


"Aisha, sumabay ka na sakin dito. Maaga pa tayo, remember?" niyaya ko siya na sumabay na sa akin sa pagkain ko ng breakfast.


"Yes Sir. Uhm. Tanong ko lang po, saan po ba ung business trip natin? Nakapagprepare na po ako ng jackets kung sakaling winter pa dun. May malalaki rin po akong reusable bags diyan, kasi baka pwede akong kumuha ng cherry blossoms kung sa Japan man. Fully charged narin po camera ko, kung sa logo ng Hollywood tayo pupunta. Sir, san po ba?"


Natawa ako sa sinabi ni Aisha. Sabi na eh, kung anu-ano nanaman iisipin nun.


"Hahahaha! Tange! Sa Cebu lang tayo! Hahaha!"


"Ano sir? Cebu? You mean, Cebu, Philippines?"


"Oo! Kung anu-ano kasi iniisip mo! Hahaha! Sige na kumain ka na!"


Hahaha! Nakakatawa talaga tong si Aisha! Hahaha!

****

(Aisha's POV)

All this time, sa Cebu lang pala ang bagsak namin, no, bagsak ko! Bat di kasi siya agad nagsabi! sayang naman ung mga nilabhan ko pa kagabi na mga jackets. Tapos naghalungkat pa ko ng mga reusable bags dito! Napuyat pa ko kakahintay kung full charged na ung camera! The F?!


Dahil no choice naman ako kundi sumama, nagprepare parin ako sa lecheng business trip na to!


"Aisha! Magpatulong ka na sa driver na ilagay ung mga gamit sa kotse."


"Yes sir!"


Ilang minuto din ang nakalipas ng lumabas na si sir sa bahay, at sumakay na sa kotse.


Habang nasa kotse, walang nagsasalita. Tanging ingay lang mula sa mga kotse dito sa kalsada ang maririnig. Hanggang sa nakarating na kami sa airport.


Pumunta na kami sa departure area, at naghintay na tawagin ang flight namin.


Pagtawag, sumakay na kami sa eroplano, at nagsimula na kong nerbyosin. Ito ang first time kong sumakay sa eroplano, plus may fear of heights pa ko! Mabuti sana kong kaclose ko tong kasama ko at yayakap-yakapin ko.


Lord, sana successful tong trip na to. Sana kung ano po ako nang umalis ng Manila, ganon pa rin po pag-uwi ko. Walang kulang, walang sobra!





The CEO's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon