Chapter 23: The Night

5.8K 116 2
                                    

(Aisha's POV)

Hanggang ngayon, pala-isipan parin saming dalawa ni Sarah kung sino si Mysterious Guy.

Pupunta kaya sa occasion?

Makita kaya niya ako?

Makilala niya ba ako dahil suot ko ung bigay niya?

Paano niya ba ako nakilala?

Paano kung lapitan niya ako?


Anong oras na?! Late na yata ako sa pupuntahan ko. Eto kasi si Sarah ang tagal-tagal sa CR. Pero hindi siya sasama sa party. Hindi naman siya invited. Magiging gate crasher lang siya dun. Tinawag yata siya ng kalikasan kaya ganon. 

"Sarah! Ano ba?! Di ka pa ba diyan lalabas? Sabi kasi sayo sa bahay niyo na lang ikaw maglet go!" dito kasi sa bahay nag-cr si Sarah. Napadami kain kanina. 

"Eto na lalabas na. Ang excited mo naman kasi. Mamaya pang 7:00 ng gabi pa ung event, eh 5:00 pa lang ng hapon!"

"Baka traffic! Tsaka mag-aayos ako. Sayang naman ung isusuot kong damit na bigay ni Mysterious Guy. Sarah? Flinush mo ba ung toilet? Ang baho! Kadiri!" parang hindi kasi nagflush tong si Sarah. Kadiri!

"Nag-flush kaya ako! Tsaka kelan ka pa naka-amoy ng t*e na mabango! Wag kang maarte! Pumasok ka na. Aayusin ko ung isusuot mo." sabi ni Sarah. Pumasok na ko sa cr para maligo dahil baka nga traffic. Ayoko maging late.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis muna akong pambahay at inayusan ni Sarah. Biro mo may dala pala tong mga make-up pagpunta dito?! 

"Sarah, masyado na yatang kurba itong pilikmata ko. Daig pa kuba eh. Ang itim itim pa." kasi naman parang baliktad na letter "C" itong pilikmata ko dahil sa kung anu-anong nilagay ni Sarah.

"Aisha, that's what you call, FASHION!"

"Fashion mo mukha mo! Bawas bawas mo naman ung lipstick. Pulang-pula eh. Putok na putok!" 

"Hayaan mo na ako. Ngayon na lang ulit ako nakapag-ayos ng mukha."

Pagkatapos eh, wala akong nagawa. Siya na naglagay ng kung anu-ano sa mukha ko.

"Aisha, this is it. Isusuot mo na ung gown! Bagay na bagay yan sayo!"

Eto na nga! Isusuot ko na ung gown!

Pagsuot ko, 

Kasyang-kasya.


Bagay na bagay.


Bagay sa make-up.


Bagay sa katawan.



Ang problema,





Wala pa pala akong sapatos! Sandals lang dala ko at walang dalang sapatos si Sarah. Ang pangit naman kung magsasandals lang ako.

"Aisha, dito ka lang bibili ako ng sapatos. Malapit lang naman bilihan ng sapatos dito no? Kahit sa tiangge lang, okay na un! Wala pang 10 minutes andito nako. Wag kang aalis!" tumango nalang ako bilang pagsang-ayon. Okay na kasi eh. Epal naman kasi tong si sapatos.

20 minutes na ang nakalipas at wala pa si Sarah. 30 minutes na lang din ay magse-seven na ng gabi.

Ilang minuto ang nakalipas nang dumating si Sarah. Traffic daw kaya siya nalate. Duda pa naman ako sa sapatos na to kasi mumurahin lang. Ang taas pa man din ng heels.

The CEO's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon