Chapter 6: PGC's Anniversary

10K 219 0
                                    

(Sebastian's POV)

"Sir! Sir.. Gising na po. Pinapabangon na po kayo ni Sir Anthony at ni Ma'am Lea." sabi ng katulong namin. Ba't ba ang aga-aga nagpagising tong tatay ko?


"Sige manang! Susunod na ako." dumiretso ako sa CR para maghilamos at di na nagbihis dahil wala naman akong appointment ngayon.


Bumaba na ko dahil baka kanina pa ako hinhintay nila Mom and Dad. Pagbaba ko, naka formal silang damit at nagtatakang tinanong kung bakit nakabihis sila.


"Mom, Dad? Bakit po kayo naka formal attire?"


"Son, nakalimutan mo ba? Today is the anniversary of our company. Why aren't you dressed up yet? Naprepare mo na ba susuotin mo?" Sabi ni Mom.


"Uhm. Mom, Dad. Actually, wala pa po akong damit na susuotin. I really forgot the event today. Pwede pong di na ako sumama?" sabi ko sa kanila. Totoo naman eh. Wala talaga akong idea sa event today. Kaya pala ang aga nilang nagising. I'm not really interested in the company. Mismong anniversary nga di ko alam. 


"Sebastian, you should come. Don't worry about your clothes. Nagpabili na ako kahapon. And I think you would like it. Maupo ka na dito and take your breakfast. And since di ka pa nakakapagprepare, sumunod ka na lang samin ng mommy mo and magpahatid ka na lang kay manong." sabi ni Dad. Anong itsura naman kaya nung pinabili niyang damit? Baka magmukha lang akong matanda. Napaka old-fashioned kaya ni Dad.


"Okay Dad."


(Aisha's POV)

Andito na agad ako sa shop para iprepare ung mga food para mamaya. Mamaya na kasi ung anniversary ng PGC. Grabe, engrande pala talaga yata ung event. Andaming variety ng food. 


"Aisha, ok na ba ung menu?" tanong ni Boss.

"Yes Boss. Okay na okay na po." sagot ko sa kanya with matching thumbs up pa.

"Eh ung maghahatid satin sa venue? Andyan na ba?"

"Okay na po! Kanina pa nga po naghihintay eh."

"Edi, halika na! isarado mo ng mabuti ang shop ha. Mahirap na baka pasukin tayo."

"Okay na po! Locked na po."


*Venue

Wow ang ganda nitong venue! Ang laki laki tapos ang ganda ng pagkaka-arrange ng chairs, nung stage. Basta lahat ang ganda. May mga media din dito. Siguro inaabangan nila ung mga may-ari ng PGC. Andami na rin tao dito. Mga high-class person. Ang gara ng damit nila.


"Aisha, halika na. Tulungan mo na kami mag-ayos nito. Malapit na daw ng CEO ng kumpanya. Mabuti nang nakapag-ayos na tayo." tawag sakin ni Boss.


"Oh sige po Boss."


Inayos na namin un table at nilagay na ung mga pagkain dun. Siguro buffet style na lang mangyayari sa kainan mamaya.


Ilang minuto din ang nakalipas nang dumating na ung CEO. Napuno naman ng mga nagfaflash na ilaw sa buong venue. Nagtatake na kasi ng picture ung mga reporter. Tapos nagsalita na ung host ng event. 


"Let's welcome, the Chief Executive Officer of the Perez Group of Companies, Mr. Anthony Perez!  With his beautiful wife, Ms. Lea Perez! Let's welcome them with a round of applause." sabi nung host.


Nagpalakpakan naman ung mga tao. Grabe sikat na sikat talaga sila. Nakikita ko lang sila sa mga magazine. At naalala ko na hanggang ngayon, kabilang pa rin sila sa 100 Most Influential Person in the Philippines.


Pero, nagtataka ako kung bakit parang di nila kasama ung anak nila. 


Siguro, may grand entrance lang siya.


Pumunta na ako dun kila boss. Baka kasi kailangan ako. Habang nag-aayos ako ng mga pagkain dun sa long table, biglang nagkagulo na naman. Nagsimula na naman ung media magtake ng pictures. Nagkakagulo dun sa may entrance. Hinayaan ko lang ito at nagpatuloy na sa mga gagawin. 


"Aisha, pwedeng pumunta ka muna dun sa likod, tapos kunin mo na ung iba pa nating kailangan dito." utos sa kin ni boss.


"Ok po boss." sabi ko.

 Dumiretso na ko kaagad dun sa likod para kunin ung iba pang utensils. Grabe! Di pa nagsisimula ung mismong event, pagod na ako.

Pero worth-it naman ung pagod kasi makakakain nman ng maayos ung mga kapatid ko pati si nanay.


(Sebastian's POV)

Pagkaalis nila Mom and Dad. Pumunta na ko sa kwarto ko at nagprepare na sa event. Ayaw ko mang sumama well, no choice ako. I really don't want to go to that event! Ano naman gagawin ko? Tutunganga lang dn habang nagsasalita ung mga executives? At saka, ngayon nanaman nila ako ipapakilala as CEO ng PGC. I really hate my situation.


"Sir Sebastian, kailangan niyo na pong umalis. Tumawag na po si Ma'am Lea na kailangan niyo na daw pong sumunod dun" sabi nung maid.


Siguro, magsstart na ung event, kaya kailangan ko nang sumunod. Ayoko talagang pumunta! 


"Sige manang, susunod na po"


Sinuot ko na ung black suit ko. Black kasi ung napili ni Dad na color ng suit ko. Bumaba na ko at sumakay na sa car. Ang tahimik lang dito.


Pagpunta namin sa venue, biglang nagsilabasan ng camera ung mga media at kinuhanan ako ng litrato kahit nasa loob pa ko ng sasakyan. 


Pano kaya nila ako makukuhanan ng picture kung tinted ung window ng car?


Pagbaba ko, mas nagkaroon ng commotion. Grabe talaga, di man lang nila gawing private tong event.


Pumasok na ko at nakipagshake hands sa mga guests at iba pang executives ng PGC. 


"Ladies and Gentlemen, let's welcome, the future Chief Executive Officer of Perez Group of Companies, Mr. Sebastian Perez!" at winelcome na kung nung host.


Grabe pagod na ko magpanggap maging deserving sa lahat ng mga executives! 

The CEO's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon