(Aisha's POV)
Passengers of Flight 1015, Please proceed to the waiting area.
I repeat , Passengers of Flight 1015, Please proceed to the waiting area .
"Are you ready Aisha? Sure ka na ba sa desisyon mo?" tanong sa akin ni Van.
"Yes Van. And nothing can stop me from doing this." sagot ko kay Van.
Siguro nagtataka kayo kung bakit nasa airport kami ni Van. So kung natatandaan niyo ung nangyari nung isang gabi, eh, ito ang kinahinatnan nun.
So sige, Flashback tayo.
Flashback...
"Come with me, Aisha."
Huh? Come with him? Saan? Bakit? at Kailan?
"B-bakit Van? Saan tayo pupunta?"
"Sa lugar na tayo lang ang magkakilala. Sa lugar na malayo tayo sa taong umaapak sa pagkatao mo. Sa mga taong umaapi sayo."
Napaisip ako ng konti sa sinabi ni Sebastian. Kailangan ko ba talagang lumayo? At bakit niya kailangang gawin to.?
"B-bakit kailangan mo tong gawin Van?"
"Hindi pa ba obvious Aisha? I'm in love with you. Mahal kita Aisha. I know na sa simula eh pagpapanggap lang to pero wala eh, nainlove ako sa yo."
In love sa akin si Van Perez?!
"I'm sorry Van, pero can you please give me time to think. Masyadong marami ang iniisip ko ngayon. Hindi kaya ng utak ko na iabsorb lahat ng nangyayari ngayon."
"It's okay Aisha. I'll give you time."
At yun nga ang nangyari. Hanggang kinabukasan ay nakapagdesisyon na ako. I'll come with Van.
End of flashback...
"Ano, Aisha, halika na." sabi sa akin ni Van.
During the whole flight, I was staring at the window. I'll miss my family, my bestfriend and everything in the Philippines.
Hindi ko alam kung hanggang kelan ako sa States, pero I know I can do it.
***
Pumunta kami sa isang apartment dito sa States. Dito daw nagsstay si Van whenever may business trip siya sa States. Medyo maliit itong apartment kung tutuusin kesa sa condo niya sa Philippines pero okay na rin.
"Ano Aisha,okay ka lang?" tanong sa akin ni Van.
"I'm okay Van. Don't worry."
Umupo ako sa couch at unti-unting nakatulog...
****
(Sebastian's POV)
Nabalitaan ko nalang na lumipad pala sa papuntang States si Aisha kasama si Van. Ano kayang gagawin nila dun?
"Nasa States pala si Aisha, no? Napag-isip isip na rin yata niya na hindi ka niya kayang agawin mula sa akin. Hahaha. Sana, bumagsak na rin diretso ung eroplano." sabi ni Sophia. Ang sama talaga ng loob nito kay Aisha.
"Will you please shut up?! Umalis na nga yung tao, kung anu-ano pa ang sinasabi mo diyan."
"Whatever!" sabi ni Sophia. Pano, iyan lang ang alam na english word.
Kung nasaan man si Aisha, sana safe siya at sana alagaan siyang mabuti ni Van. Kung hindi, nakooo. Baka kung ano na lang magawa ko sa pinsan ko.
***
(Aisha's POV)
"Aisha, wake up. Kumain ka muna. Sa sobrang haba ng tulog mo, for sure gutom ka." sabi ni Van. Bumangon na ako at dumiretso sa dining area.
"Van? Anong niluto mo?" tanong ko kay Van na nagpeprepare nung kakainin ko.
"Adobo. Buti nga at may pagkain dito. Umalis ako dito, walang laman ang fridge." Hay. Salamat. I'm really craving for Filipino food na kahit ilang hours palang ako dito.
"Thanks Van."
"Aisha, please be at home okay?"
"Yes. Thanks. But I miss my family, my friend." I really miss them...
"I know Aisha. Pero sa simula lang iyan. Bukas ipapasyal kita dito sa States and I'll make sure you'll not get bored."
"Thanks Van. By the way, may alam ka bang trabaho dito, kahit part time lang?" tanong ko.
"Bakit Aisha? Kailangan mo ng extra income? You don't have to worry about our daily expenses."
"Wala lang. Gusto ko lang ng pagkakaabalahan." But honestly, I really have a plan.
"Meron sana. Sa isang maliit na coffee shop. Ok lang ba yun sayo?" Coffee server? A piece of cake!
"Of course! Thanks Van."
Balak kong puntahan ung coffee shop mamaya para makita ko kung ano ung itsura. I'm so excited!
****
A/N: I am really really really sorry dahil sobraaaaaaaaaaaaang bagaaaaal kong mag-update. Madami lang talaga kasing ginagawa eh. Pero, flattered ako sa mga votes na binibigay niyo sa akin at thanks dahil ung iba ay nag-cocomment na rin.
BINABASA MO ANG
The CEO's Secretary
Teen FictionA story that started in a coffee shop. At dahil sa isang simpleng plano, mabubuo ang isang complicated love story. May mabuo kayang pagmamahalan o tanging paghihiganti ang mamumuo sa kanilang storya? This is 'The CEO's Secretary'. (Formerly, It All...